TBMM - 8

1603 Words
PAGKAUWI ko sa bahay, buong araw kong nasa tabi ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang text na sinabi ni Ms. Pia kanina. Naglalaman ang text na iyon na information kung saan gaganapin ang aming second interview and sino ang mag-i-interview sa amin. 9 in the morning pa naman ang starts ng interview bukas. Hindi nga ako nalilingat sa cellphone ko kahit sa pagkain ko ng tanghalian kanina, nasa tabi ko ang phone ko. Naging alerto ako maghapon. Hanggang sa pagsapit ng ala-una ng tanghali, nakatanggap na ako ng text mula kay Ms. Pia. “Good day to everyone! I am Ms. Pia, HR staff of Mr. Smith International Company. I would like to inform you that the place for your second interview is at S. Smith Restaurant, near this company, at 9 in the morning and the parents of your take care of will be interviewing you. So, Good luck, applicants!” Hindi ko alam ang gagawin ko. May second interview pa ako bukas para sa trabaho na personal maid, sa pagkakataon na iyon magulang na raw ng aalagaan namin ang mag-i-interview sa amin. Pumasok ako sa loob ng k'warto namin at chinarge na ang cellphone ko, nasa 40% na lang kasi ang battery dahil nga nakatitig talaga ako simula pagkauwi ko kanina galing sa supermarket. Binuksan ko ang cabinet namin dito ni Jenny, naghanap na agad ako ng isusuot ko bukas. Hindi ko alam pero na-excite ako sa magiging interview bukas kahit wala akong clue kung anong itatanong sa amin. Kinuha ko ang black slacks and light blue na polo ko, ito na lang susuotin ko. Matagal na ito sa akin, nagamit ko pa nga ito noong defense namin sa thesis. May kagusutan nga lang kaya nilabas ko ang plantsa ni Jenny, hindi na ako gumamit ng kabayo sa kama ko na lang nilapag ang polo ko, gumamit naman ako ng kumot para mas umokay pa rin. Pagkatapos kong plantsahin ang polo ko sinunod ko rin ang slacks na susuotin ko para kaaya-aya akong tignan bukas. Kahit personal maid ang pinag-a-applyan namin kailangang pa rin namin maging presentable. Sinampay ko pareho ang suot na gagamitin ko bukas, sana nga lang makapasa ako sa second interview. Fighting, Luna! “Parang may nakalimutan akong gawin? Oh, paktay tayo, Luna! Iyong pinamili natin!” Kausap ko sa aking sarili at dali-dali akong lumabas ng k'warto. Napangiwi ako nang makita ko ang nakakalat na mga plastic, hindi ko pa nga pala inaayos ang mga pinamili ko. Sa sobrang pagka-focus ko sa text ni Ms. Pia nakalimutan ko ang ibang gawain, maging iyong paghuhugas ng pinagkainan ko. “Hay!” Buga ko na lang sa kawalan. Isa-isa ko na pinag-aayos ang mga pinamili ko at maging ang aking pinagkainan ay hinugasan ko na rin. Baka sabihin ni Jenny napaka-burara ko! PAGSAPIT ng alas-siyete ng gabi, naka-uwi na si Jenny. “‘Ga, naka-ayos na ba niyong damit na susuotin mo bukas?” Tumango ako sa tanong ni Jenny. “Yes, kanina pa! Pagka-receive ko ng text, nag-ayos na agad ako.” sabi ko sa kanya. Pagkarating na pagkarating niya kasi kanina sinabi ko sa kanya agad ang good news ko na may second interview ako sa G. Smith International Company. Tuwang-tuwa nga siya sa akin kaya tinanong niya agad ako kung naka-ayos na ba lahat para bukas. “Luna, galingan mo sa second interview mo, ha? Baka last na interview na iyon para sa inyo.” saad niya sa akin habang kumakain kami. “Bakit last na? Malay mo may pang-third interview pa?” pagtatanong ko sa kanya. Oo nga, ano? Malay ko baka may third interview pa talaga. Ang dami namang interview nu'n kapag nagkataon. “Slow ka pa rin talaga kahit kailan, Luna. Hindi ka pa rin nagbabago.” Napanguso na lang ako sa sinabi niya sa akin. “Paniguradong last interview na iyan. Nakalagay sa text na iyon ay parents na ng aalagaan niyo ang mag-i-interview, ‘di ba?” Tumango ako sa kanya. Oo, nakalagay sa text ni Ms. Pia, parents na raw ang mag-interview sa amin, sila na raw ang panelist. “See? Kaya last na iyan. Sila na mismo titingin kung sino ang karapat-dapat na maging personal maid ng anak nila. Kaya magpasikat ka bukas, okay?” sabi niya sa akin with matching turo pa ng kanyang kutsara sa akin. “Yes, ‘ga! Gagalingan ko bukas, mga 200%! And, oo nga pala, hehe.” Napakamot ako sa aking buhok ng maalala ang place kung saan kami pupunta bukas. “Saan nga pala niyong S. Smith Restaurant, Jenny? Malapit lang daw niyon sa company baka kasi maligaw ako bukas.” Ngiwi kong sabi sa kanya. “Ikaw talaga, Luna!” Napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ako roon. Hindi pa rin siya nagbabago