NAUNA akong nakarating sa apartment na tinutuluyan namin ni Jenny. Madilim nga sa loob ng pumasok ako kaya binuksan ko agad ang ilaw at maging ang television ay binuksan ko rin para malaman nilang may tao na sa loob.
Pumasok ako sa k'warto namin, kinuha ang towel at dumiretso agad ako sa banyo. Nalalagkitan na ako. Sobrang init kasi kanina, nag-pedicab na nga ako pagkababa ko kanina sa jeep.
Pagkatapos kong mag-shower ay nagbihis na rin ako ng pantulog ko para dire-diretso na hanggang matulog mamaya, hindi na ako magpapalit.
Lumuhod ako sa tapat ng phone ko, chinarge ko na kasi ito kanina bago ako mag-shower.
“Jenny, ‘ga, nakauwi na ako sa apartment. Huwag ka na mag-alala. Huwag ka na rin muna magtext, naka-charge itong phone ko ngayon.”
Message sent!
Nilapag ko ulit ang phone ko at lumabas na ng k'warto. Baka kasi magtext iyong si Jenny kung nakauwi na ba ako rito kaya inunahan ko na siya agad.
Si taranta girl pa man din ang isang iyon.
Gumawi ako sa rice cooker ni Jenny, wala ng kanin doon kaya hinugasan ko muna ‘yon at nag-saing ako ng panibago.
Sunod na tinignan ko ang laman na'ng ref ni Jenny, mayro'n akong nakitang cheesedog doon kaya kumuha ako ng apat na piraso and tatlong itlog.
Wala ng gaanong laman ang refrigerator ni Jenny, mukhang hindi pa siya namamalengke.
Binuksan ko ang cabinet na malapit sa gas stove ni Jenny at kinuha roon ang kawali and sianse para makapag-prito na ako. Para pagkauwi ni Jenny, kakain na lang siya.
Una kong pinirito ay ang itlog, ginawa ko na lang scrambled egg para marami tignan kapag kinain at sinunod ko agad niyong apat na cheesedog. Habang nagpi-prito nga ako biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na ako dahil sa dalawang interview na ginawa ko kanina.
Nilagay ko sa plato ang prinito kong ulam namin ni Jenny at eksakto namang dumating na rin siya.
“'Ga?” tawag niya sa akin at mukhang may sasabihin sana siya pero nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa k'warto.
Eh? Anong ginagawa ng isang iyon? Tinawag ako tapos pumasok naman sa loob ng k'warto.
Naghain na lang ako ng pagkain namin, nilagyan ko na rin ng pinggan si Jenny at maging kutsara't tinidor saka baso.
Umupo na ako at hinihintay na lamang lumabas si Jenny para sabay kaming kumain. Pakiramdam ko, pagkatapos kong kumain makakatulog na agad ako. Ang aga ko rin kasing nagising kanina.
“Kain na tayo, Jenny!” Tawag ko sa kanya na makitang lumabas na siya sa k'warto, nakapagpalit na siya ng pambahay.
Umupo siya sa tapat ko. “Luna, hindi naman ba scam niyong pinuntahan mong work?” Iyon agad ang tinanong niya sa akin.
Siguro ‘yon dapat ang itatanong niya kanina pagkarating niya. Umiling ako sa kanya. “Hindi naman, ‘ga! Kilala pala iyong company na iyon.” saad ko sa kanya at naglagay na ako ng kanin sa plato ko.
“Ano nga ulit company ang pinuntahan mo kanina?” Kinuha niya sa akin ang plato ng kanin.
“G. Smith International Company, Jenny. Nagatanong nga ako sa paradahan ng jeep kung alam ba nila iyon, eksaktong ‘yong napagtanungan ko ay alam niya. Tinuro niya sa akin ang daan papunta roon. Nilakad ko lamang.” pagsasalaysay ko sa kanya.
“Ay, gaga ka! Iyon pala ang company name ng pinuntahan mo?” Tumango ako sa kanya at sumubo na ng pagkain ko. “Kilala ang company na iyon dito! Mayaman ang may-ari nu'n, Luna! Kumusta naman ang interview doon? Balak ko lumipat doon dahil malaki raw ang sweldo and maraming benefits pero lagi silang walang hiring.”
Sumubo muna ulit ako at talagang nagugutom na ako. “Ayos lang naman, naitawid ko lahat ng tanong ng nag-interview sa akin, Jenny. Marami nga kaming applicants kanina, anim ang nakasabay ko pero sabi kanina may mga nauna na raw natapos bago mag-lunch break.” Pagku-k'wento ko sa kanya.
“Personal Maid ang inapplyan mo roon, ‘di ba? May alam ka ba tungkol doon?”
