RV is now the CEO of Henderson's Company. Ang mga kapatid naman niya, CEO na rin ang mga ito ng ibang branch ng Henderson's Company. Sa kaniya ang main company dahil siya daw ang panganay sa kanilang tatlo.
Nag-resign na ang Daddy Russell niya bilang CEO at siya ang ipinalit nito. At umalis ang mga ito at nagtungo sa ibang bansa para magbakasyon kaya silang magkakapatid lang ang nasa mansyon kasama ang mga kasambahay.
RV sighed.
"Oh, para kang pinagsukluban ng langit at lupa diyan." Sabi ni RA na kapapasok lang ng dining area.
Umiling lang si RV at nagpatuloy sa pagkain.
"Umagang-umaga, mukha kayong biyernes santo." Sabi ni RK at umupo na rin. Kaagad itong naglagay ng pagkain sa pinggan nito.
Napabuga ng hangin si RA. "Tell me don't you have problems? Nag-resign na si Daddy bilang CEO ng kumpanya at binigyan na niya tayo ng sarili nating responsibilidad."
"Because he wanted us to grow up. Though malalaki naman na tayo." Kibit balikat na sabi ni RV.
"Sa akin, ayos lang naman sa akin ang ginawa ni Daddy. Matanda na siya. Oppss. Huwag niyo akong isusumbong." Malokong sabi ni RK.
"Iyon na nga e." Sabi ni RA. "I don't want to be CEO. I want to travel."
"RA, huwag mong sasabihin 'yan kapag nakaharap si Daddy." Seryosong sabi ni RV.
RA tsked. "Wala naman talaga akong hilig sa pagnenegosyo. I want to become a photographer."
"Ngayon pa na sasabihin mo 'yan," napailing si RV, "dapat sinabi mo na 'yan noon kay Daddy noong tinatanong niya tayo kung ano ang mga gusto natin."
RA pouted like a kid. "I don't want to disappoint him."
Nagkakatinginan naman si RV at RK. Sa kanilang triplets, si RA talaga ang walang hilig sa negosyo at mas gusto nito ang magtravel pero wala naman itong magagawa. Pero kahit naman wala itong hilig sa pagnenegosyo, magaling naman itong mag-manage ng kumpanya.
RV sighed. Mabilis niyang tinapos ang pagkain. "Mauuna na ako sa inyo." Paalam niya sa dalawang kakambal.
Lumabas siya ng dining area at nagtungo sa living room. Kinuha niya ang coat niya nasa sofa at sinuot. Kinuha niya ang susi ng kotse at lumabas ng mansyon nila. Tinungo niya ang garahe at sumakay sa kotse niya.
Gusto man niyang tulungan si RA sa gusto nito pero ayaw naman niyang i-spoil ito at baka magalit pa ang ama nila. Sa kanila na ipinagkatiwala ang lahat ng mga negosyo nila. Even RA doesn't want to be the CEO but he need to. Hindi nila pwedeng i-disappoint ang kanilang ama na malaki ang tiwala sa kanila.
RV sighed.
Minaneho niya ang kotse at nang makalabas siya ng compound, kaagad niyang pinaharurot ang kotse patungo sa kumpanya. Pagdating niya doon. He parked his car and entered the building. Kaysa sumakay sa exclusive elevator, nakasanayan na ni RV na makisabay sa mga empleyado ng kumpanya.
Ganun kasi noon, sumasabay silang tatlo sa mga empleyado ng kumpanya at nakikihalubilo sa mga ito, hinahayaan naman sila ng ama sa gusto nilang gawin.
"Good morning, Sir." Bati sa kaniya ng sekretarya.
Tinanguan niya lang ito at pumasok na sa loob ng opisina.
RV sat on his swivel chair. Sinimulan niya ang trabaho. Pumasok naman ang sekretarya at sinabi ang mga schedule niya.
Nahilot na lang si RV ang nuo. Ngayon nararanasan na niya ang hirap ng isang CEO. He shooked his head.
Pagdating ng tanghali, hindi niya inasahan ang pagpunta ng mga kapatid niya sa opisina niya at basta na lang siyang hinila ng mga ito para kumain.
"Kumain muna tayo sa paborito nating restaurant."
"Marami pa akong gagawin." Sabi ni RV.
"Kami din naman." Katwiran ni RA.
"Pero hindi naman pwedeng subsob na lang tayo sa trabaho. Kailangan nating kumain 'no." RK said.
Napabuga na lang hangin si RV at hinayaan ang mga kapatid.
Pumunta sila sa restaurant na lagi nilang pinagkakainan. Ang Heaven's Restaurant. Restaurant ito ng pamilya ni Heaven. Napangisi si RV. Pumasok sila sa loob at kaagad na naupo sa bakanteng upuan. Kaagad namang lumapit sa kanila ang isang waiter at tinanong ang mga order nila.
"Kambal, ano sa 'yo?" Tanong ni RA kay RV.
"Kayo na ang bahala."
Tumango si RA at kinausap ang waiter.
Habang hinihintay ang order. Ipinalibot ni RV ang tingin sa buong paligid. Marami ang mga customers at halos maapuno na ang restaurant. Filipino cuisines ang sine-serve sa Heaven's Restaurant. Maganda rin naman. Tangkilikin ang sariling atin 'ika nga nila.
Maya-maya ay dumating na ang order nila.
"Here's your order—"
Nginisihan ni RV si Heaven na siyang nagdala ng order nila. "Hi, Heaven. We meet again."
MARAMI ang mga customers kaya naman nagprisinta na si Heaven na tumulong pagse-serve. Kahit siya ang Head Chef may tiwala naman siya sa ibang chef kaya panatag ang loob niya na iwan ang kusina.
Tulak niya ang trolley, pinuntahan niya ang table 9 para i-serve ang order ng tatlong customer.
"Here's your order—" natigilan siya ng makita kung sino ang customer ng table 9. Magkakamukha ang mga ito at pare-pareho ang kulay ng mata.
Ngumisi sa kaniya ang isa. "Hi, Heaven. We meet again." RV said while grinning.
Sandaling napatitig si Heaven sa lalaki bago niya mabilis na inilagay sa mesa ang order ng mga ito. "Enjoy your lunch."
Aalis na sana si Heaven pero hinawakan ni RV ang kamay ng dalaga. "Aalis ka kaagad?"
"May trabaho pa ako." Seryosong sabi ni Heaven.
Natawa si RV at binitawan ang kamay ng dalaga. Pagkabitaw ni RV sa kamay ni Heaven kaagad na bumalik ang dalaga sa kusina at nasapo ang tapat ng kaniyang puso na sobrang bilis ang t***k.
And she said, "Uh-oh...this is not good for my health." Kagagaling niya lang sa isang break up tapos ganito na naman ang nararamdaman niya. Hindi ito pwede. Napabuga ng hangin si Heaven at napailing.
"Sino siya?" Tanong ni RK kay RV nang makaalis ang babaeng nagdala ng pagkain nila.
"Si Heaven."
RA and RK looked at each other knowingly. Pareho silang napangisi.
"Siya pala, ah." Tumatangong sabi ni RA.
"She looked decent." Sabi naman ni RK.
RV shrugged.
Napatingin siya sa isang babaeng lumabas ng kusina at lumabas sa back door.
"Restroom lang ako." Paalam ni RV sa mga kapatid at mabilis na sinundan si Heaven. Lumabas siya ng back door at kaagad niyang nakita si Heaven na sapo-sapo ang tapat ng dibdib nito.
"Heaven, are you okay?" Paglapit niya sa dalaga.
Mukhang nagulat niya ang dalaga dahil napaigtad ito at mabilis na tumingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Heaven kay RV.
"Sinundan ka."
Kumunot ang nuo ni Heaven. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na hindi na iyon na ang una at huli nating pagkikita."
"Pumayag ba ako? Ikaw lang ang may gusto no'n, Heaven." Sabi ni RV.
Napabuga ng hangin si Heaven. "Sabi ko naman di'ba? Kalimutan na lang natin ang nangyari sa atin. Lasing ako no'n, Venedict."
"Paano kung ayaw kong kalimutan?" Sabi ni RV habang nakatingin sa mata ni Heaven. "Paano kung gusto kong maulit 'yon?"
Natigilan si Heaven. "A-ano..."
"Hindi ka nawala sa isipan ko, Heaven. So," lumapit si RV kay Heaven at hinawakan niya ito sa balikat, "I want to do this," hinalikan niya sa labi ang dalaga.
Kaagad na inilayo ni Heaven ang ulo pero hinawakan ni RV ang likod ng ulo ng dalaga at mas lalong diniinan ang paghalik niya rito. "I won't ask for forgiveness on what I have done just now."
Umangat ang kamay ni Heaven at sinampal si RV.
Napahawak si RV sa pisngi niya na sinampal ni Heaven. Tumingin siya sa dalaga. Ipinalibot niya ang braso sa beywang nito at mapusok niya itong hinalikan sa labi.
"Hmmm---mmm..."
Pilit na tinutulak ni Heaven ang binata pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang yakap nito at mas lalong naging mapusok ang paghalik nito sa kaniya.
Itinigil ni RV ang paghalik sa dalaga. "That's for slapping me."
Tinignan ni Heaven ng masama ang binata. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?"
"Ikaw." Seryosong sagot ni RV. "Ikaw ang kailangan ko."
Tumalim ang tingin ni Heaven. "Pwede ba? Tigilan mo ako. Let's just forget about what have happened between us. Kung gusto mo ng bed warmer, pumunta ka na lang sa mga night club."
"Ouch," mapaklang natawa si RV, "ganun pala ang tingin mo sa akin."
"Hindi ba ganun naman kayong mga lalaki. Kapag hindi nakuntento sa isa, hahanap ng iba. Kapag hindi naibigay ang gusto niyo, hahanap kayo ng babaeng makakakapagbigay. Parang si Vincent lang na ex ko. Malapit na nga kaming ikasal, naghanap pa ng iba."
Kumunot ang nuo ni RV at bahagyang nainis. "Hindi pare-pareho ang mga lalaki at isa pa, Heaven, hindi ako katulad ng ex-fiancé mo." May diin niyang saad.
Heaven snorted. "Talaga lang ha?"
"Kaya ko 'yong patunayan sa 'yo." Seryosong sabi ni RV.
"Hindi ako interesado sa 'yo at sa mga gimik mo."
"That bad. Interesado ako sa 'yo." Sabi ni RV habang nakatingin ng deretso sa mata ni Heaven.
Natigilan naman si Heaven. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya gusto ang mga tingin sa kaniya ni RV.
"Huwag mo na akong guluhin at kausapin." Seryosong sabi ni Heaven at iniwan na ang binata. Bumalik siya sa loob ng restaurant.