MBMH 3

1713 Words
"Ate? Pasensya na napatawag ako sa'yo. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko kina nanay at tatay. Kahapon pa kami hina-harass ni manang Erlinda dahil sa bente mil na utang ni tatay sa sakahan. Ayaw naman ng mga itong sabihin namin sa'yo pero lumalaki na kasi nang lumalaki ang tubo nang nahiram nito, hindi ko naman matiis na ilihim sa'yo. Puwede bang ibayad ko nalang muna ang perang ipinadala mo para sa tuition ni bunso?" HINDI napigilan ni Emerald na huwag mapasandal sa pader habang hawak-hawak ang sampung libong natira mula sa perang ibinigay sa kaniya ni Mr. Saavedra noong nakaraang gabi. Muli nitong hinilot ang sentido nang maalala niya ang kondisyong hinihiling ng lalaki kapalit ang trabahong nais nitong makuha, malaking kahihiyan para dito na hindi niya sinipot ang CEO ng Goddess Realm sa opisina nito kahapon. Naunahan kasi siya ng takot na muli na naman siya nitong aalukin ng kasal. At kung tatanggihan niya naman ang alok nito ay babawiin ng lalaki ang perang nagamit niya para sa pamilya. Dahil sa kagustuhan nitong mailigtas ang mga magulang, ipinadala niya ang perang kailangan upang matuldukan ang gulo ng mga ito sa bantog na 5'6 o loan shark sa kanilang baryo. Alam kasi nitong hindi biro ang pagiging terror ni manang Erlinda, once na napatubo ito sa isang pagkakautang, hindi titigil ang ginang hanggang sa hindi nababaon sa tubo ang taong 'yon. Possible pang mawala sa kanila ang munting sakahang natitira sa kaniyang tatay bilang collateral. Inuntog na lamang nito ang kaniyang ulo sa pader ngunit natigilan nang maramdamang kumirot ang parteng tumama sa semento. Naguguluhan si Emerald kung saan ito hahanap ng raket para mapalitan ang perang nahiram niya. Plano kasi nitong makisuyo nalang kay ma'am Monique na ibalik ang pera sa boss nito kapag nakumpleto niya na ang halagang kailangan niyang bunuin. "May problema ba, Ms. Emerald? Pansin ko kasing stress na stress ka pa rin at hindi makatulog ng maayos." Ibinaling niya ang tingin sa roommate, kung hindi siya nagkakamali ay Ariane ang pangalan nito. "Masyado ba akong malikot kagabi?" nag-aalangan niyang tanong. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos tumango ang dalaga saka mahinang natawa. "Okay lang, naiintindihan ko naman. Sabi ni mama Monique, naninibago ka sa bago mong trabaho sa Goddess Realm. Akala ko nga nagbibiro lang siya nang sinabi nitong isa kang sikat na modelo." Ako sikat? WTF?! What the fudge? Halos hindi siya nakapagsalita nang marinig ang sunod na sinabi nito. "Sabi pa ni mama Monique, huwag daw kitang gigisingin dahil nabigla ka sa marriage proposal ni Mr. Knight Saavedra kagabi. Hindi ko alam na big time pala ang magiging roommate ko!" May kilig pa ang boses ni Ariane na para bang kinikiliti ang singit nito. Ako?! Big time? Pucha! Gusto nitong itanggi ang lahat nang sinasabi ni Ariane ngunit masyadong madaldal ang kasama niya sa kwarto. Daig pa nito ang nakalunok ng maching gun dahil parang hindi na ito humihinga habang nagsasalita. "Mag-aabang nalang ako ng mga litrato mula sa engagement party niyo bukas, Ms. Emerald. Sigurado naman akong kakalat iyon sa internet dahil papakasalan mo ang isa sa pinakaguwapo at kinikilalang bachelor sa bansa. Fighting!" Humigpit ang kapit nito sa perang hawak habang nakaawang pa ang labi. Ni hindi man lang siya nakasingit dahil sobrang lapad ng ngiti ng roommate niya nang lumabas ito ng kwarto suot ang uniporme sa trabaho. Hindi maiwasan ni Emerald na hindi maikumpara ang sarili kay Ariane, tulad niya isa din kasi itong breadwinner at nagsisikap itong magtrabaho sa isang kilalang mall bilang isang retail cosmetic brand expert. Kung sana naging masipag lamang siya sa paghahanap ng ibang trabaho at hindi umikot ang mundo sa pagmomodelo, baka sakaling hindi siya naipit sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Proposal? Sikat na model? Engagement Party? Kasinungalingan lang lahat ng 'yon! Malalim na lamang itong napabuntong-hininga nang marating niya ang building ng Goddess Realm. Mabuti na lang at may jeep din palang dumadaan sa business center malapit dito kung kaya naman nagawa niyang makatipid sa pamasahe. Wala naman kasi siyang choice kung hindi puntahan si Mr. Saavedra at ayusin ang mga nangyayari. Handa na siyang sabihin ang totoo na nagamit niya ang perang ibinigay nito kung kaya hindi siya nakasipot sa usapan nilang dalawa. Ganoon pa man, nais niyang tanggihan ang alok nitong pagpapakasal at putulin ang ano mang ugnayan niya sa lalaki para magkaroon ito ng peace of mind sa paghahanap ng bagong trabaho. Gusto nitong palayain ang sarili mula sa mundong minsang tumulong sa kaniya at sa pamilya nito dahil na rin sa takot na muli na naman siyang maipit sa isang madilim na mundo tulad ng naranasan nito four years ago. "Emerald, bakit nandito ka? Hindi mo ba nabasa ang text ko sa'yo? Kailangan mong maghanda para sa..." Matiim niyang tinitigan ang mga mata ng ginang. "Good morning, ma'am Monique. Gusto ko po sanang makausap si Mr. Saavedra, may mahalaga lang po akong sasabihin," magalang niyang wika dito. Humigpit lalo ang pagkakahawak ng kamay nito sa bag niyang naglalaman ang natirang pera mula sa sinahod niya noon sa Goddess Realm at perang ibinigay ng lalaki. Balak niya itong ibalik lahat kasabay ng mahabang paliwanag dito. "Nasa loob siya pero may Xone meeting ito sa international client, Emerald," anang ginang saka napalunok. Mukhang guilty din ito sa dami ng pinagsasabi sa madaldal niyang roommate. Huminga nang malalim si Emerald saka napaupo nalang sa bakanteng silya malapit sa mesa ng ginang. Ilang minuto ang lumipas at sinusubukan itong kausapin ni Monique ngunit umiiwas lamang ito ng tingin, binigyan niya rin ito ng tubig na maiinom ngunit tumanggi ang dalaga. Halatang mayroon itong tampo sa kaniya. Nanatili na lamang itong nakayuko habang abala naman si Monique sa mga papeles at file na hinahatid sa opisina ng boss. Napailing na lamang si Monique at hindi nakatiis na lapitan ulit ang dalaga. "Mukhang matatagalan pa yata si Mr. Saavedra, Emerald. Baka abutin ka ng hapon sa paghihintay sa kaniya," mahinahon nitong sambit sabay abot ng meryenda pero tinanggihan na naman iyon ni Emerald kahit ramdam na nito ang gutom sa kaniyang sikmura. Nakayuko pa rin ito hanggang sa napansin ni Monique na bumuga ito ng hangin dahil gumalaw ang mga balikat nito. "I'm willing to wait po. Kailangan ko siyang makausap ngayong araw dahil baka katapusan ko na bukas." Hindi alam ni Emerald kung ilang oras pa siyang maghihintay sa lalaki pero handa siyang magtiis kahit gaano pa katagal, makausap lamang ito. Pagod na pagod na siyang mag-isip simula pa kahapon kung paano papalitan ang perang nahiram pero hindi niya alam na mas mapapagod pala siyang maghintay dito habang kumakalam ang kaniyang sikmura sa gutom. Kung bakit ba naman kasi hindi siya kumuha ni isang libo man lang sa perang inayos kanina. Wala tuloy itong naitabing allowance para sa sarili. Literal na ganda nalang talaga ang mayroon siya ngayon. Maganda nga pero butas naman ang bulsa. "Emerald? Pumasok ka na," napatingala na lamang ito nang marinig ang malambing na boses ng ginang. Pinagmasdan niya ito habang hawak ang doorknob ng opisina ni Mr. Saavedra. Hindi na nito natiis ang nararamdamang awa para sa kaniya. Huminga nang malalim si Emerald saka mabagal na naglakad papasok sa opisina ng CEO. Pero bago pa man siya makapasok, naramdaman nitong emosyonal siyang niyakap ng ginang. "Salamat sa tulong mo, Emerald. Hindi lang ako ang matutulungan mo kung hindi pati na rin ang pamilya mo sa probinsya. Hindi mo na kailangang tumira sa dorm ko dahil titira ka na sa isang mansyon kasama ang magiging asawa mo." Iniyukom niya ang kamao at hinigit ang hininga bago pumasok sa silid ng lalaki. Oo, inaamin nitong naisip niyang kumapit sa patalim dahil sa hirap na nararanasan nito ngayong nawalan siya ng trabaho. Maliban doon, masyado ring mabigat ang pasanin niya para manahimik na lamang sa isang tabi at humilata. Hindi lamang ang pangarap niya sa buhay ang nakasalalay kung hindi maging ang kinabukasan ng kaniyang pamilya. Tahimik nitong iginala ang paningin sa buong opisina ni Mr. Saavedra. Hindi naman halatang ibinagay ang interior design nito sa mala-demonyong ugali ng lalaki. Kulay itim at pula kasi karamihan ang mga gamit na laman ng silid nito. Maliban sa isang certified maniac, masyado talagang magaspang ang ugali ng lalaking ito para pagtiisan niya. Ngunit nagagawa ngang tiisin ng mga nasa teleserye ang ganitong setup di'ba? Magpapanggap lang naman siya sa loob ng anim na buwan at lalabas sa opisina nito bilang isang milyonaryo at sikat na international model. Mukhang kailangan lang nitong gamitin ang ganda upang kahit papano mapasunod din ang lalaki sa kaniyang mga kagustuhan. Sumibol na lamang ang ngiti sa labi ni Emerald saka naupo sa silyang inupuan niya noong una siyang pumasok sa opisina ni Mr. Saavedra. Gosh! Kung ano-ano nang naiisip mo, Emerald! Mabilis itong napailing dahil sa dami ng pumapasok sa isipan niya. Nandito ka para tumanggi at hindi pumayag sa alok nito. Napahilamos nalang ito sa kaniyang mukha nang mapansing wala ang lalaki sa mamahalin nitong swivel chair. Muntik niya nang makalimutan na tao rin pala itong marunong pumunta sa palikuran. "Fvck! Emerald! That's great!" Natigilan si Emerald at malalim na bumuntong-hininga nang marining nito ang malalim na boses ng isang lalaki. Hindi siya maaring magkamali, pangalan niya ang nasambit sa halinghing nito. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata saka nagdalawang-isip kung sisilipin ba nito ang pinagmumulan ng boses na iyon. "Ohh! s**t!" Kinilabutan siya sa narinig at nakumpirmang nagmumula ang boses sa likod ng vertical blinds. Kabado man ngunit maingat niya itong sinilip. Pero mabilis din nitong binawi ang tingin nang makitang nakatingala si Mr. Saavedra habang abala ang kamay nito sa pagpapasarap sa namumula at naghuhumindig nitong pagkalalak*. Mabilis ang naging t***k ng puso niya dahil sa nasaksihan, hawak ng lalaki ang kaniyang litratong mula sa photoshoot habang nagtataas-baba ang kamay at tinatawag ang kaniyang pangalan. Huminga ng malalim si Emerald saka maingat na naglakad pabalik sa upuan habang nakatutop sa kaniyang bibig. Gusto nitong magmura at sumigaw ng malakas kanina ngunit hindi maari. Mas nanaisin niyang lumabas ng silid nang hindi nalalaman ni Mr. Saavedra na nasaksihan niya ang ginagawa nito. For heaven's sake! Hindi niya inaakalang pagpapantasyahan siya ng isang Knight Saavedra. Hinigit na lamang nito ang kaniyang hininga at nagdalawang-isip na lumabas sa silid nang may ideyang pumasok sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD