MBMH 2

1258 Words
Tahimik lamang siyang nakatayo sa harapan nito ngunit ramdam ni Emerald ang pananayo ng mga balahibo n'ya sa katawan dahil sa kakaibang titig ni Mr. Knight Saavedra. Para bang kinikilatis nitong mabuti ang bawat parte ng kanyang katawan. Ang malala pa doon pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang may mali sa kanya. Huminga siya nang malalim dahil nakita niya ang hindi magandang reaksyon mula sa mukha nito. “Marry me,” ani Knight habang nakatayo sa kanyang harapan at kinuha ang kanyang kamay. Bigla nalang itong may dinukot sa kanyang bulsa na nagbigay naman nang matinding kaba sa dalaga. Huminga nang malalim si Emerald dahil alam niyang singsing ang kukunin nito. “I want you to be my fake wife and you can also work with my company as a model.” Muntik nang mahulog ang kanyang mga panga nang makitang hindi singsing ang kinuha ng lalaki kung hindi ang pitaka nito. Kumunot ang kaniyang noo, nais nitong sabunutan ang kanyang sarili dahil sa maling akala. Pakiramdam nito’y nananaginip lamang siya na mayroong lalaking napro-propose sa kaniyang harapan ngunit totoo pala ang pangyayaring nilalaman ng isipan niya. Bumalik sa kaniyang isipan ang galit nitong boses habang sinasabing kailangan niyang bumalik sa opisina ng binata dahil may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Sumunod naman si Emerald sa sinabi ni ma'am Monique dahil sa pag-aakalang bibigyan siya ng may-ari ng magandang offer dahil naging maayos ang performance niya sa photoshoot kanina. Ngunit hindi nito inaakalang offer nga ang matatanggap niya pero may kasama naman itong pagpapakasal. Matinding panlalambot ng tuhod ang naramdaman ni Emerald nang inilatag ng binata ang malaking halaga sa kaniyang palad. “I will give you this money for accepting my offer. Hindi ‘yan kasama sa ilalagay ko sa ating kontrata kapag pumayag ka sa magiging kondisyon ko,” sambit nito habang bahagyang nakataas ang kilay. Umawang ang labi ni Emerald dahil alam niyang humigit kumulang trenta mil ang hawak-hawak niya ngayon. Higit pa ito sa nakuha niyang talent fee sa ilang oras na pagmomodelo kanina at alam nitong pang dalawang buwang padala niya na din ito para sa kanyang pamilya. Laking gulat na lamang nito ng mas lumapit pa sa kanya ang lalaki at pinagmasdan ang mapupula niyang labi. Nahuli ni Emerald kung paano ito napalunok bago binasa ang labi sa kanyang harapan. Sabihin na nating guwapo talaga ang CEO ngunit ramdam niyang mahilig at mainit ito. “I’ll give you five million after the divorce. If you’re lucky, I might help you become an international supermodel.” Pinadaanan pa nito ng sulyap ang kanyang dibdib bago muling bumalik sa itim na mamahaling swivel chair sa kanyang mesa. Hinigit ni Emerald ang kanyang hininga habang iniisip ang sinabi nito. Masyadong malaki ang halagang ‘yon at paniguradong magagawa niya nang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya. Malaki pa ang matitira at magagawa niyang maipatayo ang pangarap na masyon at negosyong mini supermarket. Sa tulong nito paniguradong makakapagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid niya at magkakaroon ito ng pagkakataong makapasok sa malalaking unibersidad sa bansa. Hindi na imposibleng makahanap ang mga ito ng maayos na trabaho para hindi sila matulad sa sinapit ng isang undergraduate student na tulad niya. Hindi naman sa ibinababa nito ang kaniyang sarili ngunit malungkot para ditong hindi niya nagawang matapos ang kursong Business Management dahil kailangan niyang humanap ng trabaho upang matulungan ang kaniyang mga magulang. May edad na kasi ang mga ito at nangangailangan na ng maintenance para sa kanilang mga sakit. Kung kaya naman wala siyang ibang choice kung hindi talikuran ang mga pangarap at maagang magbanat ng buto para mabuhay ang sariling pamilya. Mabuti nalang nga at biniyayaan ito nang angkin niyang kagandahan, magandang hubog ng katawan at mahahabang biyas kaya nagawa nitong makapasok sa mundo ng pagmomodelo. Iniyuko na lamang nito ang kaniyang ulo habang inaamoy ang mga pagkaing nasa harapan nila. Matamlay ang mga mata nitong nakatingin kay ma'am Monique na tuwang-tuwa naman sa treat na ibinigay niya rito. Humugot pa siya nang malalim na hininga ang muling sinilip ang nilalaman ng kanyang bag. Doon ay nasilayan nito ang malaking halagang ibinigay ng lalaki pagkatapos nitong sabihin sa kanyang bibigyan siya nito ng isang araw upang makapag-isip. Oo, kailangan niya nang pera at trabaho pero hindi naman siya artista para kayanin ang pagpapanggap bilang asawa ng isang masungit at malanding estranghero. Isa pa, kalayaan niya ang matatali ng ilang buwan o taon kung sakaling ikasal silang dalawa. “A-are you okay, Emerald?” tanong dito ni ma'am Monique na abala na sa ginugupit nitong karne. Tumango lamang si Emerald dito at pinilit na tumayo sa kabilang nang panghihinang nararamdaman. “Okay lang po ako,” aniya at kumuha nalang muli ng karne at lettuce. Nawala lang naman ang gutom at excitement niya kanina dahil sa pinagsasabi ng lalaki. Imbes na maging masaya sana ang gabi nila dahil nagkaroon siya ng raket pero hindi pa natupad. “Tinanggap mo ba ang offer ni Mr. Saavedra?” Bigla itong napaubo dahil muntik na siyang mabulunan sa narinig. Mabilis naman itong inabutan ng tubig ng ginang at nilapitan upang hagurin ang likod nito. Suntok sa buwan ang offer ni Mr. Saavedra, talaga namang nakakapanlumong isipin! “Relax. Uminom ka muna ng tubig,” sambit nito sa mahinanong boses. “Napadami yata ang nailagay mong wasabi.” Natatawa nitong sambit kay Emerald. Humugot naman ng malalim na hininga ang dalaga. Alam niyang hindi siya nabulunan ng wasabi kung hindi dahil sa tanong nito tungkol sa offer ng kaniyang boss. Hindi siya kaagad nakapagsalita at hinintay na lamang na makabalik si ma'am Monique sa kinauupuan nito. “He asked me to be his fake wife and to work as a model under his company.” Walang gana nitong sambit habang umiinom ng juice na siya naman ikinagulat ng kaharap. “What?” Namimilog ang mga matang tanong nito saka napahawak bigla ang ginang sa kaniyang sintido. Mukhang sumakit na naman ang ulo nito dahil sa kalokohan ng kaniyang boss. Tumaas ang kilay nito. “Pinahirapan niya akong maghanap ng kung sino-sinong mga babae at halos lumunod na ako sa harapan ng mga ito mapapayag lang na pumunta sila sa opisina niya, Emerald. Ngunit kahit anong pagsisikap ko bulyaw ang natatanggap ko mula sa mga ito dahil hindi nila matiis ang kayabangan at kasungitan ni Mr. Knight Saavedra. Masyado kasing mataas ang standards nito sa mga babaeng pinapahanap niya sa’kin kahit na anim na buwan lang naman silang magpapanggap na asawa niya,” anito saka bumuga ng marahas na hininga sa kaniyang harapan. Bigla na lamang itong kinabahan nang makitang lumuluha na ang mga mata ni ma'am Monique habang tulala itong nakatingin sa kaniya. Para bang lumulutang ang isipan nito sa ere at hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang sinabi. Nakaramdam na lamang si Emerald nang paninikip sa kaniyang dibdib nang masilayan ang itim sa ilalim ng mga mata nito habang unti-unting nagbabago ang reaksyon ng ginang. Napabuntong-hininga si ma'am Monique saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. “Maraming salamat, Emerald! Blessing in disguise ka talaga sa buhay ko. Pangako, tutulungan kita para mapadali ang buhay mo sa Goddess Realm at bilang pekeng asawa ng boss ko.” Hindi niya maipaliwanag ang tuwang sumibol sa mga mata ng ginang. Bigla nalang lumiwanag ang malungkot na mukha nito na para bang nakahanap ito ng pag-asa sa narinig. Paano niya ba sasabihing pinag-iisipan niya pa lang ang alok ni Mr. Saavedra. Isa pa, nagdadalawang-isip din siya kung kakayanin ba nito ang magaspang at nakakapanayo ng balahibo nitong ugali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD