TBMM - 4

1637 Words
"Luna, galingan mo sa interview, ha? Hindi kita masasamahan d'yan sa loob puro mga applicant lang p'wede d'yan." Napatingin ako kay Jenny at tumango ako sa kanya. Sabay kasi kami pumasok, sinabay na niya ako baka raw kasi maligaw ako. May tama naman ang sinabi niya, baka nga maligaw ako katulad na lamang nu'ng lumuwas ako rito sa Manila. “Sige na, ‘ga. Salamat, ha? Mag-in ka na sa work mo baka ma-late ka.” ani ko sa kanya at kumaway sa kanya. “Oh, siya, ‘ga! Text mo ko kapag tapos na ang interview mo!” malakas na sabi niya sa akin at kumaway rin pabalik. Nang mawala sa paningin ko si Jenny, bigla ako nakaramdam ng kaba. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko naman first time ma-interview pero iba na ito, marami akong kasabay at the same time mukha silang matatalino. Makakapasa kaya ako? Iniling ko ang aking ulo, makakapasa ako! Hindi ko ipapahiya si Jenny sa pag-recommend niya sa akin dito. And, sayang din ang benefits sa company na ito. Pa-simple akong tumingin sa mga kasama ko rito sa loob ng room, kung saan kami naghihintay na tawagin ang pangalan namin for interview. Bale nasa labing-dalawang tao kaming nandito. Apat na lalaki at walong babae. Base sa mga suot nila, mukhang prepared sila for interview. Napalunok tuloy ako dahil sa aking iniisip. Sana may magandang mangyari sa akin ngayon. Kailangan maging proud sa akin si Jenny. Pinisil-pisil ko ang aking kaliwang kamay para mawala ang aking kabang nararamdaman. Napaayos kami ng pagkakaupo ng may pumasok sa room kung nasa'n kami. Isa yata siya sa mga HR sa company na ito. “Good morning, everyone! I’m Ana, the HR at Label BPO company.” Nakangiti nitong pagpapakilala sa amin. “I wish you all could pass. I'll call you by two's, okay? When you come out of this room, you will see on the left side has two glass doors, with 1 and 2 on the top. I'll tell you where you're going, is that clear?” seryosong sabi niya sa amin na siyang kinatango ko. Napalunok na naman ako dahil namamawis na ngayon ang aking palad. “Espiritu, Cristina, you go to door 1. And, Fernando, Erwin, door 2. You can go. Just go in there right away. The person who will interview you is waiting there” announced niya sa dalawang nauna. Umalis na rin agad ang dalawang unang tinawag niya. Hindi pa rin naaalis ang aking kaba. Dapat makalma ko ito baka kasi maging barok ang english ko mamaya. “After they are interviewed, prepare for the next one I will call. Ms. Ford, Luna, you can go to door 1.” Napalunok na ako at halos kumawala na itong puso ko sa aking dibdib. “and, Evangelista, Thalia, door 2.” basa niya sa kanyang hawak. Mama, sana makapasa ako. Huhu. Iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko mamaya. May inaral akong interview na galing sa facetagram, nakita ko roon ‘yon at kinabisado nang matagal para kunwari matalino at confidence ako sa isasagot ko mamaya. Simula ng makita ko sa facetagram niyon, sinave ko na agad sa phone ko at minemorized ko. Sana nga lang niyon ang itanong mamaya. Ilang minuto rin ng lapitan na ulit kami ni Ms. Ana. “You may go,” saad niya sa amin kaya tumayo na kami nu'ng isang tinawag niya kanina. Para akong robot na naglalakad palabas sa room na ‘to. Heto na naman ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko na ring may namumuong butis na pawis sa aking noo kahit malamig dito sa company nila. Parang nanunuya pa yata itong lalamuna at labi ko, gusto kong maglaklak ng isang gallon na tubig ngayon. Napahinto ako nang makita ko na ang door 1. Dito ako i-interview-hin. Tanaw rito sa labas na may isang babaeng naka-upo roon at mukhang hinihintay ako. Bakit ang dali naman natapos nang interview ng nauna sa akin? Pasado kaya siya? O, diretsong umuwi na siya? Pinakalma ko ang aking sarili, huminga nang malalim at lakas loob ng tinulak ang pinto papasok sa door 1, wala na rin kasi niyong kasabayan ko pumasok na siya sa door 2 na katabi lang nito. “Good morning,” bati kong nakangiti sa kanya. Sabi ni Jenny dapat may confidence ka raw na haharap sa mga mag-i-interview sa'yo. “Good morning too! You can sit down!” Balik nitong sabi sa akin at nakangiti rin siya. Umupo ako sa silyang nasa tapat niya. Mukha naman siyang mabait. “Introduce yourself.” Simpleng sabi niya sa akin habang ang mga mata niya ay nakatuon sa isang folder. Nandoon yata iyong resume ko. Ngumiti ako sa kanya. “Hi, I'm Luna Ford. 22 years old. I live in Marinduque - the heart of the Philippines, right now I live with my friend here in Pasig. My hobbies are reading novels - english or tagalog novels and I also love watching movies.” pagtatapos kong sabi sa kanya. Tumango-tango siya sa akin. “Okay, why did you leave your last job?” Nakamata niyang sabi sa akin. “I've learnt a lot from my current role, but now I'm looking for a new challenge, to be broaden my horizons and to gain a new skill-set-all which I see the potential for in this job. And, also, I'm looking forward to better opportunity to grow in job wise and financial wise. I want to learn more things, where am working.” Mahabang sabi ko sa kanya. Buti na lang kabisado ko lahat ang mga iyon. Iyong mga nakita ko sa facetagram. Nakita kong ngumiti siya. “Okay, last question. Why should we hire you?” “Okay. I have a strong work ethic. I am a fast learner and I am very enthusiastic about this company and the job. I believe that my motivation and commitment will ensure that I quickly become a productive and valued member of your team.” Hindi ko na alam kung tama pa ba ang english grammar ko and ang pronunciation ko pero alam ko namang naitawid ko ang gusto kong sabihin. “Thank you, Ms. Ford. You can now go to the examination room. Goodluck!” Nakangiti niyang sabi sa akin. Yumuko ako sa kanya. “Thank you po!” nakangiti rin na saad ko sa kanya. At, nagmadali akong lumabas. Nawala na niyong kabang nararamdaman ko kanina. Parang gustong kumawala ng puso ko kanina dahil sa sobrang bilis nang t***k ng puso ko habang nagsasalita ako. Nawala na rin ang pagpapawis ng aking kamay. Pumunta na ako sa examination room. Pagkapasok ko roon, nadatnan ko ang nauna sa aming interview-hin. Nakatutok na ang tingin nila sa monitor. “Hi, You can sit in the third chair. Goodluck with your exam!” Pagpapalakas nitong sabi sa akin. Binigyan niya rin ako ng isang long bondpaper at dumiretso na ako roon. Don't tell me my math sa examination? Kumuha ako ng ballpen sa dala kong bag. May clinick ako roon sa monitor at dumiretso na iyon sa site ng examination. Napatulala na lang ako ng makita ko. Walang math. Walang choices. Makikinig kami. Kinuha ko ang headset at nilagay na niyon sa aking tenga. Patalasan na ba ito ng pandinig? Ilang score ang need na kunin para makapasa? Wala akong maintindihan. Ang bilis ng nagsasalita at iyong pagka-fluent ng english ng nagsasalita ay halos hindi ko na maintindihan. Makakapasa ba ako? Hindi ko na alam ginagawa ko basta nagki-click na lang ako. Once lang p'wede marinig ang voice over na iyon. Halos isang oras bago ako makatapos sa exam namin. At, pinapanalangin kong makapasa sana ako. Pero... Unang try ko, bumagsak ako. Halos lahat kaming nauna ay hindi naabot ang score na kailangan. Bumalik ako sa umpisa. Pinakinggan nang husto ang nag-vo-voice over sa monitor pero hindi ko pa rin talaga masundan ang sinasabi niya. Halos sumakit ang ulo ko dahil sa Customer Service Test na iyon. Doon ako bumabagsak. Sa ikatlong try ko, hindi ko alam kung pumasa ba ako. Basta ang sinabi sa akin. “HR will only call you if you pass. Have a great day, thank you!” Ngumiti na lang ako roon sa babae at tuluyang lumabas ng company nila Jenny. Mukhang malabong makapasa ako. Iyong mga kasama ko kanina, one and twice lang nakapasa na sila. Halos apat lang kaming na-trice na examination bago kami pinatigil. Si Jenny kaya nahirapan din sa Customer Service Test na iyon? Ang arte kasi ng nagsasalita, halos hindi ko tuloy malaman kung ano iyong sinasabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan ng kumulo ito at tumunog. Nagugutom na ako. Bagsak na lumingon ulit ako sa company na pinagta-trabauhan ni Jenny. “Sorry, Jenny! Mukhang 50/50 ako sa company niyo.” malungkot na sabi ko sa aking sarili. “Ikakain ko na lang ito.” Lumakad ako at natanaw ko rito ang pulang bubuyog na fast-food restaurant, kahilera lang naman nito ang company kung saan namamasukan si Jenny. Pumasok ako roon at saka umorder. Sa probinsya namin bihira lang kami kumain nito, wala kasi nito sa probinsya namin. Nagkakaroon lang nito kapag ‘Holy Week’ o kung luluwas ka sa kabilang probinsya. Pagkakuha ko ng aking order na isang spicy chicken with rice and soft drinks and nagdagdag ako ng medium fries with sundae. Nagutom talaga ako sa examination na iyon. Anong gagawin ko ngayon? Saan ako maghahanap – iyong nakita ko sa website! Iyong naghahanap ng personal maid. Iyong 50k ang sahod sa isang buwan. Sabi ni Jenny, isang sakay lang daw iyon kapag sa amin galing. Dito kaya ilang sakay? Siguro naman hiring pa sila? Sabi roon sa nabasa kong website, p'wede raw ang walk-in applicant. Napangiti ako sa aking iniisip. “Pupuntahan kita 50k! Wait for me, kakain lang ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD