Emerald Paano nga ba ako makakatakas kung buhat naman ako ng halimaw na ito gamit ang matipuno niyang braso? Hindi ako sumagot lalo na't alam kong wala ng magiging katapusan ang tanong niya kapag may kahit konti akong nabanggit tungkol sa wet dreams ko. At baka mamaya malaman pa nitong nagawa ko siyang suntukin sa mukha dahil sa inis na naramdaman ko kagabi. "Sorry, Sir. Muntik na kasing may mangyari sa atin kagabi." Ayoko ng magpaliwanag pa, siguro naman naiintindihan na nito kaagad kung anong ibig kong sabihin. Ngumiti siya sa akin. "Did I tempted you?" Hindi ko napigilang huwag kagatin ang pang-ilalim kong labi saka napatango. Kulang na lang mamula ang buong pagmumukha ko dahil sa hiyang nararamdaman. Mas lalo akong kinabahan ng tumaas ang sulok ng labi nito. "And you got tempted?