Chapter 2

987 Words
LAYLA Maaga akong gumising at nagdrive papunta sa Lipa. The house is located at an exclusive subdivision at kinailangan kong mag-iwan ng ID matapos i-check ng guard sa may ari ng bahay na pupuntahan ko kung ineexpect talaga ako ngayong araw. The house was massive. Kulay puti ito at may dalawang palapag. May malaking driveway at malawak na hardin sa harap. Maihahalintulad sa mga modernong bahay sa magazines ang disenyo at tunay na napakaganda. "Tuloy po kayo, Ma'am. Dumaan po sa coffee shop si Atty. Lontoc pero parating na po 'yon." "Thank you." Lalo akong namangha nang pumasok ako sa loob ng bahay. In fairness, walang kalat kahit may bata. May nakita pa akong dalawang maid. May dalang feather duster ang isa at 'yong isa naman ay nagserve ng pagkain sa mess. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang batang lalaki na pababa ng hagdan. Maputi ang bata at medyo may kapayatan. Ito siguro ang batang tuturuan ko. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin at nagdiretso na sa hapag. Open concept ang style ng bahay kaya tanaw ko s'ya. His back was facing me and I couldn't stop myself from feeling sorry for the kid. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya na kay liit pa ay walang kasabay kumain. Where are his parents? Imagine living in a fancy house without any family member but hired help. "Good morning! Sorry I'm late." Pumasok ang isang babaeng nasa edad mid-30's. May dala siyang coffee cup na may logo ng Starbucks. Struggling to walk with her high heels while holding a purse with another bag on her shoulder. Ang eyeglasses niya ay halos malaglag na. Hindi naman katangusan ang ilong ko pero mas may kaunting bridge naman kaysa kay attorney. "Oh, thank you!" She looked relieved when I helped her with her things. "You're Delilah?" "Yes, Ma'am." "It's nice to meet you. Dito tayo." Dinala niya ako sa lanai kung saan naroon ang marmol na mesa at apat na silya. Nang makaupo kami ay nagsimula siyang magtanong— pangalan, edad at ilang personal information. Strange, pero hindi niya ako tinanong kung married or single pa. "Tumira ka sa Toronto at doon nag-aral ng ECE pero umuwi ka rito? Do you have family here in Batangas?" "No, Ma'am." She looked confused. "Wala na po ang father ko at ang mother ko ay may ibang pamilya na." "I see. So you live alone or with... someone?" There it is. "Ako lang po." "Renting, I presume?" Tumango ako. "Yes, Ma'am. Anim na buwan pa lang po ako rito sa Batangas." "And how do you like it?" "Okay naman po." Tumango-tango siya. "I will be honest with you, Delilah." "Layla na lang po kung pwede." "Bueno, Layla. Up until this morning, the job only required ten hours then you're free to leave and return the next day. Kaya lang, nagkaroon ng family emergency ang nanny ni Kenneth at hindi pa sigurado kung makababalik siya in three months. Dahil dito, we need a stay in at hindi lang pagtuturo ang magiging trabaho mo— should you decide to take the job, which I hope you would." Her eyes were almost pleading. "The salary will be increased to twenty thousand until Gerlee returns. You will have Saturday off, but you will have to be back here by Sunday night. I am open to any questions you may have." It was not something I had in mind. Mas gusto ko na umuwi sa apartment pagkatapos ng trabaho at bumalik kinabukasan. But seeing the kid earlier, the sadness in his eyes made me want to reconsider. "Itatanong ko lang po sana kung nasaan ang magulang ng bata." "Ah, yes. Wala na ang mother niya. She... passed away before he even turned two. She had a heart problem. Ang father naman niya ay busy sa trabaho. He tries to come home every night but owning multiple businesses requires a lot of time and travelling. Hindi naiiwan mag-isa si Kenneth pero iba pa rin 'yong may nakapirming nag-aalaga sa kaniya." Lalo akong nahabag sa bata. "If you want to stay here to save rent, pwede naman. Isasama ko sa kontrata. And by the way, you don't have to pay for board and lodging. Alam ko na hindi ito ang ineexpect mo pero hindi rin namin inaasahan ang emergency ni Gerlee. Matagal na siya rito, mga tatlong taon na rin mahigit. If you need time to think about the job, maiintindihan ko." Gusto kong ipagpabukas pero parang may kung anong kumukutkot sa dibdib ko nang malaman na wala na palang ina si Kenneth. If Gerlee was here that long at biglang umalis, I can't imagine what Kenneth was feeling. Mahalaga ang pamilya lalo na sa mga kasing-edad niya. "I'll take the job, attorney. Kailangan ko lang po kunin ang personal kong gamit kung ngayon na po ako magsisimula." Mukha siyang nabuntan ng tinik. "Ipakikiusap ko lang po sana kung pwedeng cash basis ang pay since hindi pa po ako nakapagbubukas ng bank account. Hindi ko pa po naiintindi." "Oh, that is not a problem. I am glad you took the job. For a second there, pinanerbiyos mo ako. Alam mo kasi, may pagka-istrikto si Boss. 'Yong father ni Kenneth? Mabait naman pero palaging seryoso. I hope you enjoy working here. Mabait na bata si Kenneth, medyo pilyo lang minsan." "Ganoon naman po ang bata. Ngumiti ako sa kaniya. "Bueno, free ako buong araw kaya pwede kitang ihatid sa tirahan mo para kunin ang kailangan mo. Habang naghihintay ako ay aayusin ko na rin ang kontrata. Okay lang ba 'yon sa iyo?" "Nakakahiya naman po kung—" She waved her hand. "I've been working for this family before Kenneth was born. Parents ni Boss ang unang nagbigay sa akin ng oportunidad na magtrabaho habang nag-aaral at ginawa rin nila akong scholar. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit." "Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD