TBMM - 3

1246 Words
"Nakakapagod iyong byahe, Jenny!" Inunat-unat ko ang aking magkabilang kamay at pabagsak na umupo sa sofa-ng maliit niyang nandito. "Gano'n talaga, Luna, first time mong lumuwas, 'ga. Pero, kapag nakasanayan mo niyan, madali na lang ang walong oras na byahe paluwas at pabalik sa atin." aniya nito sa akin at inabutan niya ako ng isang basong tubig. Inisang lagok ko ito dahil kanina pa ako nauuhaw. "Magkano renta mo rito, Jenny? Magkano ang babayaran ko sa'yo?" pagtatanong ko sa kanya. Medyo may kalakihan naman ang apartment na inuupahan niya. Dalawa ang pinto rito, isa ang k'warto at ang isa ay banyo. Magkaugnay ang sala at kusina niya. "Ga, huwag mo munang intindihin ang bayad mo rito. Sa susunod ka na makihati sa gastusin kapag dalawang buwan ka na sumasahod at saka mag-a-apply ka pa lang naman." sagot nito sa tanong ko. Tumayo ako at nilibot ang buong apartment niya. "Hindi ba nakakahiya sayo iyon, Jenny? Ikaw ang gagastos muna para sa akin." nahihiya kong sabi sa kanya. "Anong hiya-hiya niyan? Huwag kang mahiya sa akin, matagal na tayong mag-bestfriend, Luna..." saad niya sa akin at tumingin ito sa gawi ko. "Ipasok mo na iyang bag mo roon sa k'warto natin, ayusin mo na iyan. Doon sa isang cabinet iyong dalawang layer sa baba ng drawer doon walang laman, doon mo ilagay ang mga damit mo." Tinignan ko siya sa kanyang ginagawa, binuksan niya kasi ang isang karton na dala ko. Puno iyon ng bibingka at suman. Iyong isang karton naman ay puro mga gulay at iba pang pasalubong. "Ay, 'ga! Ang dami pala pinadala ni Mama sa'yo buti na lang nag-door to door ka talaga." saad nito ng makita ang buong laman ng karton. "Ibebenta ko na lang ang iba rito sa officemates ko. Bibigyan ko iyong TL namin." Hindi ko na pinansin si Jenny, pumasok na ako sa k'warto niya. Double deck ang kamang nandito, paniguradong sa taas ako matutulog. Tinignan ko ang cabinet na sinasabi niyang may dalawang layer na drawer ang nakalaan para sa akin. Nang makita ko iyon, inayos ko na ang mga damit ko baka kasi tamarin na ako dahil sa pagod sa byahe. Umakyat ako sa pangalawang palapag ng kama, malinis na ito at mukhang bago ang bedsheet at pillowcase nito. Talaga pinaghandaan ako ni Jenny. "'Ga niyong ka-- nandyan ka na pala." Sumilip ako sa ibaba at nakita ko si Jenny na nakatingala sa kinahihigaan ko. "Gusto mo ba d'yan 'ga? O, dito ka na lang sa baba?" pagtatanong nito sa akin at tinuro ang nasa ibabang kama. "Ayos na ako rito, Jenny. Salamat sa pag-aasikaso!" sambit ko sa kanya. "O'siya! Magpahinga ka muna, alam kong napagod ka sa byahe. Gigisingin na lang kita kapag hapunan." sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. NAGISING AKO ng marinig ang cellphone kong nagriring. Kahit inaantok pa ang diwa ko ay kinuha ko ang phone na nasa gilid ng unan ko. Nakita ko ang pangalan ng kapatid ko. "H-hello..." paos na bati ko sa kabilang linya. "Hello, ate! Pinapatanong ni Mama kung nakarating ka na d'yan! Sobrang nag-aalala na siya ng hindi ka pa tumatawag." Oo nga pala! Napabalikwas ako sa pagbangon ko, sumakit tuloy ang ulo ko dahil sa taranta ko. "Sorry, Laziz! Nakatulog kasi ako pagkarating ko rito sa apartment ni Jenny. Nakalimutan kong tumawag." paghihingi ko ng paumahin. Napahikab ako at saka nagsalita ulit, "kagigising ko nga lang ngayon, buti na lang tumawag ka." "Iyon nga ang sabi ko kay Mama, baka e ika'y nakatulog pagkarating d'yan pero kung ano-ano na ang iniisip niya. Baka raw na-kidnap o naligaw ka na raw d'yan." aniya sa akin at narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya. Napaka-siraulo rin ng kapatid ko. Napakamot ako sa sinabi ni Laziz. Si Mama talaga nakalimutan ko lang tumawag, e. "Teka, ate, nandito na si Mama. Ibigay ko itong phone ko sa kanya... Ma, si ate na-contact ko na, nakatulog lang pala dahil sa pagod kaya 'di nakatawag!" rinig kong sabi ni Laziz kay Mama. "Ayan talagang kapatid mong iyan! Pinag-aalala ako!" Napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Yari. "Hello, Luna! Ba't nakalimutan mong tumawag pagkarating mo d'yan. Grabe, ang nerbyos ko sayong bata ka! Napapunta agad ako kay Mareng Gina para tawagan si Jenny kung nakarating ka na d'yan. Nakahinga ako nang maluwag ng sabihin sa akin na nandyan ka na at natutulog na. Ikaw talagang bata ka!" sunod-sunod na sermon ni Mama sa akin. Rapper siguro si Mama nu'ng nakaraang buhay niya, ang bilis niyang magsalita. "Sorry na, Ma. Napagod talaga ako, e." hingi kong paumanhin sa kanya. Kasalanan ko naman, e. Pero, mas kasalanan ng byahe iyon sobrang layo ng Marinduque sa Manila. "Alam mo naman nag-aalala ako sa'yo palagi, Luna, lalo na't wala ako d'yan sa tabi. Sabi ko kasi sa'yo samahan kita pagluwas d'yan pero anong sabi mo sa akin, malaki ka na, kaya mo na mag-isa." Heto na naman tayo. Si Mama talaga. Hindi ko na kakalimutang tawagan siya everyday para mapanatag man na siya sa akin. "Ma, sorry na. Hindi na mauulit." pagpapalambing ko rito. Bumaba ako sa pangalawang palapag ng kama at umupo roon sa kutson ni Jenny. Napahikab ulit ako. "Ikaw talaga, Luna. Basta ang sinasabi ko sa'yo galingan mo ang interview mo bukas sa pinapasukan ni Jenny. Baka makalimutan mo iyan, nakakahiya, ha?" pagpapaalala ni Mama sa akin. Tumango ako sa kanya kahit 'di niya ako nakikita. "Opo, Ma. Sige po, 'Ma, baba ko na po, i-charge ko po muna ito. Ingat po kayo d'yan." "Ingat ka rin d'yan, Luna. Huwag kang magpapaapi at lumaban ka kapag alam mong tama ang ginagawa mo." habilin niya ulit sa akin. "O'siya, paalam na! Ingat ka d'yan, anak!" Binaba namin ang tawag, eksaktong sumilip si Jenny sa pinto ng k'warto. "Nagkausap na kayo ni Tiya Agnes?" Tumango ako sa tanong niya sa akin. "Ba't naman kasi nakalimutan mo, kahit man lang nagtext ka after mong bumaba sa bus kanina." "Sobrang pagod lang siguro kanina kaya nakalimutan ko rin, Jenny. May wifi ba rito? Anong password?" pagtatanong ko sa kanya. Mag-che-check muna ako ng peysbook ko bago ko i-charge itong phone ko para lowbattery talaga. Kinuha niya ang phone ko at nakita kong nagtipa siya roon. "Ayan, naka-connect ka na sa WiFi! Tara na, kain muna tayo ng hapunan." anyaya niya sa akin at sumunod ako sa kanya. Nagluto siya ng adobong manok, nagsandok na ako. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko. Habang kumakain ako, nag-i-scroll ako sa isang website na puro trabaho, naghahanap na p'wedeng pagkakitaan habang wala pa akong trabaho o p'wedeng maging sideline. "Hiring Personal Maid. Email your curriculum vitae..." Binasa ko ng buong ang post sa website na ito. "Hala! Ang laki ng sweldo!" bulalas kong sabi at pinakita kay Jenny. Kumunot ang noo niyang tinignan ito. "Fake niyan, Luna. Huwag mo ng patulan niyan." anito sa akin at binalik ang tingin niya sa hawak niyang phone. "Pero, paano kung hindi fake, Jenny? Puntahan ko kaya bukas after ng interview ko sa company niyo? Malapit lang naman dito niyan, diba?" pagtatanong ko sa kanya at pinakita ang address. "Isang sakay ng jeep papunta d'yan, Luna. Ikaw bahala kung pupuntahan mo. Please, kapag hiningan ka ng pera 'wag kang papayag. Fake niyon kapag humingi ng pera sayo." paalala niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Sayang naman kung 'di ko ita-try mag-apply. Personal maid tapos nasa 50k ang sahod kada buwan. Wow!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD