MBMH 6

1329 Words
Emerald Iniisip ko palang na sasama ako sa mansyon ng isang Knight Saavedra para ng pinupukpok ng sampung martilyo ang ulo ko. Kung tatalon naman ako sa bintana tiyak wala akong kawala dahil sa dalawang armored cars na nakasunod sa amin. Daig ko pa ngayon ang isang presong walang kawala dahil sa higpit ng security. "Are you mad at me? You're frowning," sabi nito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa manibelang hawak. 'Yong totoo? Hindi naman masyadong mabilis ang pagmamaneho niya sakto lang para mapakapit ako sa handle ng sasakyan dahil hindi na tumatama ang paa ko sa sahig. Pakiramdam ko nasakay ako sa isang rocking chair. Tiningnan ko siya. "Sino bang kakalma sa bilis ng pagmamaneho mo, Sir? May death wish ka ba?" Nakakabaliw talaga ang lalaking ito. "I don't want to waste any minute." Umangat ang sulok ng labi niya hanggang sa napatili na lamang ako nang mas binilisan pa nito ang pagmamaneho. Kulang na lang dumikit ako sa gilid nang lumiko siya ng walang pasabi. "Wala na bang mas ibibilis pa, Sir? Grabe!" natataranta kong sambit. Konti na lang lalabas na ang lahat ng laman ng sikmura ko. Hindi ko na alam kung saan kakapit, kung hindi lang siya ang nagmamaneho baka kanina ko pa hinawakan ang buhok niya para mawala ang nerbyos na nararamdaman ko. Tumatalbog na ang dibdib at pwetan ko sa sobrang bilis nang pagmamaneho ni Mr. Saavedra. Daig ko pa tuloy ang nakasakay sa isang roller coaster dito. Hinigit ko na lamang ang hininga ko nang nakita kong panay ang sulyap ng mga mata niya sa akin. "Fvck!" mura nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang binalot ng kakaibang kaba ang puso ko nang bigla niyang inihinto ang sasakyan saka matiim na tumingin sa akin. He's staring at me as if he want to eat me raw. "Young master, may problema po ba? Do you need a driver?" Muntik nang bumuka ang labi ko nang marinig ang boses na iyon mula sa stereo ng sasakyan niya. Kung hindi ako nagkakamali nagmula ang boses sa armored car na nakasunod sa amin. Napalunok na lamang ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. "I need some rest." May bigla siyang pinindot sa stereo saka natahimik na lamang ang mundo naming dalawa. "Okay ka lang ba?" may pangamba kong tanong. Nakita ko kasing pinagpapawisan siya habang nakasandal na sa upuan. Iniwas niya naman ang tingin sa akin saka bumuga nang marahas na hangin. Hindi ko mabasa ang iniisip nito kaya sinubukan kong lumapit sa kaniya pero ikinabigla ko na lamang nang bigla niyang kinabig ang braso ko. "Don't touch me!" He gave me a deadly glare. Mabilis kong pinagmasdan ang parteng tinamaan ng suot niyang singsing. Tiyak na mamumula ito mamaya dahil napalakas ang paghawi niya sa akin. Ano bang problema? Bakit bigla na lang nagbago ang ugali niya? Akala ko ba ayaw niyang magsayang ng oras, eh bakit huminto kami ngayon? Humugot ako nang malalim na hininga saka sinubukang pahabain lalo ang aking pasensya. Wala akong maintindihan sa ugaling ipinapakita nito pero susubukan ko pa ring intindihin siya alang-alang sa pamilyang umaasa sa akin sa probinsya. Sa tulong niya magagawang makapagtapos ng mga kapatid ko at tiyak magiging masagana na ang buhay namin pagkatapos. "Sabihin niyo po sa akin kung biglang sumama ang pakiramdam niyo para matulungan ko kayo, Sir. May maitutulong po ba ako?" malambing kong sambit. Pero imbes na tanggapin ang paglalambing ko, sinuklian niya ako nang isang malalim at makahulugang tingin. Isang tingin na animo'y inaangkin niya ang buo kong pagkatao kahit wala naman siyang ginagawa sa katawan ko. "If you want to help me, pull your blouse up." Blouse? Ibinaba ko ang tingin ko. Sh't! Hindi agad ako nakapagsalita pero mabilis kong inayos ang suot kong damit para itago ang nakabuyangyang kong dibdib. Kung bakit ba naman kasi sobrang bilis ng pagmamaneho niya kaya hindi nakayanan ng strapless kong bra? Umiling ito. "Huwag mong sabihin sa aking hindi mo napansin?" Ibinalik ko ang tingin sa kaniya saka mahinang natawa. Umandar na naman ang pagiging arogante niya. "Kung bakit ba naman kasi kulang na lang lumipad ang sasakyan dahil sa bilis ng pagmamaneho niyo, Sir?" Sinimangutan ko siya saka muling pinagmasdan ang mala-butil ng mais na pawis sa kaniyang noo. Akala mo naman hinabol siya ng limang aso sa sobrang pamumutla. Naunahan ako ng kapilyuhan kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Sigurado akong sa dibdib ko nakatuon ang mga mata niya habang pasulyap-sulyap siya sa akin kanina. "Naiinitan ka ba, Mr. Saavedra?" Hindi ko napigilang huwag itong tanungin habang nilalapit ang sarili ko sa kaniya. Kita ko naman kung paano umigting ang mga panga nito habang nakatingin sa akin. Kulang na lang lamunin niya na naman ako ng buhay. "Baka gusto niyo pong buksan ko ang butones ng polo niyo?" Lumunok naman ito ng laway nang itinaas ko ang aking kanang kamay saka maingat na inilapit sa suot niyang polo. Sinadya ko pang basain ng laway ang pang-ilalim kong labi para mas maging kaakit-akit sa paningin niya. Kung may tao mang makakatalo sa kasamaan ng halimaw na ito, sisiguraduhin kong ako 'yon. "Damn!" Malapit ko na sanang matanggal ang unang butones ng polo niya nang tumalsik ako pabalik sa gilid. "Aray naman!" Sinapo ko ang ulo kong tumama sa gilid. Kung hindi lang siguro malambot ang upuan ng sasakyan niya baka bukol na ang inabot ko ngayon. Halimaw talaga ang lalaking ito! Palaging nasisira ang plano ko dahil sa pagiging unpredictable niya. "Kung may galit kayo sa mundo, huwag niyo naman akong idamay!" inis kong sabi saka sinamaan siya ng tingin. Hindi niya ako pinansin, binilisan na lamang ni Mr. Saavedra ang pagmamaneho hanggang sa pumasok ang sasakyan nito sa isang malawak na lupaing napapalibutan ng pine trees. Kahit nasa loob ako ng sasakyan, hindi ko alam kung bakit natatandaan ko ang amoy ng lugar na dinadaan namin. Wala namang pine trees sa lupaing kinatitirikan ng bahay namin sa probinsya pero parang kinikiliti nito ang puso ko. Ilang minuto din ang tinahak nito hanggang sa narating namin ang isang malawak at nakakalulang gate. Kahit anong pikit ang gawin ko para pa rin akong naninigas sa kinauupuan ko habang papasok kami sa mansyong pagmamay-ari niya. Mukhang wala na talagang atrasan ito. Ginusto ko rin namang sumama sa kaniya kaya kailangan kong panindigan ang desisyong pinili ko, alam kong sa ganitong paraan makakatulong ako, hindi lang sa aking pamilya kung hindi maging sa sarili ko. Nang makababa kami ng sasakyan, hinintay ko pa ang susunod na utos nito kung kaya naman tumayo lang ako sa likuran niya. Hindi ko pa napigilang huwag mapabuntong-hininga nang makita ang malawak na hardin ng mansyon. Parang may kung ano kasing tumutulak sa akin na puntahan ito. "Follow me, Turtle. You'll stay here for the rest of the contract," seryoso nitong sambit. "Okay, Halimaw." Napalunok ako nang lumingon siya sa akin, sobrang sama ng tingin nito. Mabilis namang napalitan ng matamis na ngiti ang mapait na ekspresyon ng mukha ko. "Okay, Sir." Kahit papaano ramdam kong magiging maayos naman ang buhay ko sa mansyon nito. Wala naman itong sinabi sa aking kailangan ko siyang pagsilbihan, gusto lang nito ng pekeng asawa at bagong modelo. Hanggang sa natigilan na lamang ako nang bumukas ang pinto at mabilis kaming binati ng mga kasambahay nito. Ramdam ko ang tensyon na bumalot sa sistema ko nang makitang kakaiba ang mga taong nakatira sa mansyon niya. Bakit magaganda at matatangkad lahat ng mga kasambahay niya? Sinubukan kong lingunin ang mga lalaking nakasakay sa armored car na nakasunod sa amin kanina, humalo na ito sa ibang mga lalaking nakatayo sa gilid. Pati ba naman mga security niya kakaiba din? Lihim na lamang akong napalunok nang makita ang makikisig nitong mga katawan. Maliban doon, nakakatunaw ang tingin ng mga ito at ubod pa ng gwapo. Walang tapon kahit isa, lahat mukhang yummy at nakakatakam. Lord, kung ano man po ang mundong pinasok ko kayo na po sana ang bahala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD