Chapter 25 3rd Person's POV "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na layuan mo ang prinsipe na iyon!" Galit na galit ang hari at nakatingin sa prinsesa. Nasa opisina ngayon ang hari at kaharap ang prinsesa. "Mahal na hari hindi mo kailangan sigawan ang prinsesa—" "Huwag ka mangialam dito Floran. Anak ko ang prinsesa at siya ang susunod na reyna. Ako ang magpapasya sino maari niya maging kaibigan at sino ang dapat niya pagkatiwalaan," puno ng awtoridad na sambit ni Hakken. Dumilim ang mukha ni Floran magsasalita ito ng pigilan ito ni Koa. Maaring maganda ang nagiging pamamalakad ni Hakken. Kahit anong pagsubok at delubyo nalalampasan nila iyon dahil kay Hakken ngunit— hindi lingid sa kaalaman nina Floran paunti-unti pinapalitan ni Hakken ang mga opisyales na dating nagtatrabaho sa reyna.