Chapter 14 NASA tabing ilog kami ngayon ni Leonard. Kasalukuyang kong nililinisan ang kamay at mukha ko gamit ang tubig sa ilog. Nilinisan ko din ang latigo at mga patalim ko na ngayon ay nababalutan ng dugo. Hindi ako makapaniwala na mapapalaban kami agad pagkababa na pagkababa namin ng kabayo. Bahagya ako napatingin sa loob ng gubat. May narinig kasi ako mga ingay. Lalapitan iyon ni Leonard nang mag-gesture ako na huwag lalapit. Inaya ko si Leonard sa tagong bahagi ng ilog. Noong nakahanap kami ng pwesto tinanong ako ni Leonard kung bakit kami nagtatago. "May mga kawal." Hindi lang halimaw ang nasa loob ng kagubatan pati mga kawal. Maaring naririnig at naamoy ni Leonard ang mga halimaw at kalahi niya ngunit nararamdaman ko iyon ay nakikita. Nagsisigawan ngayon ang mga kawal n