kahit kailan. Mamumula na naman itong pitik niya sa akin. “Malapit niyon sa Mall, nasa labas lang ng mall iyon, Luna. Pagbaba mo roon sa paradahan ng jeep, sundan mo niyong nilakaran mo papunta sa Mall ‘yong tinuro sayo ng driver kahapon, kapag nakita mo na iyong Mall tumawid ka sa kabila at doon ka maglakad kapag nakita mo iyong footbridge, syempre aakyat ka roon tapos pagkababa mo may makikita kang donut store roon, katabi nu'n ang S. Smith Restaurant. Tandaan mo iyan pinagsasabi ko sayo Luna! Baka magulat na lang ako tumatawag ka na sa akin at ipapasabi mo na naman ang direksyon! Hindi ka pa man magaling sa direksyon na ‘yan kaya lagi kang naliligaw.” Hindi ko na alam kung sinasabi pa ba niya ang tamang daan papunta sa restaurant na iyon, o, sinesermonan na niya ako. Napayuko na lang ako at napanguso sa kanya. “Tanda ko naman na, Jenny! Hindi ako maliligaw bukas, promise!” Tinaas ko pa ang aking kanang kamay sa kanya. “Siguraduhin mo lang, ha?” Pananakot niya sa akin kaya sunod-sunod ang tango ko sa kanya. Nakakatakot talaga si Jenny kahit kailan. “Luna, matulog na ng maaga, ha? Papatayin ko na ang ilaw. Huwag kang tulog mantika, okay?” sabi ni Jenny sa akin. “Oo naman,” wala na akong nagawa kung ‘di i-off na rin ang wifi sa phone ko at matulog na. Kailangan kong magpa-impress bukas. “Luna!” Nabulabog ang buong pagkatao ko ng marinig ang malakas na boses ni Jenny. Halos mapaupo agad ako at napahawak ako sa aking dibdib. “Oh, see? Nagising ka rin! Kanina pa kita kinakalabit at tinatawag ang pangalan mo, tulog mantika ka talaga, Luna! Buti na lang sinabihan ako ni tita na isigaw ang pangalan mo para magising ka!” Malakas niyang sabi sa akin. “Tumayo ka na r‘yan at maligo na para makapag-ready ka na sa interview mo.” dugtong na sabi pa niya sa akin. “Okay,” walang gana kong sabi sa kanya. Kahit inaantok pa ako bumaba na ako sa kama. “Bilisan mo d'yan kumilos, Luna!” ani pa niya sa akin at kinuha ang blower saka siya lumabas. “Okay! Okay!” mahinang sabi ko sa kanya at kinuha ang towel ko sa likod ng pinto. Lumabas na ako sa k'warto at nadatnan ko si Jenny na binoblower na niya ang kanyang buhok malapit sa may television, doon lang kasi may electric socket. Pumasok na ako sa loob ng banyo, naligo na ako kahit ang lamig ng tubig na nilalabas ngayon sa gripo. Bakit kasi nakalimutan kong magpa-init ng tubig? Dalawang buhos ng tubig nag-shampoo na agad ako at sinabay ko na pagsasabon hanggang matapos akong maligo. Nginig kung nginig ang ginawa ko ng makalabas sa banyo at dumampi sa akin ang binubuga ng hangin sa electric fan, napakaripas ako nang takbo papasok sa k'warto. “Hindi ka na naman nagpa-init ng tubig, Luna!” Ayan, nasermonan pa nga ako. Pinapamadali niya ako kanina tapos ngayon sinermunan naman ako ba't hindi ako nagpainit ng tubig na pampaligo. Si Jenny talaga kahit kailan. Hindi ko malaman ang takbo ng utak niya. Nag-asikaso na ako ng aking sarili, maaga pa naman para sa interview ko. Pero, mas okay ng maaga kaysa naman ma-late, mas nakakahiya iyon. Binubutones ko na lang ang suot kong polo ng sumilip si Jenny. “Tapos ka na ba?” pagtatanong niya sa akin ng siyang pagtango ko. “Tara, ibo-blower ko niyang buhok mo para hindi tumutulo iyang buhok mo habang naglalakad ka mamaya.” Napanguso tuloy ako sa sinabi niya. Sumunod naman ako sa kanya para tuloy akong bata. Magkasing-edad lang kaya kami. Pina-upo niya ako sa kanyang harapan habang inuumpisahan na ang pagbo-blower sa buhok ko. “Galingan mo mamaya, Luna. Magpa-impress ka o magpapansin ka sa magulang ng magiging alaga mo. Mahirap makahanap ng work dito, parang butas ng karayom ang paghahanap ng trabaho sa Manila...” saad niya sa akin at sinuklay ang aking buhok. “Kaya dapat makipag-kompentensya ka rin, ha? Bawal ang bait-baitan sa Manila, okay?” dugtong pa niyang sabi sa akin. Tumango-tango ako sa sinasabi niya sa akin. Iyon din ang sinabi ni Mama sa akin kaya gagalingan ko talaga mamaya. Pagkatapos akong ayusan ni Jenny, nagsabay na rin kaming kumain at umalis sa bahay. Mag-a-alas siyete pa lang ng umaga, sobrang aga ko para sa interview na 9 in the morning pero sabi ko nga mas okay ng maaga kaysa ma-late. “Luna, goodluck!” Malakas na sabi ni Jenny sa akin pagkababa namin sa jeep. Magkaiba kasing daan ang tatahakin namin. “Okay, Jenny! Mamaya may goodnews na ako sayo!” balik ko sa kanya at lumakad na rin papunta sa S. Smith Restaurant. Kaya ko ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD