Chapter 16 KASALUKUYANG inaayusan ng mga tagapaglingkod si Valkyrie. Sinuutan siya ng itim na kasuotan at may burda na kulay ginto. Tinalian ang din mahaba niya na buhok dahil tumanggi si Valkyrie na putulin ang mahaba na niyang buhok. Babalik pa siya sa palasyo at isa siyang konsorte ng reyna. Gustong-gusto din ng reyna ang mahaba niyang buhok kaya hindi niya pwede iyon ipaputol. Tiningnan niya ang sarili sa malaking salamin matapos siya ayusan ng tagapaglingkod. Naalala ni Valkyrie na nais niya dati ng itim na kulay— tanda iyon ng pagiging bampira. Ngayon nakikita niya ang sarili salamain pakiramdam niya hindi siya ang nasa reflection. MARAMI sa mga kawal at tagapaglingkod ngayon ang hindi maiwasan matulala matapos makita ang hitsyura ng lalaki. Hindi kasi nila alam kung ito p