Chapter 24 "Mahal na reyna!" Pinalibutan ng mga konsorte si Mystica at bahagyang mga umatras. Hinahabol ng mga ito ngayon ang hininga. Tila kasi hindi mga nauubos ang mga halimaw. "Arghh!" Marami sa mga kawal ang nakagat na at ngayon ay nilalapa na ng mga halimaw. Inutusan ng reyna na pumasok na sa palasyo ang mga tagapaglingkod na lumabas para tulungan sila. Hindi na maganda ang pakiramdam ng reyna doon. Kung gagamit siya ng kapangyarihan ay kaya niyang kalahatiin ang bilang ng mga kalaban na siya lang— ngunit kung gagamit siya ng sobrang kapangyarihan malaki ang magiging epekto 'non sa mga batang dinadala niya. Hinawakan ng reyna ng mahigpit ang espada. Muling sumugod ang mga konsorte. Umatake na din ang reyna ngunit hindi niya inaasahan na mula sa likod— may napakahalimaw an