CHAPTER 5

1504 Words
HUMINGA ng malalim si Heaven nang makalabas siya ng airport ng Baguio. Gabi na rin siya nakarating. Hapon na kasi ng umalis siya sa Maynila. Pinayuhan siya ng ina na magbakasyon muna. Kaya dito niya sa Baguio naisipang pumunta. Pinayagan naman siya ng Daddy niya na pumunta dito mag-isa. She's old enough. She's already twenty-six. Kaya alam na niya ang tama at mali. At ang nakakainis, nang malaman ng pamilya ni Vincent ang pag-call off niya sa kasal nilang dalawa. Parang siya pa ang may kasalanan. E si Vincent na nga ang unang nagloko. Napailing si Heaven. Galit na galit na nga ang Daddy niya dahil sa ginawa ni Vincent kaya lang nagtitimpi ito dahil sa reputasyon nito bilang isang pulis. Sana naman sa pagpunta niya rito sa Baguio, makalimutan na niya ang nararamdaman niya kay Vincent at maka-move on siya rito. Sana pagbalik niya sa Maynila, okay na siya. Masakit pa rin kasi sa kaniya ang ginawa ni Vincent. Minahal niya ito. Vincent is her first love. Pero dahil sa panloloko sa kaniya, hindi na siya naniniwala na 'first love never ends, true love never dies.' Kasi sa totoo lang, nawawala rin ang first love e at 'yon ang mangyayari sa kaniya. Makakalimutan niya rin si Vincent. At ang 'true love' nunkang may darating pa. Wala na siyang tiwala sa mga male species. Pare-pareho lang silang manloloko maliban sa Daddy niya na mahal na mahal ang Mommy niya. Heaven sighed. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa isang hotel na pwede niyang matuluyan habang nandito siya sa Baguio. Gusto niyang libutin ang buong Baguio sa isang linggo na pananatili niya rito. Habang humaharurot ang taxi papunta sa hotel nag-ring ang cellphone niya. Kumunot ang nuo ni Heaven ng makitang unregistered number ang tumatawag. Napabuga ng hangin si Heaven at napagdesiyunang sagutin na lang ang tawag dahil baka importante. "Hello. May I know who's this?" "Heaven—" Mabilis na pinatay ni Heaven ang tawag. Hindi pa rin siya tinitigilan ni Vincent. Pumunta ito noong nakaraang araw sa bahay niya at gusto siyang makausap, mabuti na lang at wala ang Daddy dahil baka napatay nito si Vincent. Pagdating ni Heaven sa hotel, kaagad siyang nag-rent ng hotel room. Pagpasok niya sa loob ng hotel room. Humiga siya sa kama. Tumunog ang cellphone niya. Napabuga na lang siya ng hangin nang makitang si Vincent ang tumatawag. Pareho ito sa number na tumawag sa kaniya kanina. Heaven declined and blocked Vincent's number. Pero mas magandang siya na lang yata ang magpalit ng number. Kasi kahit naman i-block niya ang number ni Vincent, tatawag na naman ito gamit ang ibang number. Bumangon siya at tinawagan ang ina. "Anak." "Mom, nakarating na po ako dito sa Baguio. Safe and sound." Aniya. "Mabuti naman at tumawag ka. Kasi itong Daddy mo kanina pa hindi mapakali, nag-aalala at nagsisisi na pinayagan ka niyang pumunta diyan sa Baguio." Sabi ng ina na ikinatawa ni Heaven. "Huwag po kayong mag-alala, Mom, mag-iingat po ako dito. Uuwin rin po ako sa susunod na linggo. At syempre para naman makapagsolo kayo ni Daddy." Natawa si Heaven sa huling sinabi. "Ikaw talaga, anak. Sige na, mag-enjoy ka diyan." "Yes, Mommy." "Heaven!" "Dad?" "Pumunta dito si Vincent kanina." Sabi ng ama at halata sa boses nito ang pagkadisgusto "And?" "Binalibag ko ang pinto sa mukha niya." Sagot ng ama. Natawa si Heaven. "Mas maganda na 'yon, Dad. Kaysa naman ang mapatay niyo siya, masisira pa ang reputasyon mo." "Mabuti na lang at napigilan ang sarili ko, anak." Ngumiti si Heaven. "Sige, Dad. Papahinga po muna ako." "Sige, anak. Mag-ingat ka diyan." "Opo." Heaven ended the call. Napabuntong-hininga siya at muling humiga sa kama.  Ipinikit niya ang mata. Kailangan niyang magpahinga para makagala na siya bukas. KINABUKASAN. Pagkatapos niyang naligo at nagbihis. Dala ang sling bag niya na naglalaman ng cellphone, wallet at panyo. Lumabas siya ng tinuluyan niyang hotel at pumunta sa malapit na restaurant para kumain. Pumasok siya sa Relle's Restaurant at umupo sa bakanteng upuan.  May lumapit naman sa kaniyang waiter at tinanong ang orde niya. Tinignan niya ang menu at sinabi ang order niya. "Pakihintay na lang po ang order niyo, Ma'am." Wika ng waiter. Tumango si Heaven. "Okay." Habang hinihintay ang order. Tinignan niya ang kabuuan ng restaurant. Maganda ang restaurant at maganda ang ambiance nito. Isa ito sa mga sikat na restaurant ng Baguio. Konti pa lang ang mga customers dahil siguro maaga pa. Tumingin siya sa labas ng glass wall. Sa pagbaling niya ng tingin, hindi niya napansin ang lalaking pumasok sa loob ng restaurant. Natigilan naman si RV nang makita kung sino ang babae na nakaupo sa tabi ng glasswall. "Heaven..." Napangiti si RV at npatingin kay Anthony na may hawak na tray. Mukhang patungo ito sa kinaroroonan ng dalaga. Kaya mabilis siyang naglakad palapit sa bodyguard ng Ate Relle niya. "Kuya Anthony." "Sir RV." "Para ba sa kaniya 'yan?" Tanong niya at itinuro si Heaven. Tumango si Anthony. RV grinned. "Ako na po ang magbibigay." "Sigurado ka?" Tumango si RV. "Oo, Kuya." Kinuha niya ang tray na hawak ni Anthony at tinungo ang kinaroroonan ni Heaven. Inilapag niya ang tray sa harapan nito. "Here's your order, Ma'am." Aniya. Lumingon kaagad sa kaniya ang dalaga. Nanlaki ang mata nito nang makita siya. "Anong ginagawa mo dito?" Naningkit bigla ang mata ni Heaven. "Sinusundan mo ba ako?" "Hindi, ah, pero pwede rin." Aniya sabay ngisi. "Ang ganda mo kasi. Alam mo na, ang mga magaganda, hinahabol-habol." Inirapan ni Heaven ng binatang nasa harapan niya. "Kumain ka na." Sabi ni RV at maingat nitong inilagay sa mesa ang ang laman ng tray. "Waiter ka ba?" Ngumisi si RV. "Sa 'yo lang." Heaven rolled her eyes again. "Umalis ka nga sa harapan ko. Sabi ko na huwag muna akong kausapin." "Sorry pero gusto kasi kitang kulitin at kausapin." Sabi ni RV. "So why are you here in Baguio?" "Ikaw? Bakit ka nandito?" Balik tanong ni Heaven at nagsimula ng kumain. RV shrugged. "Binisita ko kasi ang dalawa kong kapatid. Pero mukhang tamang timing ang pagpunta ko dito dahil nandito ka rin pala." Naiwan sa Maynila ang dalawa niyang kakambal. Isang linggo lang naman siya rito sa Baguio. Hindi naman niya inasahan na nandito rin si Heaven. Napailing si Heaven at hindi na nagsalita. Kumain na lang siya. "So bakit ka nandito sa Baguio?" Tanong ni RV. "Ayaw kong sagutin ang tanong mo at pwede ba umalis ka sa harapan ko." Pagsusungit ni Heaven. "Sungit." Hindi pinansin ni Heaven ang sinabi ni RV. Inaamin naman niya na masungit talaga siya at bayolente rin minsan. "Pero ayos lang, mapapaamo rin kita." Sabi ni RV. Heaven munched her food and swalloed it before she speak, "paano mo naman gagawin 'yon?" "Sa akin na lang 'yon." Heaven tsked. Napalunok naman si RV habang nakatitig siya sa dalaga lalo na sa mapupula nitong labi. Naalala niya tuloy noong hinalikan niya ito. Sobrang lambot nito at matamis. Maganda si Heaven at sexy. Pumasok sa isipan niya ang gabing may nangyari sa kanila ng dalaga. "Shit." Iniwas niya ng tingin. Bigla yatang uminit ang katawan niya. "Saan ka pupunta pagkatapos mong kumain?" Tanong na lang ni RV sa dalaga para mawala ang mga iniisip niya. "Wala kang pakialam." Masungit na sabi ni Heaven. "Bakit ba ang sungit mo sa akin? Ganun ka din ba noon sa ex mo noong nanliligaw pa siya sa 'yo?" Napatigil si Heaven at tinignan ng masama si RV. "Pwede ba, huwag mong banggitin ang taong 'yon?" RV raised both of his hands. "Okay. Okay." Nang matapos na kumain si Heaven. Kaagad siyang nagbayad at tumayo. Kinuha niya ang sling bag at lumabas ng restaurant. Sumunod naman si RV sa kaniya. Tumigil si Heaven at hinarap si RV. "Bakit mo ako sinusundan?" Painosenteng ngumiti si RV. "Sinusundan kita." "Don't follow me." Umirap si Heaven at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod ulit si RV. Napabuga ng hangin si Heaven at muling hinarap si RV. "Pwede ba, Venedict? Huwag mo akong sundan. Bakit ba ayaw mong makinig at lubayan mo na ako?" RV smiled. "Hindi kita lulubayan, Heaven. Na-challenge kasi ako sa sinabi mo noong huli tayong magkusap e. At gusto kong patunayan sa 'yo na hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi lahat ay manloloko." Heaven snorted. "Talaga lang ha? At paano mo naman gagawin 'yon?" "I have my ways to prove that I am not like your ex." RV smiled. Inilapit niya ang bibig sa tenga ng dalaga. "Akin ka lang, Heaven. You are belong to me, the moment you gave yourself to me, you're already mine." Naitulak ni Heaven ang binata. "Baliw ka ba?!" Singhal niya rito. RV shrugged. "Baliw sa 'yo." Napabuga ng hangin si Heaven at napailing. Tinitigan niya si RV. "Russell Venedict, hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo sa akin. I don't know what are your intentions, pero please lang, let's forget about everything and move on, okay?" Umiling si RV. "I don't want to forget about everything, Heaven. All I want is you and you will be mine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD