Emerald Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko siya bago mahinang tinapik ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung masyado bang napalakas ang suntok ko kaya imbes na mahimasmasan na tuluyan na yata ang halimaw. Masyado na kasing mahimbing ang tulog nito habang nakahubad sa dulo ng kama. Humugot ako ng malalim na hininga saka hindi na gumalaw mula sa kinauupuan ko. Ginawa kong pantakip ng aking katawan ang makapal na kumot bago dahan-dahang bumaba mula sa kama para makapag-shower. Ang lagkit tuloy ng pakiramdam ko! Habang nasa loob ako ng shower, hindi ko mapigilang huwag mainis sa aking sarili. Muntik na akong bumigay sa kanya o mas mabuti yatang sabihin na minsan na akong bumigay dito nang malasing ako. Ang inakala kong wet dreams, totoo palang nangyari sa pagitan naming dalawa. Gosh!