Chapter 15 Nagpakilala sina Valkyrie at Leonard bilang mga kawal ng palasyo. Nag-offer ng tulong at sinabing sasamahan ang mga ito pabalik sa bayan. Agad ng mga tao tinanggap ang tulong dahil nakita nila ang galing ng mga ito sa pakikipaglaban at hindi maipagkakailang hindi mga ito normal na nilalang. "May mga nakausap ba kayong mga kawal para mapaghingian ng tulong?" tanong ni Leonard. Umiling ang matanda. "Pumunta kami sa mga lugar kung saan mga nakabase ang mga kawal ng emperyo malapit dito ngunit wala ng mga kawal doon. Puno din ng kaguluhan ang mga bayan at lahat ay nililigtas ang kaniya-kaniyang mga sarili. Noong nakita namin iyon ay napagpasyahan na namin agad na bumalik at hindi na pinagpatuloy pa ang pagpunta sa palasyo." Sinabi ni Valkyrie na tama ang desisyon ng matanda