Emerald Pakiramdam ko sinulit lang nito ang isang araw para makalabas kaming dalawa pagkatapos makauwi ni mama ng probinsya. Sinubukan pa nitong abutan ng isang sobre ng pera si mama pero hindi niya ito tinanggap bagkus sinabihan pa siya nito na gamitin na lang ang pera para sa pag-uwi namin doon sa susunod na buwan. Doon niya napatunayan na kahit anong hirap ng buhay kahit kailan ay hindi nasilaw sa pera ang mga magulang ko. Ilang taon man ang lumipas pero walang pinagbago ang mama ko simula noong umalis ito bilang yaya niya. Ito pa rin ang Yaya Goring na nagmahal at nagturo dito ng magandang asal noon. Maging ang mga kapatid ko marunong din silang makuntento sa kung ano lang ang mayroon kami. Ako lang naman ang nangarap ng sobrang taas kaya umabot sa punto na tinanggap ko ang mga kund