Prologue

1090 Words
LAYLA "Delilah! Ano na?! Namumutla na sa gutom ang customer! Bilisan mo ang kilos at kunin mo ang order niya! Pambihira naman!" bulyaw ni T'yang Azon. "Opo, T'yang." Sanay na ako dapat sa ugali ni T'yang, pero ewan ko ba kung bakit nagugulat pa rin ako sa paninigaw niya. Isang taon na ako rito sa Maynila at nagwe-waitresss sa restaurant niya. Kung minsan, dishwasher at cook. Hindi kalakihan ang restaurant at sa totoo lang ay ayusin na rin ito. Luma na at natutuklap na ang pintura. Kahit ang mga m mesa at silya ay kailangang palitan na. "Good afternoon, Sir. I apologize for the wait. What would you like to drink?" tanong ko nang makalapit. Mestiso ang lalaki at mukhang hindi laking Pilipinas. Nagtataka lang ako at dito niya napiling kumain. Ang daming mas magandang restaurant at may aircon pa. Kahit naman hindi ko natapos ang second year college ko sa kursong Education ay marunong pa rin akong magsalita ng English. Sayang talaga ang scholarship ko. Kung hindi sana nagkasakit si Tatay sa baga at nauwi sa kanser, hindi kami mababaon sa utang. Halos hindi namin siya mailibing kung hindi tumulong si T'yang Azon. Pero wala namang tulong na walang kapalit, kaya heto— nagtatrabaho ako sa restaurant niya para maibalik ang nagastos niya. Bukod sa minimum wage ay walang bayad ang overtime. Ang hirap talagang tumanaw ng utang na loob sa kamag-anak. Si Nanay naman ay nag-asawa kaagad at hindi na hinintay ang babang luksa ni Tatay. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o malulungkot na wala akong kapatid. Makababawas sana sa lungkot ko kung may karamay ako kahit isa lang, pero kung dalawa naman kami ay madadamay lang siya sa kahirapan ng buhay. Isa pa, hindi naman naging masaya ang pagsasama ng mga magulang ko at mas marami pa ang araw na nagsigawan sila at nagkasakitan. "Gutom na ako. Isang kanin at sisig. Add a bottle of Coke please. Salamat!" Napatulala ako nang magsalita siya ng Tagalog. Hindi ko inasahan 'yon. "I know. I get that a lot. But yes, I can speak Tagalog. Pilipina ang mother ko." Napatango ako at hindi napigilan na mapangiti. Boyfriend material ang isang 'to. Tawag pansin ang mga mata nitong may malantik na pilik. Matangos ang ilong at manipis na mga labi. Medyo malapad lang ang noo pero bumagay naman sa kaniya. Clean cut ang buhok. Businessman siguro o teacher ang trabaho nito. "You should smile more often. Alam ko hindi madali ang trabaho sa restaurant. I worked at a fastfood place when I was younger. I'm George, by the way. It's nice to meet you, Delilah." Napakunot noo ako at nagtaka kung paano niya nalaman ang pangalan ko. "Your name tag." Itinuro pa niya ang bandang dibdib ko. "Ay, oo nga." Nakaramdam ako ng hiya sa katangahan ko. "Del, gutom na ako. Pakisabi sa cook na bilisan 'yong order ko ha?" *** Sa sobrang busy sa restraurant at biglang dagsa ng mga gustong mananghalian ay hindi ko na muling nabigyan ng pansin si George pagkatapos kong i-serve ang order niya. Pay as you order din kasi ang patakaran ni T'yang at mahirap na raw mabiktima ng eat and run. Nang sumunod na araw ay hindi ko nakita si George. Ganoon din noong sumunod na dalawang araw pa. Hindi na siguro kami magkikita pa. Saka sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng panahon? Malamang ay may girlfriend na 'yon. Walang suot na wedding ring kaya binata pa... siguro. Abala ako sa paghuhugas ng plato at maagang umuwi ang dishwasher namin nang dumating si T'yang sa kusina. "Ikaw na ang magsara ng restaurant at mauuna na akong umuwi. Nandito naman si Kring kaya may kasama ka. Nagpupunas pa siya ng mga mesa at nagma-mop ng sahig. Sobrang sakit ng balakang ko! Ang hirap talaga ng tumatanda!" daing niya. Bago pa ako makasagot ay nakalakad na siya palayo at pahina na rin ng pahina ang boses niya. Makaraan ang ilang minuto ay si Kring naman ang bumisita sa akin. "O, bakit? Tapos ka na?" Patuloy ang paghuhugas ko ng plato at panaka-nakang tumitingin sa kaniya. "Hindi pa. Pero may naghahanap sa 'yo sa labas." Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kakaiba niyang ngiti. Pareho kaming naliligo sa sermon kay T'yang kaya madali kaming naging magkaibigan. Nirerentahan niya ang kwarto kina T'yang at kasama ko s'ya roon. Sa kaniya ang taas ng double deck at ako naman sa baba. "Huwag mong sabihin na bumalik si Temyong?" Si Temyong ang matandang binata na kinukuhanan ng fresh produce ni T'yang. Ilang beses ko na siyang binasted pero matindi ang fighting spirit. "Sira! Ang balita ko e nakipag-date 'yon kay Auring d'yan sa tapat kaya safe ka na. May nakakuha na ng atens'yon niya." Humagikhik si Kring. "Bago ang isang 'to. May pa-bulaklak pa at mukhang esteytsayd sa pormahan pa lang. Ang bango nga e. Bisteng simbahan pa, parang tinadhana talaga kayo." Naparolyo ang mga mata ko. Exaggerated madalas si Kring at kung writer sa past life e puro happy ending ang isinusulat. Hindi pa man nagsisimula, may epilogue na. "Labasin mo na ang Prince Charming mo." "Tse! Ginawa mo pa akong Cinderella. Sabihin mo hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Kung hindi siya makahintay, bumalik na lang kamo sa ibang araw. At kung ayaw, adios kamo." Sa sobrang pagod ko sa maghapong trabaho, gusto ko na lang matapos ang hugasin at siguraduhin na malinis na ang kusina para bukas. Huling plato ko na itong binabanlawan pero may natitira pang dalawang kaserola. Konting tiis pa. Iyon palagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Araw-araw nangangarap akong mag-iiba ang takbo ng buhay ko pero parehas lang palagi. Nang sa wakas ay natapos ko ang gawain, hindi na ako nag-abalang magpalit ng t-shirt. Ilang subo lang ang nagawa ko kaninang tanghali at wala pa akong hapunan. Bibili na lang ako ng fish ball sa labas bago kami umuwi ni Kring. "You're finally done." Nakita ko si George na tumayo mula sa isang silya sa may sulok habang si Kring ay hindi ko mamataan. "Si Kring?" "The other girl cleaning over here earlier?" Tumango ako. "Nagwashroom." "Ah." Kaya naman pala bisteng simbahan. Naka-long sleeves shirt si George at slacks na pantalon. "For you." Inabot niya sa akin ang bulaklak. "Salamat. Para saan 'to?" Ngumiti si George. "When a man likes a woman, he gives her flowers. I like you, Del. I don't like beating around the bush." "Liligawan mo ako?" "Okay lang ba?" Tanga lang ang aayaw magpaligaw sa kaniya. A week later, sinagot ko na si George.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD