LAYLA
Present time
Anim na buwan na simula nang bumalik ako sa Pilipinas. At imbes na sa poder ni T'yang bumalik ay sa Batangas ako napadpad. Wala akong kakilala rito kahit isa, pero iyon naman talaga ang nais ko— ang mawala sa radar ng lahat ng nakakakilala sa akin. Kahit si Nanay ay hindi alam na narito na ako at pinutol ko ang connection ko sa kaniya sa takot na matunton ako kaagad ni George.
One bedroom ang inuupahan kong apartment dito sa Pallocan. Malapit sa SM at kapag tumawid ng tulay ay naroon ang mga bangko, city hall, simbahan at palengke. May mga fastfood places din at plaza kung saan may zumba tuwing umaga.
"Hoy!" Hindi ko napigilan na mapabulyaw sa lalaking nang-agaw ng parking spot ko.
Pambihira naman talaga! Naka-signal na ako at lahat, siningitan pa rin ako. Wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo?!
Asawa ko nga naagaw, parking spot pa ba?
Hindi ako nagpatalo at pinindot ang hazard bago umibis ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng lumang pick up truck at kinatok ang bintana. Malakas 'yon kaysa normal. Kaya naman nang bumaba ang bintana ay hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na mangatwiran.
"Hoy, mister! Hindi ko alam kung inaantok ka o talagang wala lang sa sarili, but you need to move your truck. This is my spot and you have no right to take it!"
"You didn't have a signal on." Kalmado ang lalaki at umibis din sa sasakyan kaya napaatras ako ng bahagya nang bumukas ang pinto.
He's tall. Sa height kong 5'2" ay nakatingala ako sa kaniya. He was wearing a black shirt and jeans that were too dirty. In fairness, wala naman siyang amos at— erase, erase. Hindi ako narito para lumandi. Nanatili siyang nakatayo at mukhang hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ako magpapa-intimidate sa kaniya.
"Walang signal?!" Napalakas ang boses ko at hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi niya. I waved my hand in front of his face. Imposible naman na bulag siya?! Paano nakapagdrive kanina ito?
"You should check your car. Pundi na ang ilaw mo."
"Huwag kang aalis d'yan!" Inirapan ko siya at pinuntahan ang sasakyan ko para tingnan kung nagsasabi siya ng totoo o nagdadahilan lang.
But he was right. Walang signal dahil pundido na ang ilaw. s**t! Ito ang napapala ko sa pagbili ng second hand na kotse. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko na napa-check sa mekaniko.
Tumikhim siya sa gilid ko. Hindi ko magawang tumingin dahil nakaramdam ako ng hiya.
"You should take it to the shop. I'll have it fixed for free." Inabot niya sa akin ang tarheta at umalis na.
Ang buwisit na 'yon at talagang inagawan pa rin ako ng parking spot!
Theo Lacsamana.
Owner, TLC Autoworks
I rolled my eyes as I sat back on the driver's seat and placed his card in the empty space for coins. Maghahanap ako ng ibang parking space para makapag-grocery na ako at makauwi na.
***
"Ikaw na naman?!"
Sabay kaming napadampot sa pancit canton na kulay green. Iisang balot na 'yon at natatakam akong magmeryenda mamaya. I know it's not good for me, but if I don't have it everyday, then it's okay. Everything in moderation, ika nga ng doktor.
"Kanina, parking spot. Hanggang pancit canton ba naman. Ako ang nauna rito ha!" Pinandilatan ko siya.
Kaagad naman bumitaw at tumaas ang magkabila niyang kamay na parang sumusuko.
"Hindi ko naman sinasadya."
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi sinagot. Inilagay ko ang pancit canton sa cart at marahang isinulong habang nagtitingin ng ibang items. Kailangan kong bumili ng snacks para hindi ako order ng order ng kung ano-ano.
"Sinusundan mo ba ako?" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. I can feel his presence behind me.
"Miss, grocery store ito at namimili rin ako."
Yamot akong naglakad ng mabilis palayo sa kaniya habang tulak ang cart.
Ang bwisit na 'yon at talagang napaka-pilosopo. Palagi na lang may balik sa lahat ng sasabihin ko! Nakakagigil! Minadali ko tuloy ang pagbili at nagdesisyon na babalik na lang bukas. I have to find a job soon anyway. May tira pa naman sa naipon kong pera mula sa allowance na binibigay ni George noon, pero mauubos din 'yon kung hindi ako maghahanap ng mapagkakakitaan. Natapos ko naman ang Early Childhood Education ko sa Toronto, kaya kahit paano ay may matino na akong trabaho na makukuha bilang private tutor. Mag-isa lang naman ako at walang sinusuportahan kaya pagkakasyahin ko ang sasahurin ko.
Nang makakain ako ng hapunan ay sinimulan ko g maghanap ng trabaho online. May naghahanap ng call center agent. Maayos din ang pasahod doon. Tuloy ang scroll ko hanggang sa may nakita akong posting para sa private tutor for a six year old child. Kaagad kong chineck ang resume ko at siniguradong walang typo bago isinend.
The reply was almost instant.
From Private employer 323543: Are you available for an interview tomorrow at ten in the morning?
Excited akong nagreply na available ako. Kahit pa yata alas sais ng umaga ay magpapainterview ako kung kailangan. Finally, umaayon na rin sa akin ang tadhana. Pangit man ang mga nangyari sa araw na ito, may maganda namang balita bago ako matulog ngayong gabi.
I prepared my floral sleeveless dress and flat shoes pati na ang manipis na cardigan ko. Sinigurado ko rin na may ID ako at passport kung sakaling matanggap sa trabaho at kailanganin ang mga ito.
Habang nakahiga ako at naghahandang matulog ay hindi ko maiwasan na maisip ang naging buhay ko sa Canada. Sino ba ang mag-aakala na ginamit lang ako ni George para sa pansariling interes niya?
Na sa kabila ng pagiging mabuting asawa ko ay mauuwi pa rin sa hiwalayan ang lahat dahil sa pagloloko niya?
No one could have predicted it.
Maybe someone did, but that wasn't me. I was too naive. I was too blind to see what the real score was. If I would be given a chance to do it all over again, would I?
Hindi ko alam. Siguro.
Because when a woman like me is desperate to have a better life, I would jump at any decent opportunity presented to me.
Iyon nga lang— hindi lahat ng ginto ay totoo. Ang iba, gold plated lang.