LAYLA
It did not go as planned. May tumawag kay attorney kaya imbes na i-drive niya ako ay binigyan na lang ako ng gas allowance para kunin ang gamit ko sa apartment. Sinabi ko sa kaniya na hindi kailangan pero nag-insist siya. Pasasalamat na raw sa flexibility ko sa trabaho. Not a lot of people would take the job that quick considering the shirt notice.
I packed enough for a week then drove back to my new workplace. Nang makarating ako sa main gate ay inabot sa akin ng guard ang isang sticker at ipinalagay sa may windshield. Hindi ko na kailangan pang mag-iwan ng ID tuwing lalabas o papasok sa subdivision.
Attorney wasn't there when I returned. Nadatnan ko si Kenneth na nanonood ng TV sa sala.
"Hi!"
"Hello," bati niya sa akin nang saglit akong lingunin. "You're Miss Layla."
Tumango ako. Ibinaba ko sa gilid ang gamit ko at uupo sana ako sa isang bakanteng upuan malapit sa bata nang dumating ang isang kasambahay.
"Miss Layla, nakabalik na pala kayo. Ako po si Tessa." May dala siyang tray na naglalaman ng isang basong juice at kalahating sandwich. Inalok niya si Kenneth pero umiling ang bata.
"Nice to meet you, Tessa."
"Kayo rin po Miss." Bumaling ang pansin ni Tessa kay Kenneth. "Oras na para magmeryenda, Ken. Baka mapagalitan ako ng daddy mo kapag hindi ka kumain."
"But I'm not hungry. If you want to eat it, eat it and say it was me if he asks. I won't tell you lied."
Napangiwi si Tessa at napatingin sa akin. Para bang humihingi ng saklolo. Paano ba naman kasi, ang bata pa ay marunong na magsinungaling. Hindi ko nga alam kung qualified sa white lie 'yon.
"Sige na, Tessa. Ako na ang bahala." Nang maiwan kaming dalawa ni Kenneth ay tinimbang ko kung paano ko siya kakausapin. Unang araw ko pa lang at first interaction ko sa kaniya. I don't want us to start on a bad note. "Can I call you Ken or do you want me to call you Kenneth?" Nagkibit balikat ang bata at itinutok ang mga mata sa TV. "What are you watching?"
"Discovery channel."
"That's nice." Sa edad niya ay cartoon ang madalas na panoorin ng mga bata. But Kenneth is different. Mas gusto pa niya itong mga shows na pangmatanda at kahit pa dagdag kaalaman ang palabas na kagaya nito ay boring para sa akin.
"You think it's boring."
I choked on my own spit. "Hin--" Tatanggi pa sana ako nang makita kong kinunotan niya ako ng noo. Alright, I did think it was boring for me. "
"I don't like cartoons. Did you know my IQ is 140? What's yours?"
Nge. Genius pala 'to. Napakamot ako sa aking kilay. "Uhm, I'm actually not sure."
"You should check. Do you want my snack? You look hungry."
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o ano. Gutom na nga ako at sumabay pa ang pagkalam ng sikmura ko bago ako nakasagot sa kaniya. I was in a hurry to pack my things that I just ate a banana on my way out. Iisa na kasi at sayang kung itatapon ko kasi bulok na. But the fact that he's so good at observing people in front of him and saying what's on his mind surprises me. It's sad that her mom passed before this boy could even walk.
"No, that's yours."
"But you're hungry," giit niya.
"Kung kakain ka ng snack mo, then hihingi ako kay Tessa ng sandwich at juice para sa akin. Sasaluhan kita."
Bakas ang gulat sa mga mata niya. Wala bang sumasabay kumain sa kaniya at bago sa kaniya ang sinabi ko?
"Okay. But can we eat in front of the TV? Dad said I can't but I don't want to miss the show."
Unang araw ko pa lang, susuway na ako kay Boss. Hindi bale-- ang mahalaga ay kumain siya ng meryenda. Pumunta ako sa kusina at humingi kay Tessa ng meryenda. She was kind enough to make me one. Habang gumagawa siya ng sandwich ay nakipagkwentuhan siya sa akin.
"Hindi ka taga-Batangas, Miss." She asked me while cutting the tomato and lettuce. Ang slice ng cheddar cheese ay nasa tabi.
"Six months pa lang ako rito."
"Sabi ni Atty. Lontoc nag-aral ka raw sa Canada. Saan ka rito sa Pilipinas? Ako rin dayo lang dito. Sa Bulacan talaga ang probins'ya ko. Pero 'yong pinsan ko e nakahanap ng trabaho rito kaya sumama ako."
"Sa... Maynila ako."
"Naku! Kaya naman pala lumipat ka rito. Mas tahimik dito kumpara sa Maynila. Marami lang shopping malls doon pero kung kapos naman sa pera, wala rin. Maganda rin ang night life pero depende siguro sa tao." Tumingin siya sa akin. "Mukhang taong bahay ka e."
"Taong bahay?"
"Hindi mahilig lumabas ang ibig kong sabihin. Maagang matulog. Pala-basa o mahilig manood ng TV o pelikula, gano'n."
"Ah." Napatawa ako. "Oo, tama ka. Ayaw kong magkaroon ng eyebag."
Bumungisngis si Tessa. "Ako rin e, kaya lang mahilig ako magbasa at kapag maganda 'yong pocketbook na nabili ko, hindi ko titigilan 'yon hanggang umaga!"
Hindi rin ako nagtagal sa kusina at bumalik na sa sala dala ang meryenda ko. Just like he promised, Ken ate his snack with me while watching TV. He does not talk much so I had the chance to observe. I would like to get to know him. Ano ba ang pwede ko pang ituro sa isang genius na bata? Baka ako pa ang turuan niya.
"Done."
"Good job, Ken," puri ko sa kaniya nang maubos ang inihandang meryenda ni Tessa. Nauna pa siyang matapos kumain sa akin.
"Are you going to sleep here every night?" Tumango ako. "Okay. What time do we study tomorrow?"
"It's Saturday," paalala ko sa kaniya.
Most kids play on the weekends. Pero si Ken ay kakaiba talaga. Sinong bata ang gustong mag-aral sa araw ng Sabado? Off ko dapat bukas pero nakiusap si Atty. Lontoc kung pwedeng ipalit ko na lang 'yon ng Friday para makilala ko ang bata.
"Why? What's wrong with Saturday? Do you have something else to do?"
"Not really. I was going to take you to the park and have a picnic." May park kasi sa loob ng subdivision at malapit lang. There would be kids there and I think it's one thing that Ken was lacking-- friends.
"Picnic?"
"Yes. We can take Tessa with us. Madali lang tayo. Maybe half hour? But if you decide to play there, then we can stay a little bit more." Hindi siya umimik. "Come on. It will be fun."
"Fine. I will have a picnic with you and Tessa, but I won't play."