TBMM - 1

1091 Words
"Mama, payagan mo na baga akong lumuwas ng Manila." pagsusumamo kong sabi kay Mama. Hindi ko alam kung ba't ayaw na ayaw niya akong paluwasin ng Manila, mas maganda at mas may opportunity akong makahanap ng trabaho roon na may malaking sweldo kaysa rito. Gusto ko lang naman sila maiahon sa hirap. Ambisyosa na kung ambisyosa pero gusto kong makita silang masaya habang hindi iniisip ang ginagastos sa pang-araw-araw namin. "Luna," Binaba niya ang hawak niyang sandok, nagluluto kasi siya ngayon habang kinakausap ko. Kinausap ko talaga siya ngayon kaysa naman iwasan na naman niya ako. Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga. "Gusto mo ba talagang magtrabaho roon?" pagtatanong niya sa akin kaya dali-daling tumango sa kanya. "Opo, Mama. Gusto ko lang pong makahanap ng magandang trabaho. Dito po kasi provincial rate ang sahod 'di po kasya sa atin ang sinasahod ko sa isang buwan." pagpapaliwanag ko sa kanya. Iyong iba ko kasing classmates nasa Manila na ngayon at doon mga nagtatrabaho. Ang lalaki nga ng mga kinikita nila. Naiingit ako kapag pumupunta sila sa ibang lugar. Saka, inalok ako ng bestfriend s***h classmate ko rati na si Jenny sa isang BPO kung saan siya namamasukan ngayon. Mataas ang sweldo at maraming benefits. "Anak, wala kang kakilala roon. Sino tutuluyan mo roon habang nandoon ka sa Manila?" pangalawang tanong ni Mama sa akin. Kinuha ko ang isang plastic na upuan naming bilog at umupo roon. Mukha kasing mahaba-habang usapan ito. Hindi talaga ako tatantanan ng mga tanong ni Mama hanggang wala siyang makitang butas man lang para pigilan ako umalis. "Ma, ilang beses ko ring sinabi sayo na kay Jenny ako tutuloy habang nagtatrabaho ako roon. Nangungupahan po siya sa isang boarding house sa may Pasig at safe po roon." pagpapaliwanag ko sa kanya. Alam ko namang takot lang si Mama na mahiwalay ako sa kanila pero kailangan ko rin mag-grow sa sarili ko. Bumalik ang tingin niya sa kanyang niluluto, kumukulo na kasi ito. "Ma, payagan mo na akong magtrabaho sa Manila. Promise, everyday akong magtetext at tatawag ako sa'yo. Gusto mo pa, Ma, mag-video call pa tayo after ng shift ko para mapanatag ka na safe ako roon." madamdaming sabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman kasing magtrabaho roon at bigyan sila ng magandang buhay. Malay natin mahanap ko pa ang tatay ko kahit sabi ni Mama matagal na itong patay. Ayon sa mga kaibigan niyang nagtatrabaho sa America. Malakas na napabuntong hininga na naman siya habang hinahalo ang kanyang niluluto. "Sigurado ka ba sa gusto mo, Luna?" malungkot na sabi ni Mama sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. "Opo, Ma." pangungumbinsi ko sa kanya. Tumayo ako sa aking inuupuan at niyakap siya sa kanyang bewang. "Ma, ako pa ba? Alam mo namang matapang din ako katulad mo. Lahat gagawin ko para sa family natin." "Aba'y anong mayro'n at nagyayakapan kayo d'yang dalawa?" Sabay kaming napalingon ni Mama ng makita namin si Lola kasama ang bunso kong kapatid na si Laziz. May bitbit na dalawang karton si Laziz sa magkabila niyang kamay. Lumakad ito palapit sa amin at binaba ang hawak niyang dalawang karton sa may sulok ng kusina. Maging si Lola ay may hawak na tatlong eco-bag at nilapag naman niya ito sa lababo ng kusina. "Mamang, itong apo niyo kanina pa ako kinukulit at pinag-iisip na payagan siyang lumuwas ng Manila para roon mag-trabaho." sumbong ni Mama kay Lola. Humarap ako kay Lola at ningitian ito nang napakalaki. "Diba, lola, payag po kayong mag-work ako roon sa Manila?" pagtatanong ko sa kanya. Nag-usap na rin kami ni Lola last week, um-okay naman siya sa gusto ko. Sabi niya sa akin mas mabuting doon ako magtrabaho para raw maging independent ako at hindi umasa sa ibang tao. "Ay, Agnes, pabayaan mo na iyang si Luna. Siya naman ang may gustong doon magtrabaho," Umupo si Lola sa inupuan ko, nagpakuha siya ng tubig kay Laziz. "Mas maigi iyon at may pangarap niyang si Luna kaysa naman nandito siya at mag-asawa rin ng tagarito." pagtatapos na sabi ni Lola sa amin. "E, ate, iiwan mo na kami?" nag-iisip na tanong ng kapatid ko sa akin. Tumango ako sa kanya. "Aguy, sa akin na ang k'warto mo! Hindi na ako sa sala matutulog!" masayang bulalas niya at nagtatalon-talon pa ito. Napaamang ako sa sinabi niya. Akala ko naman malulungkot ang isang ito kapag umalis ako. Dismayado ako sa kapatid ko. "Bwisit ka! Hindi ko ibibigay ang k'warto ko sayo, sa akin pa rin niyon kapag umuwi ako rito sa atin." pagpuputol na sabi ko sa kanyang kasiyahan. Sumimangot naman itong tumingin sa akin. Bumaling ako kay Lola, "diba 'la, tama naman iyong desisyon kong doon mag-work." pagtatanong ko sa mabait kong Lola. Tumango siya sa akin at ngumiti na siyang kinawala ng kanyang mga mata. Nasa edad na 70 years old na si Lola, si Lolo naman ay mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Nasa bukid namin si Lolo para tignan ang tanim namin. Binili ni Mama ang bukirin namin nu'ng nagtatrabaho pa siya bilang caregiver dati, doon nga niya nakilala si Papa. "Oo naman, apo kong Luna. Para lalo kang may malaman at maging independent sa buhay. Mas mabuti niyon kaysa umasa sa iba." Binaling ko ang aking tingin kay Mama, "kaya 'ma payagan mo na ako. Maging si Lolo kaya payag sa pag-alis ko!" saad ko pa sa kanya. Nakausap ko na rin kasi si Lolo payag din siya sa pasya kong mag-trabaho sa Manila. "Hay, ikaw talaga Luna! Pinapayagan na kitang doon magtrabaho pero please mag-ingat ka roon at makinig kang mabuti kay Jenny, ha?" pagpapayag nito sa akin at pagbibilin din. "Opo naman po, kailan pa ako naging sakit sa ulo at sumaway sa utos niyo po? Wala naman po, diba?" Never kaya ako naging sakit sa ulo nila. Si Laziz lang naman ang sakit sa ulo namin, lagi kasing nasa labas at babad sa paglalaro ng basketball ang kapatid ko. Masayang-masaya akong pumasok sa loob ng k'warto ko. Hindi maalis sa mukha ko ang malaking ngiting na nakapaskil sa akin. Sasabihan ko na si Jenny na makakaluwas na akong Manila. Doon na rin ako makakapagtrabaho at maninirahan. Ano kayang pakiramdam na nasa Manila ka? Dumapa ako sa kama ko, nu'ng nakita ko ang post ni Jenny sa peysbook niya ang gaganda ng nasa background niya. Ang tataas ng mga building doon, nang magtanong ako sa kanya sa BGC daw iyon kinuhanan. Gusto ko rin makapunta roon at magkaroon ng gano'ng picture. Excited na akong makaluwas at makapagtrabaho roon. Here I come Metro Manila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD