Emerald BINIGYAN ko siya ng pagkakataon para angkinin ako. At napasinghap na lamang ako nang ginantihan niya ako ng isang mapusok at puno ng pananabik na halik na para bang gusto na nitong humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Kinakabahang tinitigan ko ito nang maghiwalay ang mga labi namin at tiningnan niya ang aking mga mata. "You're doing this for me to forget the pain and forgive myself?" tanong nito saka hinawakan ang aking bewang para mas lalo akong idikit sa kanya. Nalalanghap ko pa rin ang matapang na amoy ng alak mula sa labi nito pero mas lamang ang sarap na nalalasap ko sa tuwing hinihigop niya ang aking labi. Hindi ko din mapigilang huwag mapadaing sa tuwing sabay na naglalaro ang aming mga dila. May lambing na lumapat ang kamay ko sa basa niyang pisngi at punanasan