“Jenny, ‘ga, pumunta ako roon sa nakita kong trabaho sa website kagabi. Atanong na lang ako dine kung saan ang lugar na iyon. Huwag kang mag-alala sa akin.”
Message sent.
Binigyan ko ng mensahe si Jenny na pinuntahan ko niyong trabaho na nakita ko sa website, baka kasi mabaliw niyon at mag-report agad sa mga pulis kapag ‘di ako nakapagpaalam.
Minsan pa naman ang isang niyon bigla-bigla na lang tumatawag ng mga pulis kapag wala siyang natatanggap na mensahe mula sa akin. Halimbawa na lang noong pumunta kami sa Lucena, doon sa SM Lucena, nag-paalam lang ako sa kanya na mag-si-cr ako then ilang minuto lang naman ako hindi nakabalik dahil sobrang haba ng pila na'ng pinuntahan kong comfort room at ayon na nga si ateng Jenny niyo, nagpa-paging na agad sa information desk.
Nakakahiya. Buti na lang maganda ako at maganda rin ang pangalan kong Luna Ford. Oh, ‘di ba? Pang-artistahin ang pangalan ko. Kaya ang ginawa ko noon, binagalan ko maglakad para umulit nang umulit ang pangalan ko sa buong sulok ng Mall.
Napangiti ako ng maka-receive na ako ng reply galing kay Jenny, “Okay. Tawagan mo ko ‘ga, kapag pauwi ka na, ha? Don't forget kapag hiningan ka ng pera, scam niyang work na kinukuha mo. Umalis ka na agad!”
Biglang nawala ang ngiting nasa labi ko kanina, pumalit ang ngiwi sa akin pagkabasa ko sa reply niya. Grabe may angry emoticon pa sa dulo ng message niya!
Ano naman akala niya sa akin, bata? Napapanood ko naman ang tungkol sa mga scam na iyon. May nababasa rin ako sa mga facetagram, ano!
Sabi nga nila maging mapanuri at mapagmatiyaga sa paligid! Kaya paniguradong legit ang work na ito!
“Okie! Okie! Text-text na lang ako mamaya.” Reply ko ulit sa kanya at sinamahan pa ito ng angel emoticon.
Hindi ko na hihintayin ang reply niya sa akin, sinuksok ko na sa bulsa ng suot kong slacks ang cellphone ko. Magtatanong pa ako rito kung saan ang sakayan papuntang G. Smith International Company. Doon daw kasi ang interview para sa mga walk-in applicant na katulad ko.
Lumakad ako papunta sa may paradahan ng mga Jeep. May nabasa akong Pasig palengke sa may jeep, doon malapit ang apartment namin ni Jenny. Dito kasi kami bumaba kanina kaya rito ako magtatanong.
“Um, kuya?” Lumapit ako sa may edad na lalaki na naka-upo sa may driver seat ng jeep niya. “P'wede pong magtanong? Saan po sakayan papuntang G. Smith International Company po?” pagtatanong ko sa kanya at pinakita ko pa ang papel kung saan ko sinulat ang company name na iyon.
“Iyong company ba na iyon ang tinatanong mo, ‘neng? Aba’y lakarin mo na lang, malapit na iyon dito sa paradahan ng jeep. Actually, lupa rin nila itong pinaparadahan namin. Paglabas mo rito, kumaliwa ka d'yan sa unang kanto tapos diretsuhin mo hanggang makita mo niyong Mall then kumanan ka, ‘neng, pagka-kanan mo makikita mo na iyon. Malaking company niyon kaya imposibleng ‘di mo makikita.” Mahabang paliwanag niya sa akin with matching pa-turo-turo pa siya.
Palihim ako napapakamot at inaalala ang lahat ng sinabi niya.
Ngumiti ako kay kuya. “Ah, gano'n po ba? Salamat po!” tipid kong sabi sa kanya at yumuko.
“Walang anuman, ‘neng! Sana makapasok ka roon, doon nag-wo-work ang anak ko!” pahabol pa niyang sabi sa akin kaya ngumiti ulit ako sa kanya.
“Sabi ni kuya, kumaliwa raw ako sa unang kanto then dumiretso hanggang makita ang Mall. After nu'n, kumanan ako tapos makikita ko na raw ang company na iyon. Malaki naman daw ang Company ng G. Smith International Company. Tatalasan ko ang aking paningin para ‘di ako lumagpas.” kausap ko sa aking sarili.
Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili ang direction para ‘di ako maligaw at maging focus ako sa dinadaanan ko.
“Kaliwa raw ako rito, diretso.” Pinunasan ko ang aking noo ng may maramdamang tutulong pawis sa akin.
Ang init! Kahit nakapayong na ako, mainit pa rin dahil siguro sa suot ko! Binilisan ko na ang paglalakad ko, nakita ko na rin ang Mall kaya kumanan na ako.
Paglingon-lingon ako sa aking paligid pakiramdam ko kasing malapit na ako sa company na iyon.
“Eh?” Napahinto ako ng makitang may dalawang building na malalaki sa aking harapan. Ang isa ay nasa kabilang kalsada at ang isa ay itong nasa harapan ko. “Alin dito ang G. Smith International Company?” napapikit ako at pinag-iisapan ko kung alin ba rito.
Wala naman sinabi si kuya kanina na tatawid ako, ‘di ba?
Lumaki ang mga mata ko dahil nasagot ata agad ang aking katanungan. May dumaan na tatlong babae na naka-formal attire na katulad ko.
Kahit nahihiya ako na lapitan sila, kinapalan ko na ang mukha ko. Sobrang init na rin kasi. “Um, miss, excluse me?” pagigitna ko sa kanilang usapan.
Napatigil sila sa kanilang paglalakad at tumingin ang mga mata nila sa akin. “Why?” tanong niyong babaeng may maikling buhok sa akin, may highlights niyong buhok niya.
“Ahm... A-alam niyo po ba kung saan ‘yong G. Smith International Company po?” Kahit nauutal ako naitawid ko ang aking sasabihin. Medyo tumaas kasi niyong kilay ng isang babae.
Hindi sila umimik sa akin at nakita ko na lang ang kanang hintuturo niya na nakaturo sa tapat naming building. Mataas na building ito.
“Miss, heto ‘yong hinahanap mong company.” Nakangiting sabi ng isa sa akin.
Buti pa itong isang babae mabait at maaliwalas pa ang mukha niya nang sabihin niya ‘yon.
Yumuko ako at nagpasalamat sa kanila. “Maraming salamat po!” Humakbang ako pa-atras para makaraan na sila.
Nauna na silang lumakad sa akin papunta roon sa company at napangiwi na lang ako na ngayon ko lang napansin na may nakasulat na ‘GSIC’ sa uniform nila.
Pasensya naman na.
“Ang daming nag-wa-walk-in dahil sa advertisement na nilabas ng company.”
“50K pa naman ang sahod, ano ka naman, girl?”
“Good luck sa kanila kung kakayanin nila alagaan niyon!”
“Sshh, naririnig niya kayo.”
Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng maramdaman ang tingin ng tatlo sa akin. Ano bang mayro'n? Masama bang mag-asam ng gano'ng sweldo?
“Who cares? Ano naman ngayon sa atin kung narinig niya? Pabayaan mo na iyan, tara na!” Mataray na sabi niya sa akin at tinignan pa niya ako.
Ganito ba rito? Matataray at masusungit ang mga empleyado nila?
Parang ayoko na tuloy tumuloy na pumasok sa company nila.
“Don't mind them, girl!” Napalingon ako ng may tumapik sa aking kanang balikat.
Nakita ko sa aking likuran ang isang babae na naka-uniform din katulad ng tatlong babae kanina.
“Walk-in applicant ka for personal maid?” Nakangiti ang mukha niya.
Tumango ako sa kanya. “Ah, opo.”
“Oh, tara? Isa ako sa HR ng company na ito. Come on, samahan na kita kung nasa'n ang mga ibang applicants na katulad mo.” Maaliwalas pa rin ang mukha niya.
Pumasok kami sa loob at sumakay kami sa elevator, second floor ang pinindot niya. Buti na lang hindi namin nakasabay niyong tatlo kanina.
“Relax, okay? Hindi naman lahat ng employee rito sa GSIC ay gano'n ang ugali. Napagalitan lang siguro niyon ng mga supervisor nila kanina. Kaya relax ka na, Miss?”
“Luna. Luna Ford po.” sagot ko sa kanya.
“You can relax now, Ms. Luna!” Eksaktong pagkasabi niyang ‘yon ay huminto na ang elevator sa second floor.
Pagkalabas namin sa elevator ay may sinabi siya sa akin. “Do you have a curriculum vitae?” pagtatanong niya sa akin at siyang pagtango ko sa kanya.
Kinuha ko ang plastic envelope sa aking handbag at kumuha ng isang pirasong curriculum vitae ko. “Heto po.” ani ko at binigay ko sa kanya.
Kinuha niya ito sa akin at, “Just go in that door and please wait for your name to be called for interview, Ms. Ford!” Turo niya roon sa unang pinto pagkapasok namin kaya tumango ako sa kanya.
“Thank you po,” sabay dumiretso roon sa tinuro niyang pinto.
Pagbukas ko roon, nakita ko ang anim na tao na naka-upo at naghihintay rin doon. Dumaan ako sa gitna nila at umupo sa bakanteng sofa.
Lahat ba sila nag-a-apply din para sa personal maid?
Wala akong naririnig na nag-uusap sa kanilang anim mukhang lahat kami rito nagpapakiramdaman. Tanging tunog lang ng aircon ang aking naririnig.
“Good afternoon to everyone. Sorry if the interview was cut this morning because the employees had lunch break. The personal maid job interview will start again. Please, when your name is called, just go to the interview room, the panel is already there and waiting for you. Have a nice day! Goodluck with your interview!” Napanganga ako ng marinig ang announcement na ‘yon sa buong sulok ng room na ito.
Wow!
“Please, proceed to Interview room, Mr. Gomez.” Unang tawag ng announcer at nakita kong tumayo ang isang lalaki roon.
Nakalipas ng ilang oras, “Last, Ms. Ford you can go now. Goodluck with your interview!”
Tumayo na ako at pinagpagan ang suot ko. Huminga muna ako nang malalim at saka lumabas sa room.
Ako ang last. At, kinakabahan na ako ngayon. Baka kasi pagod na niyong HR katatanong sa mga nauna sa akin.
Tinulak ko ang interview door at nakita ko roon ang babaeng kumausap sa akin kanina.
“Luckily for you, I will be interviewing you. Hi, I'm Pia!” Masigla niyang sabi sa akin at nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.
Nakipagkamay ako sa kanya. “Hi, Ms. Pia.” nahihiya ako sa kanya.
“Umpisahan ko na ang interview sayo, ha? Para makauwi ka na rin agad.” Tumango ako sa kanyang sinabi.
Nag-focus ako sa bawat tanong niya at pakiramdam kong halos nasagot ko naman ang tinatanong niya sa akin. Katulad ng, Do you know how to handle a difficult situation? Like, when the one you care about isn’t listening, what do you do? Saka iyong isa pang tanong niya na, How can you calm the child when it is upsetting?
Mga gano'ng tanong ang tinanong niya sa akin at paniguradong nasagot ko naman.
“That's all, Ms. Ford! You will be able to receive a call when you pass the interview. So, the cellphone should always be by your side. You can go now.” Nakangiti pa rin siya sa akin kaya yumuko ako kay Ms. Pia.
“Thank you so much po, Ms. Pia!” saad ko sa kanya at lumabas na rin.
Isa na lang ang gagawin ko kung ‘di manalangin na makatanggap ako ng tawag.