Emerald HINAYAAN ko silang mag-usap na dalawa tungkol sa pinapagawang fashion centre ni halimaw. Tahimik na lamang akong naupo sa tabi nito habang ninanamnam ang red velvet ice cream cake na ayon kay Lexus ay paborito ng asawa niya. Sabi pa nito, kung nakauwi lang daw sana ng maaga ang misis na si Anastasia galing sa dinaluhan nitong runway exhibit abroad siguradong hindi ako maiinip habang naghihintay na matapos ang usapan nilang dalawa ng pinsan. "Shall we?" pormal na sambit ni tita secretary saka binuksan ang malaking pintuan sa harapan namin. Tumango ako bilang tugon dahil kanina pa ako nae-excite sa dami ng mga nakikita kong nakakatuwang bagay sa kompanyang ito. Nakakamanghang makita ang paraan kung paano nila mas pinapaganda ang mga damit na pinapagawa ng mga clients nila. Umawa