CHAPTER 3

1528 Words
"SA SUSUNOD na buwan na ang kasal ni'yo ni Vincent—" kaagad na pinutol ni Heaven ang gustong sabihin ng ama. "Daddy, wala pong magaganap na kasal." Aniya. Kailangan na niyang sabihin sa mga ito ang totoo para hindi umasa ang kaniyang mga magulang. "Bakit, anak? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ng ina. "Tell us." Malungkot na ngumiti si Heaven. "I saw him with another woman. They're kissing and hugging. Nagsusubuan rin po sila. Noong una hindi po ako naniwala kaya palihim ko po siyang sinundan." "Mapapatay ko ang Vincent na 'yan. Nangako siya na hindi ka niya ulit sasaktan tapos ginawa niya na naman." Galit na sabi ng ama. "Daddy, hayaan ni'yo na po." Sabi ni Heaven. "So paano na 'yan?" Tanong ng ama. Nagkibit ng balikat si Heaven. "Wala po. Tuloy lang ang buhay. Wala na pong mangyayaring kasal and I'm happy dahil hindi pa kami kasal ni Vincent. Kasi baka po kinasal kami, baka maghihiwalay lang po kami. Mas maganda na po na nangyari na ito ngayon. The early the better." "Mabuti naman. Huwag na lang magpakita sa akin ang lalaking 'yan, mapapatay ko talaga siya!" Galit pa ring sabi ng ama ni Heaven. "Hayaan ni'yo na, Dad." Sabi naman ni Heaven. "Itinapon ko naman sa kaniya ang binili kong cake." "Hindi 'yon sapat, anak." Sabi ng kaniyang ama. Napailing naman ang ina ni Heaven. "Mabuti naman at hindi na tuloy ang kasal niyong dalawa. Huwag kang mag-alala, anak. Marami pa ang lalaki diyan na mas mapagkakatiwalaan kaysa kay Vincent." Tumango naman ang ama bilang pagsang-ayon. "Hay naku, Mom, wala na." Sabi ni Heaven. "Lahat sila ay mga manloloko, maliban kay Daddy." "Huwag ka namang masyadong maging bitter, Heaven. Heaven pa naman ang pangalan mo." Sabi ng ina. Napailing si Heaven. "Bakit nga po ba Heaven ang ipinangalan niyo sa akin? Ang dami naman po diyan... Aubrey, Adeline, Alexa, Ashley, Scarlett, Willow at marami pa diyan. Pero bakit Heaven ang ipinangalan ni'yo sa akin?" Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang. Ngumisi ang kaniyang ina. "Or on the second thought, huwag niyo na lang pong sagutin ang tanong ko." Heaven rolled her eyes. Napailing siya. Alam niya ang isasagot ng kaniyang ina at ayaw niyang marinig 'yon. Tumawa ang ina ni Heaven. "Ang mabuti pa magpahinga na tayo. Napagod tayo sa pagtrabaho sa restaurant natin at pagod ka rin sa headquarters." "Mabuti pa nga po." Sabi ni Heaven at umakyat na sa ikalawang palapag. Pumasok siya sa kaniyang kwarto. Nadatnan niyang nagri-ring ang cellphone niya. Tumaas ang kilay ni Heaven nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya. Si Vincent. She declined his call. Blinock niya na rin ang number nito para hindi na siya matawagan. Ayaw niyang kausapin ang lalaki. Wala na silang pag-uusapan pa. Tinapos na niya ang lahat sa kanila. Tapos na sila. Period. Pumasok si Heaven at naligo. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hanggang ngayon ramdam niya pa rin ang sakit ng p********e niya. Mabuti na lang at hindi siya nahalata ng kaniyang ina. At sana lang walang mabubuo sa nangyari sa kanila ni Venedict. At sana hindi na sila magkikita pa. Sana iyon na ang una at huli nilang pagkikita. Napabuntong-hininga si Heaven at tinapos niya ang kaniyang pagligo. Sinuot niya ang kaniyang roba. Lumabas siya ng banyo habang tinutuyo ang buhok. Blinower niya ang buhok para mabilis itong matuyo saka nagbihis ng pantulog. Habang nakahiga si Heaven sa kama, iniisip niya ang mga maaaring mangyari at ang mga nangyari na. Isang araw at gabi pero ang dami ng nangyari. Heaven sighed. Ipinikit niya ang mata pero sa pagpikit ng mata niya nakita niya ang mukha ni Venedict. Mabilis na nagmulat ng mata si Heaven at napasabunot ng sariling buhok. Napailing siya at napabuga ng hangin. Nang hindi siya makatulog, kinuha niya ang isang libro na nasa nightstand at nagbasa. Baka sakaling makatulog siya. RV can't sleep. Hindi mawala sa isipan niya si Heaven. Pabalik-balik ito sa isipan niya. Bumangon siya at kumuha ng libro para magbasa. Baka sakaling makatulog siya pero lumipas ang isang oras at hindi talaga siya makatulog, bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa living room at nagtungo sa mini bar. Kumuha siya ng beer sa refrigerator na nandoon. Binuksan niya ito at kaagad na tinungga. "Heaven..." Muli niyang tinungga ang bote ng beer. "What the hell did you do to me?" Napabuntong-hininga si RV. Panay ang inom niya ng beer. Nakatatlong bote na siya ng beer nang pumasok ang mga kapatid niya sa mini bar at sinamahan siya sa pag-inom. Kumuha ang mga ito ng beer at umupo ang mga ito sa sofa na nasa harapan niya. "Hindi ka makatulog?" Tanong ni RK. Umiling si RV. "Hindi nga e." Uminom si RA ng beer bago nagsalita. "Bakit? Iniisip mo ba siya?" Napabuntong-hininga si RV bago sinagot ang tanong ng kakambal. "Oo. Hindi siya mawala sa isipan ko." "Baka naman tinamaan ka na sa kaniya?" Sabi ni RA. RK  shooked his head. "Parang hindi mo naman kakambal 'yan. Tinanong mo pa talaga." RA shrugged. "Nagbabakasakali lang naman." At tumawa ito. Napailing si RV. "Matutulog na ako. Bahala na kayo diyan." "Goodnight, RV," ngumisi si RK, "sweet dreams." "Dream of her." Dagdag naman ni RA na mas lalong ikinailing ni RV. Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kwarto niya. Humiga siya sa kama at ipinikit ang mata. Sa tingin niya nakatulong naman ang beer na ininom niya dahil nakaramdam na siya ng antok. HEAVEN is a chef. Siya ang head chef sa sarili nilang restaurant. Ang ina naman niya ang manager. Hindi nila kasama ng ama niya dahil may sarili naman itong trabaho. Isa itong Chief of Police. Minsan lang siyang lumabas ng kusina. Lumalabas lang siya kapag kailangan ng magseserve sa ibang customer. Hindi naman sa nagmamalaki pero marami ang kumakain sa restaurant nila. "Head Chef, may gustong kumausap sa inyo." Sabi ng isang waiter na kapapasok lang sa kusina. Kumunot ang nuo niya. "Sino?" "Hindi po nagsabi e. Hinihintay po kayo. Sa table 5, Head Chef." "Okay. Pupuntahan ko na." Inayos ni Heaven ang sarili at lumabas ng kusina. Pinuntahan niya ang table 5. Kaagad na nasira ang araw ni Heaven ng makita kung sino ang nasa table 5. Hindi na niya sana ito kakausapin pero nakita na siya nito. "Wait, Heaven!" Napabuga ng hangin si Heaven at hinarap si Vincent. "Anong kailangan mo?" Walang emosyon niyang tanong. "Pwede ba tayong mag-usap? Please..." Heaven sighed. "Okay." Umupo siya sa upuan. "Anong pag-uusapan natin? Pero sa tingin ko naman wala na tayong dapat pag-usapan pa." "Heaven, please pakinggan mo muna ako." Sabi ni Vincent. Tumaas ang kilay ni Heaven. "At ano naman ang pakikinggan ko sa 'yo? Tapos na ang lahat sa atin. Tinapos ko na ang lahat sa atin." "Please, Heaven, forgive me. Mahal na mahal kita. Ituloy na natin ang kasal natin." Walang emosyong natawa si Heaven. "Forgive? I already forgive you. Actually ito na ang pangalawa. Niloko mo na ako noon pero pinatawad kita pero ginawa mo ulit ngayon." "Heaven, please—" Umiling si Heaven. "Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka ng umalis. May trabaho pa ako." Tumayo siya. Mabilis siyang bumalik sa loob ng kusina habang napapailing. Ang kapal rin ng mukha ni Vincent at nagpakita pa rin ito sa kaniya. Heaven tsked. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho. Hindi alam ni Heaven na nasa table 6 pala si RV at nakatalikod kaya hindi siya nakilala ng dalaga. Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan nito at ng ex-fiancé nito. Napangisi si RV. Single na ang dalaga. Pwede na niyang gawin ang plano niya. Napangiti si RV at nagpatuloy sa pagkain. Buong araw na nasa kusina si Heaven ng restaurant at nagluluto. Dumating naman ang oras ng pagsasara nila. Nauna na si Heaven sa kotse at doon na lang hinintay ang ina. Sumasabay ito sa kaniya sa pag-uwi dahil tuwing umaga ay sumasabay ito sa kaniyang ama. Habang hinihintay niya ang ina. Kumunot ang nuo ni Heaven nang may mapansin siya sa harapan ng kotse niya. Bumaba siya sa kotse at nilapitan ito. Tumaas ang kilay niya nang makitang isang tangkay ng bulaklak ang nakalagay sa harapan ng kotse niya. Sino naman kaya ang naglagay ng rose dito? "Oh, anak, ano 'yan?" Tanong ng ina. "Rose po, Mommy. Nakalagay po dito sa harapan ng kotse." "Baka naman admirer mo 'yan, anak." Natatawang sabi ni Helena kay Heaven. "Mom!" Tumawa lang ang kaniyang ina at pumasok na sa loob ng kotse. "Hay naku, halika ka na nga." Napailing si Heaven at pumasok na rin sa loob ng kotse. Hindi niya alam pero kinuha niya ang isang tangkay ng bulaklak at inilagay sa dashboard ng kotse. "Mommy, huwag niyo pong itapon." "Anak, hindi ko naman pinapakialaman ang mga gamit mo. Huwag kang mag-alala. Diyan lang ang bulaklak mo na galing sa secret admirer mo." Nakangising sabi ni Helena. "Mommy!" Tumawa si Helena. "Oo na, hindi na. Oh, sige, umuwi na tayo. Baka nauna ng umuwi ang Daddy mo." Heaven smiled. Napatingin siya sa isang tangkay ng rose na nasa dashboard. This is not her first time to received a rose from someone but she felt like it's her first time. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD