HALOS maubos na ang hininga ni Emerald nang makita nitong nakatayo sa kanyang harapan ang lalaking bigla na lamang humila sa kanya habang nagmamakaawa ito sa harapan ng kanyang landlady. Hindi mawala ang malakas na kabog ng kanyang dibdib at kulang nalang ay mapaso ang mga mata niya nang masilayan ang maugat at naghuhumindig na alaga ng lalaki. Tayong-tayo ito at handang-handa na sa isang umaatikabong bakbakan.
Kahit na masama pa rin ang loob niya, wala siyang magawa. Kailangan niyang maghanap ng bagong mapapasukan dahil napilitang mag-cost cutting ang pinagtatrabahuan nitong modelling agency. Halos tatlong taon pa naman siyang nagtrabaho roon bilang isang modelo para lamang maitaguyod ang mga kapatid sa pag-aaral. At kung kailan malapit na nitong maabot ang pangarap para sa kanyang pamilya, doon naman gumuho ang mundong pinagkukunan nito ng lahat ng bagay na maitutulong niya para sa minamahal na mga kapatid.
Tatlong buwan pa lamang itong nawalan ng trabaho ngunit limas at ubos na ang lahat ng naipon niya. Maliban sa malaki pa rin ang halagang pinapadala nito sa probinsya, mahal din ang binabayaran ni Emerald sa condominium unit na kanyang tinutuluyan. Sinubukan nitong maghanap ng ibang modelling offers ngunit ilang araw lamang ang tinatagal ng mga ito at masyado pang mababa ang bayad sa kanya. Hanggang sa hindi na nito nakayanang bayaran ang upa sa condominium unit na ‘yon. Mabuti na lamang at nakita nito ang post ng matalik na kaibigan ng kanyang ina na naghahanap ito ng mga boarders. Kaya, sinubukan niya. Nagbakasakali kasi wala na talaga siyang choice.
“If you want to marry me, s*ck everything!” singhal ng estrangherong mayabang na nakatayo sa kanyang harapan. Napapalunok na lamang siya ng laway habang tinitingnan ang kabuuan niya.
Tuluyang namula ang kanyang mukha at napapaawang ang mapupula nitong labi. Hindi lang kasi mahaba kun’di mataba din ang bagay na nakikita niya ngayon sa harapan niya. Kung hindi siya nagkakamali, ilang pulgada ang haba nito kumpara sa normal na sukat ng mga lalaki, at sadya namang nakahihibang ang mamula-mula nitong ulong kanina pa naghihintay na sunggaban niya. Hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay dahil naranasan din naman nito ang kaluwalhatian sa piling ng dating kasintahan. Ngunit, bakit niya ito gagawin sa lalaking ngayon lang naman niya nakilala? Isang malaking pagkakamali sa kaniyang isipan na tanggapin ang alok nito. Kaya, ginawa niya rin ang paraan na hindi sundin ang utos niya.
“S-Sir, baka nagkakamali lang po kayo? Pagmomodelo po talaga ang pinasok ko rito at hindi pagiging asawa ni'yo.” Nginitian niya ito para ipakita na kalmado ang sarili kahit ang totoo’y natatakot ito na siya lalaki. Sana lang ay tumalab ang pakiusap niya rito.
Ilang sandali pa ay ibinaling nito ang paningin sa mesang sinasandalan ng lalaki. Gulat na gulat siya at lalo lamang nanginig ang kalamnan nito nang mabasa ang pangalan at posisyong nakasaad doon. Ramdam din nito ang unti-unting pagsakit ng kanyang lalamunan, hindi dahil sa sobrang laki ng alaga nito kung hindi dahil nalaman niyang ang lalaking kaharap pala ang may-ari ng agency na pinasukan niya.
Kumunot ang noo nito nang marinig ang pakiusap at explanation niya. “What?!”
Napatango siya sa harapan nito at maingat na inayos ang sarili para ipakita sa binata ang magandang hubog ng kanyang katawan. Papalampasin niya ang magaspang nitong ugali dahil mas importante para sa kanyang makahanap ng bagong trabaho. Mabuti nalang at napigilan nito ang mga kamay kanina. No choice na talaga siya sa sitwasyong iyon.
Sinubukan nitong titigan sa mga mata ang lalaki ngunit hindi niya nagawang salubungin ang mapupungay nitong mga mata. Maliban sa mayaman, mukha pang artista ang lalaking nasa kanyang harapan. Matangkad ito, matikas ang pangangatawan at sadya namang kahali-halina ang gwapo nitong mukha. Kahit sinong babae ay mapapataob nito o makukuha ang atensyong hinahanap-hanap nila sa kaniya.
Nagbaba na lamang ito ng tingin at napabuntong-hininga. Saglit pa nitong iniwas ang mga mata nang maagaw na naman ng sandata ng lalaki ang kaniyang atensyon. “Gusto ko pong magtrabaho bilang modelo dito kaya sinubukan kong lapitan si ma’am Monique. Siya po kasi ang may-ari nang tinutuluyan ko rito sa Maynila,” aniya.
“Damn! Maling babae ba ang nakuha ko?! It should be the blonde one?! Sh*t!” mura nito na siya namang ikinatuwa ng dalaga. Lihim pa siyang napahagikgik at napatikhim.
Mukhang napagkamalan lang talaga siya nito dahil natatandaan niyang mayroon siyang nakasabay na isang mataray na babae mula elevator hanggang makarating siya kay ma’am Monique kanina. Napailing na lamang si Emerald, wala naman siyang magagawa dahil tao lang naman ang lalaki, nagkakamali. Ang kailangan niyang gawin ay ipaliwanag dito ang lahat at baka sakaling magustuhan pa nito ang ugali niya at ma-regular pa siya kaagad. In your dreams, Emerald! Spell asa?
“Hindi po kayo magsisisi kapag binigyan ni'yo ako ng trabaho, Sir. Masipag po ako at passionate sa harapan ng camera, sabi po kasi ni ma’am Monique naghahanap po kayo ng isa pang modelo para sa lingerie collection na hinahanda ni'yo. Iyon po talaga ang pinunta ko rito, wala po akong alam sa sinasabi ni'yong maging asawa ninyo.”
Napabuntong-hininga siya. Pinagdaop ni Emerald ang magkabilang palad sa pag-asang naintindihan nitong mabuti ang kanyang paliwanag. Hangga’t maari hiling niyang pumayag ito ngayon din, lalo na’t wala na siyang maipapadala sa pamilya sa susunod na buwan. Ayaw niyang malaman ng mga itong nawalan siya ng trabaho at naghihirap na ang buhay niya sa Maynila. Nais niya sanang mapanatili ang magandang imahe sa pamilya lalo na’t ini-idolo siya ng mga kapatid. Hindi lamang pride niya ang nakataya dito kung hindi lahat lahat nang mayroon siya. Kasama na roon ang kaniyang iniingatang dangal na matagal na rin namang nadungisan dahil sa kaniyang dating kasintahan.
“Shut up, will you?! Ang dami mo nang sinabi!”
Kinilabutan si Emerald sa narinig. Bato yata ang puso nang lalaking ito, sa isip-isip niya.
Nanatili lamang itong nakatayo habang pinapanood ang lahat ng ginagawa ng lalaki. Mabuti na lamang at inayos na nito ang nakababang pantalon. Pormal na itong nakaupo sa kanyang mamahaling swivel chair habang nakaharap sa telepono. Hindi mawari ni Emerald kung bakit bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang makita ang malamlam nitong mga mata, parang nangungusap ang mga ito, nahihirapan pero pilit iyong itinatago sa pamamagitan ng galit at mga bulyaw.
“Monique, sino ang babaeng nasa loob ng opisina ko at ano ang sinasabi niyang pagmomodelo? Hindi ba complete slots na tayo? Nakalimutan mo rin bang may experience at professional lang ang mga pinipili natin para sa lingerie brand na ito? Are you messing up with me?!” Dinig niyang singhal nito sa kausap. Hindi siya maaring magkamali, galit ang lalaki sa taong sinubukan lang naman siyang tulungan. Gustuhin man nitong manghimasok sa usapan ng dalawa, ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang, baka mamaya kung ano pang magawa nito sa kanya dahil sa init ng ulo.
“Sir, mayron po kasing nag back-out sa mga models natin at wala na akong makuhang iba dahil gahol na tayo sa oras. Wala nga sana akong balak sabihin sa inyo dahil ipupuslit ko lang si Emerald pero bigla niyo nalang siyang kinaladkad kanina. Hindi niyo nga pinansin si Ms. Stella kaya umalis nalang ito nang galit na galit sa ’kin. Akala ko po ba naghananap kayo ng mapapangasawa?” Napangiti ito sa narinig. Hindi niya na pala kailangang tulungan pa ang ginang dahil matapang ito pagdating sa kanyang trabaho, nagagawa nitong sagutin ang boss.
“F*ck! Bakit ka pa nandito?!” Pinandilatan siya nito ng mata, “Get out of my sight!”
Tuluyang nilamon ng matinding frustration ang puso ni Emerald habang marahan ang mga naging paghakbang nito pabalik sa kinaroroonan ng ginang. Mukhang wala na talaga siyang choice kung hindi tumanggap ng maliliit na offers dahil tinanggihan na ito, kahit ng sikat na kumpanyang pinagtatrabahuan ni ma’am Monique. Kung p'wede lang sana siyang kumuha ng tali at isabit ang sarili dito, baka mas mapadali pa ang buhay niya ngunit hindi maari. May pangarap pa ito sa buhay at para sa kanyang pamilya.
“Emerald, halika ka na! Bakit ang tagal mong lumabas?” tawag sa kanya sabay hawak sa maputi nitong braso. Hindi pa man nakakasagot si Emerald ngunit hinila na siya nito papunta sa isang malawak na kuwarto kung saan abala ang mga modelo sa pag-aayos at pagpapaganda ng sarili.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Emerald na hawak na nito ang sobreng inabot ng ginang. Nakakahiya man pero hindi niya napigilan ang sariling huwag itong yakapin dahil sa sobrang sayang nararamdaman. Totoo ngang kahit masungit ang may-ari pero mabilis namang magpasahod ang kumpanya nito at talaga namang may ibinibigay pa itong libreng cosmetics sa mga modelo.
“Sorry, Emerald. Nahirapan ka ba? Hindi ko alam kung anong ginawa sa 'yo ni Mr. Knight Saavedra pero alam kong namumutla kang lumabas ng opisina niya kanina. Pasensya na, hija.” Malungkot na wika ni Monique habang hinahaplos ang likuran nito. Napasinghot na lamang ang dalaga upang pigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na talaga namang nahirapan siya para lamang makakuha ng ganito kalaking halaga.
Sabay na lamang silang natigilan ng ginang nang marinig ang malakas na tunog mula sa bag nito. Walang nagawa si Emerald kung hindi bumitaw mula sa pagkakayakap. Balak pa naman sana niyang i-libre ito ng dinner bilang pasasalamat dahil alam niyang ala-sais naman talaga ng gabi ang labas nito mula sa trabaho, medyo na-late nga sila ng uwi dahil hinintay pa nitong makapag-ayos siya ng sarili. Masyadong mabait si ma’am Monique para pahirapan ng amo nitong magaspang ang ugali.
Napailing na lamang si Emerald nang makitang napangiwi ang ginang at inilayo ang cellphone sa tainga. Marahil bumubulyaw na naman ang lalaking ‘yon. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala sa isipan niya ang masakit sa tainga nitong singhal.
“Why are you not answering the telephone, Monique?! I want that woman in my office now!”