TBMM - 7

1907 Words
BUMABA ako sa kama at kinuha na rin ang towel sa likod ng pinto. Kailangan ko na maligo para makapag-grocery agad ako. Tahimik ang buong sulok ng apartment ni Jenny, ganito pala rito kapag mag-isa ka lang. Nakita ko iyong papel na sinasabi niya at nandoon din ang pera pambayad sa grocery. Puro panggamit sa bahay ang kailangan kong bilhin katulad ng sabon panlaba, fabric conditioner, shampoo, conditioner at iba pang pang-linis sa bahay. Pero, may iilan ding pagkain mismo. Binaba ko na ulit ang listahan at saka pumasok sa loob ng banyo. Ilang minuto lang din ang tinagal ko sa banyo dahil sobrang lamig ng tubig. Hindi ko naman alam na mas malamig ang tubig sa Manila tuwing umaga kahapon kasi hindi ko naramdaman sa sobrang pagmamadali. Nagsuot lang ako ng maong pants and white loose shirt na may design na alien sa top right ng aking damit. Kinuha ko na rin muna ang cellphone ko sa kama, hindi naman gaanong nabawasan ng battery kaya mamaya ko na lang i-cha-charge. Kailan kaya ako makakatanggap ng tawag mula sa dalawang inapplyan ko? “Sana naman tumunog ka munting cellphone ko! Please!” kausap ko sa cellphone kong hindi naman nagsasalita. Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at nagpakulo ako ng tubig sa electric kettle ni Jenny, magka-kape muna ako dahil nga coffee is life! Kumuha rin ako ng isang biscuit na mayro'n si Jenny, bibili nga ako mamaya ng ganito para sa umagahan namin and bibili rin ako ng personal na gamit ko, nakakahiya naman kay Jenny. Habang hinihintay kong kumulo ang pinapainit kong tubig, binuksan ko ang aking facetagram makikipag-video call ako sa kapatid kong si Laziz baka nag-aalala na naman niyong nanay namin dahil ‘di ako nakatawag kahapon. Ilang ring lang ay agad din sinagot ng kapatid ko ang video call. “Ma! Si ate Luna nag-video call!” Malakas na tawag niya kay Mama at nakita kong lumakad siya palabas ng bahay namin. Iniwan ko muna ang cellphone sa lamesa tapos na kasi kumulo iyong pinapainit kong tubig. Naglagay ako sa mug ko at hinalo na ang kape-ng nandoon. “Luna? Luna?” Napangiti ako ng marinig ang boses ni Mama. “Ma!” Nakangiti kong tawag sa kanya at sumulpot ako bigla sa camera. “Ay, lintek na bata ka!” Mahina akong napatawa kahit kailangan magugulatin pa rin siya. “Kumusta ka na r‘yan bata ka? Binibigyan mo ba ng sakit sa ulo ni Jenny?” Umiling ako sa kanya. “Kumusta ang interview kahapon? ‘Di ba, kahapon ang interview mo sa company nila?” sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Tumango ako kay Mama. “Opo, kahapon po. Maaayos naman po ang interview ko, Ma. And, tatawagan na lang po kami incase na makapasa po. Saka po pala, ‘ma...” Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tungkol doon. “Ano iyon, Luna? Nag-promise tayong no more secrets, ‘di ba?” Nawala ang camera sa mukha ni Mama. “Nag-apply po ako bilang personal maid sayang po kasi... Malaki po kasi niyong sweldo, Mama.” Nahihiya kong sabi sa kanya at naikagat ko ang aking ibabang labi. “Personal Maid, Luna?” Gulat na gulat na sabi nito sa akin. “Anong alam mo bilang personal maid, anak? Ikaw talaga, Luna!” Napangiwi ako sa boses ni Mama kung nandoon ako paniguradong kurot sa singit ang nakuha ko mula sa kanya. “Nag-try lang naman ako, Ma! Saka sayang iyong 50K na sweldo sa isang buwan. Marami rin nag-apply doon kaya imposibleng matanggap din ako.” saad ko sa kanya at ininom ang aking kape. Nakita kong napailing siya sa akin. “Ikaw talagang bata ka! Bahala ka, Luna, kung saan gusto mo pero hindi ka nga marunong maglaba!” Napalabi na lang ako sa sinabi niya. “Mama naman! Personal maid ang kinuha ko at hindi labandera! Kumbaga naka-focus lang ako sa batang aalagaan ko! Saka, noong nag-ofw ka naman dati hindi ka rin marunong magla–” “Iba iyon, Luna! Pero, tandaan mo, anak, nag-apply ka para ipakita sa kanila ang kakayahan mo kaya kung makukuha ka man doon sa sinasabi mo galingan mo ang trabaho mo, okay? Walang mali bilang kasambahay o personal maid pa iyan.” Mahabang sabi niya sa akin. “Oo nga pala, may pera ka pa ba d'yan? Padadalhan kita.” Umiling ako sa kanya. “Mayro'n pa po. Sobra-sobra pa nga po itong nasa akin, Mama.” tanggi ko sa kanyang alok. “Oo nga pala, Mama, maya na lang ulit tayo mag-usap, need ko pa mag-grocery and bibili na rin ako ng gamit ko! Bye po!” “Oh, siya! Bye, Luna! Mag-iingat ka d'yan and always kang magtetext sa amin kung maayos ka d'yan sa Manila o kung gusto mo na umuwi, okay?” Tumango ako sa sinabi ni Mama. “Okay! Bye, Ma, ingat din po kayo d'yan! Pa-kumusta na lang po kina lolo and lola!” paalam ko sa kanya at binaba na ang tawag. Inubos ko na ang kapeng iniinom ko, hindi na nga mainit dahil sa haba ng k'wentuhan naman ni Mama. Inisang lagok ko na lang tuloy niyong kape ko at maging iyong biscuits na kinuha ko. Bago ako umalis, hinugasan ko muna iyong mug and kutsarita na ginamit ko. Tinignan ko rin ang bawat sulok ng k'warto kung may naiwan akong nakasaksak na outlet baka kasi abutin ako ng isang oras sa pamimili. Nang makasigurong wala akong naiwan na nakasaksak, lumabas na ako sa apartment at ni-lock iyon. Mag-je-jeep na lang ako papunta sa supermarket at mag-ta-traysikel naman pauwi para iwas hassle. Kahit mag-alas-otso pa lang ng umaga, sikat na sikat na iyong araw at mainit na ito sa balat. Binuksan ko ang payong ko hanggang sa may labas ng eskinita, naghintay ako roon na dadaan na jeep papunta sa may supermarket. Buti na lang din may dumaan agad. Hindi pa naman ganoong puno itong nasakyan kong jeep kaya ayos lang. Nagbayad agad ako baka kasi makalimutan ko pa, nakakahiya naman sa driver. Dalawang traffic lights lang ay agad din akong bumaba, nasa kabilang kalsada ang supermarket. Tinuro na sa akin ni Jenny ito saka nadaanan namin ito kahapon. Pumasok na ako sa loob ng supermarket, as usual, maraming tao ang namimili kahit hindi pa naman payday. Kumuha ako ng big cart and isang basket para roon ko ilalagay ang mga sabon, hindi p'wede maghalo ang mga food sa non-food. Una kong hinanap ang shelves para sa mga sabon, kinuha ko ang mga nakalista sa listahan ni Jenny, inisa-isa ko talaga mabuti para wala akong maligtaan o makalimutang bilhin. Pagkatapos ko sa mga non-food, saka ako pumunta mga pagkain na nakalista rin sa hawak kong listahan. Habang kumukuha ako ng mga nakalista, kumukuha na rin ako ng pandagdag pagkain sa apartment namin, kumuha nga rin ako kanina ng mga sabon, shampoo, conditioner and lotion ko. Iba kasi ang gamit na brand ni Jenny. Gumawi rin ako sa mga frozen food, kumuha lang ako ng anim na klase nu'n, hotdog, ham, bacon, tocino, nuggets and iyong daing na bangus. Para naman may ambag ako sa pagkain namin ni Jenny. May nakita nga rin akong itlog pero ang mahal dito, 12 pieces lang nasa 100 pesos na agad, sa palengke na lang ako bibili. Isang tray nasa 185 pesos lang. Tulak-tulak ko ang big cart ng napadaan ako ng bigas. Walang nilista na bigas si Jenny, marami pa siguro kaming stock. Aalis na sana ako roon ng makita ko ang isang may edad na babae na nakatingin sa may isang sakong bigas, nasa tabi niya ay isang big cart din. Siguro kukunin niya ang bigas na iyon pero ‘di niya kaya? Dahil naaawa ako, huminto ako at nilapitan siya. “Um, excuse me po? Kukunin niyo po ito?” pagtatanong ko sa kanya kahit halata naman sa kinikilos niya. Wala kasing napapadaan na merchandiser sa part na ito. “Yes, iha. I have been looking for staff of this supermarket before but no one is passing by here.” Malambing ang boses na pagkakasabi niya. Halata ngang walang napapadaan na merchandiser dito. “Tulungan ko na lang po kayo, Ma'am? Para po makapamili na rin po kayo.” sabi ko sa kanya. Paano pa naman kasi wala pang laman iyong big cart niya, mukhang ito ang unang pinuntahan niya. “Is it okay with you, iha?” nahihiya niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ayos lang po. Papunta naman na po ako sa counter para magbayad. Kaya ayos lang po talaga.” Ngiting sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sako ng bigas at siya naman ay sa kabilang dulo rin, sabay namin binuhat iyon at nilagay sa ibaba ng big cart niya. Ang bigat. Parang natanggal yata iyong matress ko. Akala ko tapos na ang pagbubuhat ko pero may isa pa pala, dalawa pala ang bibilhin niya. Sigurado na akong natanggal na ang aking matress. Bakit kasi walang dumaan na merchandiser dito? “Thank you so much, iha, ha?” hingi niya sa akin ng salamat. “Ayos lang po, Ma'am! Sige p–” pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ng mag-ring ang cellphone ko. Nilabas ko sa dala kong sling bag ang phone ko at unknown number ang nakalagay sa screen ko. Nahihiya na tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko, sinagot ko ang tawag kahit hindi ko kilala kung sino ang nasa kabilang linya. “Good morning, Ms. Luna Ford. I am Pia the HR staff at G. Smith International Company, I am just letting you know that you are one of those who passed the interview for the personal maid. I'll just text you for your second interview tomorrow at 9 in the morning. Congratulations!” Masayang ang boses niya sa kabilang linya “Nakapasa po ako?” gulat na gulat kong tanong sa kanya. Teka? Sure bang nakapasa ako? Sa dami ng applicants kahapon, isa ako sa nakapasa! Omg! “Yes, you passed, Ms. Ford! Just wait for our text for the second interview for you which will be held at 9 am.” “Eh? May another interview pa po?” May second interview pa. Anong itatanong para sa second interview na iyon? “Yes, Ms. Ford! So you need to be great again tomorrow! Good luck!” “Yes po, gagalingan ko po ulit! Thank you po, Ms. Pia!” Masayang sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. “Looks like good news called you!” Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, nakalimutan ko pala iyong babaeng tinulungan ko akala ko kasi umalis na siya. Napakamot ako sa aking buhok. “Ah, opo, nakapasa po ako sa inapplyan kong work as personal maid po sa G. Smith International Company po.” nahihiya kong sabi sa kanya. “Ah, sige po, una na po ako sa inyo baka po mahaba na po ang pila sa counter. Hehe.” ani ko sa kanya. Nilapitan ko na ang big cart ko pero bago pa ako lumakad, may sinabi si ma'am sa akin. “Good to know! By the way, iha, I'm Susana!” Pagkalingon ko naman ay siyang pagtalikod naman niya sa akin. Susana? Hindi ko alam ba't sinabi niya ang pangalan niya sa akin. Ay, ewan! Kailangan ko na agad pumila sa counter baka tanghaliin na ako ng uwi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD