“Heto na siguro iyong S. Smith Restaurant, ano?” Kausap ko sa aking sarili.
Sinunod ko ang sinabi ni Jenny kagabi. Tumawid ako papunta sa may Mall and umakyat ako sa footbridge at ang katabi ng restaurant na nasa harap ko ay ang donut store kaya sure akong ito ang hinahanap kong S. Smith Restaurant.
Iyon nga lang nakalagay pa sa pinto nitong restaurant ay ‘closed’. Paano ba naman kasi quarter to 8 pa lang ng umaga? Ako ang naunang nakarating sa mga nakapasa sa first interview.
Ang aga ko.
Nasungkit ko na naman ang ‘Early bird’
Dahil closed pa ang restaurant kung saan gaganapin ang second interview, umupo na lang ako sa gutter ng restaurant na ito para once na may staff ng dumating makakapasok na ako.
Nilibang ko muna ang aking sarili sa pagse-selpon, pang-patay ba sa oras para hindi ako mabagot man lang.
Nag-message ako sa kapatid kong si Laziz para kumustahin sila pero napaka-walanghiya ng kapatid ko, sineen lang ako.
Bwisit talaga ang isang iyon. Hindi ko bibigyan ng pera niyon kapag sumahod ako.
“Um, miss?” Napa-angat ako ng aking tingin ng may kumalabit sa akin.
“Po?” Hala? May nalabag ba akong batas na bawal umupo sa gutter? Napatayo ako bigla sa aking pagkakaupo at ngumiti sa kanya. “So-sorry po. Hinihintay ko lang po magbukas niyong S. Smith Restaurant, dito po kasi ang second interview po namin.” paliwanag ko sa kanya para hindi niya ako paalisin.
“Kasi, miss... Hindi ito iyong S. Smith restaurant na tinutukoy mo. Iyong sa kabila ang restaurant na iyon at may staff na yata roon. Naka-bukas na kasi ang ilaw roon ngayon-ngayon lang.” ani niya sa akin at tinuro ang kabilang side ng donut store.
“Eh?” malakas na sabi ko sa kanya pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. “So-sorry po.” hingi ko ng paumanhin.
Tinignan ko ang restaurant na nasa likod ko, iba nga ang nakalagay sa taas. Iba ang pangalan.
Ano ka ba naman, Luna? Ang laki nating tanga! Napatampal na lang ako sa aking noo.
“Sorry po, ulit! Sorry po!” Hingi ko pa rin ng paumanhin.
“Ayos lang, Miss. Saka, ikaw pa rin yata ang unang applicant na dumating. Sige, goodluck!” aniya sa akin at ningitian ako.
Napahinga ako nang malalim, pasalamat akong mabait si ateng staff sa kabilang restaurant.
Lumakad ako papunta sa S. Smith Restaurant pagkakataon na ito ay tama na ang pinuntahan ko. Ba't hindi ko nagawang tignan ang pangalan nu'n kanina.
Si Jenny kasi hindi man lang sinabi sa akin kung sa kanan part ba ng donut store ang S. Smith Restaurant o sa kaliwang parte.
Napahiya tuloy ako, buti na lang wala pang gaanong tao.
Sumilip ako sa restaurant na ito, may mga staff ng nasa loob. Papasok na ba ako? O, maghihintay muna rito sa labas? Naglilinis pa kasi sila sa loob.
Bumuga muna ako nang malakas at pinakalma nang mabuti ang aking pagkatao, papasok na ako.
Tinulak ko ang pinto papasok ng restaurant. Napansin kong napatingin sa akin ang mga staff sa loob.
“Excuse me po. Isa po ako sa applicant na pinapabalik po for second interview.” Lakas loob kong sabi sa kanila.
Kung mahihiya ako, wala akong mapapala.
“Good morning! Upo muna po kayo. Wala pa po si Mrs. Smith, pinabilin po kayong mga applicant sa amin.” May lumapit na isang staff sa akin at saka ako pinaupo sa may malapit sa counter.
“Thank you po.” saad ko sa kanya at naghintay roon.
Habang lumilipas ang minuto, isa-isa ng mga nagsisidatingan ang mga applicant na katulad ko. May isa akong namukhaan pero iyong apat na iba ay hindi ko kilala mukha sila iyong naunang na-interview noong isang araw.
Iyong apat na kasama namin ay nag-usap-usap mukhang naging close na sila noong interview. Heto ako, nakatingin lang sa kanila. Hindi naman nila ako sinasali sa usapan na mayro'n sila.
“Hi, good morning to everyone! I'm Trisha – Mrs Smith's secretary, who will be interviewing all of you.” Nagulat kami ng may lumapit na isang babae sa harapan ng table namin.
Nakangiti siya sa amin at nagtanong, “Who came first?”
Nagtaas ako ng kanang kamay sa kanya, “Ako po.” Ako naman talaga ang naunang dumating, nagkamali pa nga ako kanina.
Hindi pa rin nawawala sa kanyang labi ang ngiti niya. “Are you ready for your interview today?” Tumango ako sa kanya.
Kinakabahan ako, nilalamig ang palad ko pero gusto ko ng matapos ito. Gusto ko ng humiga sa kama at matulog.
“Shall we go?” pagtatanong niya sa akin kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.
Palihim akong tumingin sa wristwatch na suot ko, eksaktong 9 in the morning nag-start ang interview. Hindi sila Filipino time.
“Don't be afraid of the interview, Miss?” Tumingin siya sa akin.
“Luna Ford po,” sagot ko sa kanya.
“Miss Ford. Mabait si Mrs. Smith, so you can relax now. Actually, ang mag-asawang Mr. and Mrs. Smith ay mababait kaya huwag kang kabahan sa interview mo sa kanya.” Umakyat kami sa second floor ng restaurant na ito. “Be yourself, Miss Ford, iyon lang ang maipapayo ko sa'yo.” Huling sabi niya sa akin at binuksan na ang pinto na may nakalagay na ‘Restricted area’.
“Goodluck!” huling rinig ko sa kanya bago niya isara ulit ang pinto.
Napalunok ako ng makitang may tao sa swivel chair, nakatalikod pa ito sa akin.
“Go-good morning po.” nautal pa ako. “Um, ako po iyong unang dumating sa interview ngayon. I'm Luna Ford po.” pagpapakilala ko.
“Good morning also! What time did you come here?” She asks me.
I seem to know that voice. Her voice was gentle, you thought she was making you lullaby because of her voice. Is this the voice of Mrs. Smith?
“Quarter to 8 in the morning po, Mrs. Smith. I even made a mistake sitting in the gutter in front of the another restaurant. I sat there in the other restaurant because I was excited about the interview.” Pagku-kwento ko sa kanya. Napakamot na lang tuloy ako ng maalala niyon.
“Oh, really? Well did you still come first?” Pagtatanong niya ulit sa akin.
Hindi pa rin ba siya haharap sa akin? Hindi naman ako panget, ha?
“Um, Not at all, Mrs. Smith. It's a good thing that the staff at the other restaurant is kind and your staff just opened the restaurant exactly, so I'm still ahead.” Sana nga lang maayos pa ang english ko. Hindi ko kasi alam kung p'wede mag-tagalog.
Saka kung hindi ako ang nauna, sana hindi ako iyong unang nandito sa likuran niya, hindi ba? Si Mrs. Smith minsan sabog din, ano?
“Okay, Ms. Luna Ford, right?” Nakatalikod pa rin siya sa akin.
“Yes po, Mrs. Smith.” sagot ko sa kanya. Nakatayo pa rin ako rito, wala ba siyang balak pa-upuin ako? Nangangawit na kaya ako.
“Is it okay for you to stay in? As a personal maid you should always be by my child's side, incase I take you as her personal maid. Is it okay for you to live in our house?” Sa pagkakataon na iyon naging seryoso na ang boses niya. Nawala na ang pagiging malambing nito.
Tumango-tango ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita. “Yes po, Mrs. Smith. That is the job and should be done by a personal maid. She or He should always be by the side of his or her care.” Nag-buckle pa ako sa pagsasalita. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang grammar ko.
RIP english!
“Oh, nice, Ms. Ford. If you are my child's personal maid, no one should be able to reveal any story to other people, especially when it is personal. What you hear and learn at home should not be shared with other people. Is it clear, Ms. Ford?”
Napalunok ako sa sinabi niya. Mafia ba sila? O, angkan ng mga yakuza?
Ano bang mayro'n sa pamilya nila na hindi p'wedeng ipagkalat sa iba? Saka, hindi naman ako tsismosa. Wala nga akong friend.
“Yes, Mrs. Smith. Naiintindihan ko po este I understand. And, besides, I don't know anyone here. I'm just from a province. So you can count on it.” seryoso kong sabi sa kanya.
“Good, tatawagan ka na lang ng secretary ko, Ms. Luna Ford. But, for me, you're already hired.” Tumayo si Mrs. Smith sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin na siyang kinagulat.
“K-kayo po s-si Mrs. Smith?” gulat na gulat kong sabi sa kanya habang nakaturo pa ang aking kanang hintuturo sa ginang na nasa harapan ko.
“Of course! Thank you kahapon sa pagtulong sa akin. I'm Susana Smith, the owner of this restaurant and the mother ng aalagaan mo.” Nakangiting pagpapakilala niya sa akin.
Oh my gosh!