Chapter 17 KAGAT-KAGAT ko ang daliri ko habang nag-iisip ng kung anong maaring gawin. Napatigil ako matapos maalala na maaring nasa bayan ng mga mortal si Leonard. Maari ko siyang kausapin para alisin ang mga tao sa lugar na iyon. Umalis ako sa base at ginamit ang kapangyarihan ko para mabilis na makarating sa bayan. Oo alam ko kung nasaan na lugar na iyon. Naalala ko ng malinaw ang mapa. Noong makarating ako sa lugar sa loob lamang ng isang oras bumungad sa akin ang napakalaking pader. Napapalibutan 'non ang buong bayan. "Ngayon paano ako makakapasok?" Nakatingala ako ngayon sa mataas na pader. Imposible na matalon ko ito. "Bampira!" Napatigil ako at lumingon. Nakita ko si Leonard at Hakken. May mga kasama itong kawal. "Leonard? Bakit mo kasama ang tao na iyan?" tanong ko. Su