Umangat ang tingin ko sa kanya at base sa mga mata niya ay nag-aalala siya sa akin. “Oo naman! Marunong naman akong gumawa ng gawaing bahay, ano?! Marunong din ako magluto at mag-asikaso kaya yakang-yaka ko iyon, Jenny! And, ‘di pa naman sure kung ako ang tatanggapin nila. Ang dami kaya namin kanina.” Napakamot tuloy ako.
Naalala ko na naman ang salitang “HR will only call you if you pass.” Maghihintay ako na tawag, inshort, need kong umasa.
“Huy, think positive lang, Luna! Kung ramdam mo namang ginawa mo ang best mo sa interview kanina at sinabi mo ngang yakang-yaka mo ang interview kaya dapat maniwala kang ikaw ang makukuha sa posisyon na iyon!” Napagsabihan pa tuloy ako.
“Think positive naman ako, Jenny, pero ang dami kasi namin. Baka mas maganda ang sagot nila kanina. Pero, maniniwala pa rin akong makakatanggap ako ng tawag mula sa HR!” May kump‘yensa na sabi ko sa kanya.
“Ganyan dapat! By the way, iyong sa company namin, kumusta ang interview and examination mo?” Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya iyon.
Napababa ako ng aking ulo at napakamot sa aking buhok. “Jenny... Sa totoo lang, may tiwala ako at nakataas ang ulo ko sa interview, iyong pina-aral mo sa akin kung ano sasabihin ko, itawid ko niyon na walang utal sa aking bibig. Pero...” Napahinto sa aking sasabihin.
“Pero?” ulit niyang sabi sa akin.
“Iyong sa examination niyo... Naka-tatlong ulit ako.” saad ko sa kanya at napapikit ako. “Sorry, Jenny! Ilang beses akong umulit doon sa Customer Service Test, kahit idiin ko na iyong headset sa tenga ko hindi ko talaga maintindihan niyong nagsasalita.” mababang sabi ko sa kanya.
“Huy, ayos lang ‘yon, Luna! May chance ka pa rin naman makapasa. Kain na ulit tayo!” Balik niyang sabi sa akin at nag-umpisa na ulit siyang kumain.
Sana nga makapasa rin ako roon. Dahil doon sa personal maid sa G. Smith International Company mukhang suntok sa buwan na makapasa ako dahil sobrang dami namin kanina.
Pagkatapos naming kumain, si Jenny na raw ang maghuhugas ng pinggan kaya pumasok na lang ako sa loob ng k'warto. Umakyat na ako sa pangalawang palapag ng double deck.
Napatitig ako sa kisame ng k'warto. “Ang hirap pala makahanap ng work dito! Ang daming kalaban!” Tumagilid ako ng pagkakahiga at niyakap ang aking unan.
Tinanggal ko na rin pala sa pagkaka-charge ‘yong phone ko bago humiga baka kasi makalimutan ko iyon at mag-umpisa pa ng sunog.
Si-net ko ang aking alarm sa seven ng umaga. Aasa ako bukas na makatanggap ako ng tawag kasi kung hindi, need ko na naman humanap ng trabaho.
“Luna? ‘Ga?”
May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko pero inaantok pa rin ako. Inangat ko ang aking kumot at nagtalukbong dahil pagod na pagod pa ang aking katawan.
“Huy, Luna? Papasok na ako sa trabaho ko. Gumising ka na d‘yan!”
Napa-upo ako ng may maramdaman akong humampas sa aking balikat. Blangko akong tumingin sa aking harapan.
“Finally, nagising na rin kita!” Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko si Jenny na naka-ayos na. “Papasok na ako. Ikaw na muna rito, okay? Saka pala, p'wede ka bang mag-grocery, Luna, wala na kasi tayong stock na pagkain.” sabi niya sa akin na siyang kinatango ko na lang.
“Naglista na ako ng bibilhin mo, ha? Ilalagay ko na lang sa lamesa niyong papel at iyong pera, Luna.” Tumango ulit ako sa kanya. “Oh, siya, papasok na ako!” saad niya ulit sa akin.
“Je-jenny...” tawag ko sa kanyang pangalan bago pa siya makalabas ng k'warto. “Sorry kung nagiging pabigat ako rito.” nahihiya kong sabi sa kanya.
“Sira, mag-bestfriend tayo simula bata, Luna. Saka mahirap naman talaga maghanap ng work dito, hindi instant noodles ang paghahanap ng trabaho sa Manila. Kaya ayos lang, sasamahan kita maghanap ng work ulit kapag wala kang natanggap na tawag this week. Sige, ingat ka sa pag-go-grocery mamaya! Magtext ka, okay? At, maging kila tita tumawag ka raw!” Mahabang sabi niya sa akin at saka lumabas ng k'warto.
Hay! Tinampal ko nang mahina ang mukha ko. Kailangan ko agad makahanap ng trabaho! Kailangan natin maghanap ng work, Luna! Para sa pangarap natin!