TBMM - 2

1191 Words
"Hello, Jenny, naka-sakay na ako sa barko paluwas ng Manila!" masayang balita ko sa matalik na kaibigan ko. Nasa barko na ako pero 'di pa ito umaalis mamaya pa kasi ang alis nito sa oras na 11:45 ng umaga. Mas pinili kong umalis sa umaga para makita ko ang daan papunta sa tinutuluyan ni Jenny. Susunduin daw niya kasi ako sa babaan sa terminal ng Jac Liner, nag-door to door bus kaya ako kahit ang mahal na ng pamasahe, no choice, ang dami kong bitbit. "Hello, Luna! Buti na lang talaga napapayag mo na rin si Tiya, atleast magkasama na rin tayo rito sa Manila!" sagot niya sa akin sa kabilang linya. "Buti na lang din talaga napapayag si Mama ng Mama mo Jenny, kung 'di hindi rin talaga siya papayag. Maging si lola pinagsabihan si Mama na hayaan ako kung saan ko gusto magtrabaho!" Lumabas ako sa loob ng barko, tumambay muna ako rito sa gilid para tignan sa huling pagkakataon ang probinsyang kinalakihan ko, ang Marinduque. "Si tiya naman kasi lagi na lang nag-aalala sayo. E, ang laki-laki mo na kaya, Luna!" Alam ko naman ba't siya nag-aalala sa akin. Ang clumsy ko kaya tapos mamali-mali pa ako sa lahat ng bagay kaya siguro gano'n ang pag-aalala niya sa akin kaysa sa kapatid kong lalaki na si Laziz. "Alam mo naman ang dahilan, Jenny." aniya ko sa kanya at inayos ang buhok kong nakalugay na sumaboy sa mukha ko ng humihip ang malakas na hangin. "Alam ko naman pero bata ka pa nu'n na'ng mangyari niyon, Luna. Saka, nangungulila ka lang sa Tatay kaya napagkamalan mo iyong lalaking kano na tatay mo." Sabay hagikhik nito sa kabilang linya. Pakiramdam ko iniikutan na naman ako ng mata ng isang ito. Malay ko ba, akala ko dati kapag kano, tatay ko na. Kaya lumapit ako sa isang kano nu'n 'tas yumakap nang mahigpit sa kanya. Buti na lang talaga mabait ang asawa nu'ng kano na niyakap ko noon at pinaliwanag naman ni Mama sa mag-asawa na nangungulila ako sa ama ko. Napangiwi ako sa kanyang sinabi, "bata pa kaya ako nu'n." depensa ko sa aking sarili. "saka natuwa pa nga sa akin iyong mag-asawa kasi ang cute ko raw." Narinig kong tumawa siya sa sinabi ko. "Luna, buti na lang cute ka nu'ng bata ka kung hindi nandiri na iyong kanong niyakap mo dati. Hahaha!" Umalis na ako sa gilid ng barko ng mag-announce ang captain na aalis na ang barkong sinasakayan namin. Nakita ko na rin tinaas nila ang pinasukan namin kanina. Bumalik ako sa inupuan ko kanina. Nakalagay naman doon ang isa kong backpack kaya walang umupo. Dito sa amin kahit iwan mo ang gamit mo, walang magnanakaw. Kaya pangalawa ang Marinduque sa tahimik na probinsya sa buong Pilipinas. "Oh sige na, Jenny. Lalarga na itong barkong sinasakyan ko. Saka nga pala, may pinadala ang Mama mo ritong suman at bibingka para raw ibigay mo sa mga officemates mo." saad ko sa kanya. Iyon talaga ang dahilan kaya nag-door to door ako, iyong ibang gamit na dala ko nasa bus na lang. "Sabi ko kay Mama 'wag ng magdala, e. Baka mahirapan ka pa magbitbit. Si Mama talaga." Nakarinig ako sa kabilang linya na isang whistle. Mukhang nagpapakulo siya. "Oh siya, Luna, magtext ka mamaya kapag malapit ka sa terminal ng Jac Liner. O, 'di kaya magchat ka mamaya kung nakarating ka na sa Dalahican pier, 'ga?" pagpapaalala niya ulit sa akin. Kagabi pa niya sinasabi sa akin ito kaya kanina pa rin umuulit-ulit sa isipan ko. "Oo na, Jenny! Kagabi mo pa pinapaalala sa akin niyan. Para kang si Mama kung magsalita." mariin kong sabi sa kanya. Umaandar na ang barko. Lumibot ang aking tingin sa loob ng barko. Ang dami rin pa lang luluwas ng Manila, O, baka naman iba d'yan pupunta lang sa SM Lucena. Wala kasing SM sa Marinduque kaya kailangan pa naming lumuwas. "Hoy, Luna, para kitang kapatid! Kilala kaya kita! Kaya ganito akong mag-alala sayo! Oh, siya mamaya na lang ulit. Kakain muna ako at kakauwi ko lang ng tumawag ka. Ingat ka sa byahe, 'ga!" sermon niyang sabi sa akin at binaba na ang tawag. Nag-aalala raw baka naman gusto niyang tsumismis sa akin about sa kapatid kong si Laziz. Hindi naman lingid sa akin na may gusto siya roon sa kapatid ko pero ang kapatid kong lalaki ang wala pang balak na mag-girlfriend. Wala ngang pinapakilala sa amin ni Mama. Nakamasid lang ako sa mga pasaherong nandito. Wala naman kasi akong p'wedeng abalahan, manood lang na pinapalabas dito at magmasid. Hindi naman ako p'wedeng maglaro sa phone ko, paano kung ma-lowbattery ito? Paano ko tatawagan si Jenny? Wala akong dalawang powerbank din. Wala naman kasi akong gano'n kaya magmasid na lang tayo, panget din kasi ang palabas na pinapalabas ngayon. Pagkatapos ng tatlong oras na paglaot sa dagat para makarating sa Dalahican pier, nakababa rin kami agad. Pumasok ako sa bus na sinakyan ko kanina, apat na oras na byahe na naman bago ako makarating sa pinaka-terminal ng Jac Liner. "Nakababa na ako sa dalahican pier, Jenny. Pa-larga na kami papuntang terminal." Sent! Ayon sa sabi niya kanina mag-text ako sa kanya kapag nakalapag na kami sa pier. Wala na naman akong magawa, isama mo pa ang katabi kong natutulog at malapit ng sumandal sa aking kanang balikat. Buti na lang mabait ako at babae itong katabi ko. Unti-unti na akong dinadalaw ng antok dahil sa katabi kong ito kaya hindi ko namalayan maging ako ay nakatulog na rin habang nasa byahe. Napabalikwas ako nang marinig ang cellphone kong ring nang ring. Muntik pa nga akong tumayo dahil sa taranta ko buti na lang nasa bus pa ako. Sumilip ako sa bintana, 'nasaan na ako?' tanong ko sa aking isipan. Kinuha ko muna ang phone kong nasa sling bag na kulay itim. Tumatawag si Jenny! "H-hello..." Kinakabahan kong sagot sa kanya. "Gaga ka! Ang tagal mong sumagot, akala ko kung ano na nangyari sa'yo! Malalagot ako kay Tiya Agnes!" galit na bungad niya sa akin. "Sorry na, Jenny, nakatulog ako, e." humihingi na pasensyang sabi ko sa kanya. "Nasaan ka na? Two hours na ang nakakalipas ng magtext ka sa akin kanina. Papunta na ako sa terminal, ha?" pagtatanong niya sa akin. Teka, nasaan nga ba ako? Sinilip ko ang aking katabi, nakita kong nag-se-selpon na ito. "Ate, nasaan na tayo?" pagtatanong ko rito. Tumingin siya sa akin at binaba ang hawak niyang cellphone. "Neng, nasa muntilupa na tayo. Malapit-lapit na rin tayo sa terminal." sagot niya sa akin at binalik ang tingin sa hawak niya. "Salamat po," pagpapasalamat ko sa kanya. Ngumiti na lamang ito sa akin. "Muntilupa na raw kami, Jenny." sabi ko rito. "Narinig ko nga, Luna. Oh, sige! Kapag nauna ka roon sa terminal hintayin mo ko. Huwag kang sasama sa iba, 'ga!" bilin na sabi nito sa akin. Napanguso naman ako sa sinabi niya. "Oo naman, sige na, Jenny! Kita kits mamaya!" paalam ko sa kabilang linya at binaba na ang tawag. Hala! Konti na lang ang battery ng phone ko. Kapag talagang nagkaroon ako ng work bibili akong bagong phone, mabilis na kasing ma-lowbat ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD