Emerald "Saan ka pupunta?" tumaas ang kilay ko nang mapansing parang sinubukang tumakas ni amazona pagkatapos niya akong sampalin. Hindi siya makatingin sa akin pero ramdam ko ang takot nito dahil sa panginginig ng mga kamay niya. Pagkatapos niyang samantalahin ang pagkakataon, matatakot siya sa akin? "I'm done with you, wh0re! Siguro naman alam mo na ngayon kung saan ka lulugar?" nagmamatapang niyang sabi. Mahigpit kong hinawakan ang braso nito para huwag siyang makalayo. "So, uuwi ka na? Hindi pa ako tapos sa'yo," sabi ko at sinubukan dapuan ng sampal ang mukha nito pero may mabilis na pumigil sa akin. Nilingon ko ito at nakita ang madilim na mukha ni halimaw habang nakatingin sa akin. "Stop this, Emerald!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong pigilan, Knight. Siya ang nag-