KUMUNOT ang nuo ni Heaven nang marinig na may nag-door bell sa hotel room niya. Kagigising niya lang at wala naman siyang inaasahang bisita. At isa pa wala naman siyang kakilala dito sa Baguio maliban kay...RV? Ang Russell Venedict na 'yon. Hindi ba siya nito talaga lulubayan? Naiinis na bumangon si Heaven Lumabas siya ng kwarto at hindi nagsusuklay. Nagtungo muna siya sa kusina para magmumog bago niya tinungo ang pinto. Binuksan niya ito. "Sabi ko na nga ba." Aniya nang makita kung sino ang nasa labas ng hotel room niya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito, Venedict?" Inis niyang tanong. "Dinadalaw ka." Sabi ni RV at ngumiti. "May dala akong breakfast para sa 'yo." Tumaas ang kilay ni Heaven. "Wala akong pakialam!" Ibinagsak niya ang pinto sa mukha nito. Naiiling na nagtungo si He