NAPAPAILING na lang Heaven habang nakatingin kay RV. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto o kailangan nito sa kaniya? Sa totoo lang hindi niya talaga ito kilala, maliban sa pangalan nito. Russell Venedict Henderson, pamilyar lang sa kaniya ang family name nito. Maliban do'n ay wala na. Heaven tsked. "Hindi mo ba talaga ako lulubayan?" Inis niyang sabi sa bintana. Painosenteng umiling si RV. "No. Katulad ng sinabi ko sa 'yo. I will make you mine." "Nakakatakot ang mga sinasabi mo, Venedict. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi mo kanina sa akin. I feel creepy or whatever." Naiiling na sabi ni Heaven. Kumunot ang nuo ni RV. "Creepy? Parang hindi naman nakakatakot ang mga sinabi ko kanina." Napabuga ng hangin si Heaven. "Ewan ko sa 'yo. Halika nga d