MBMH 5

1436 Words
MAS pinili ni Emerald na maglakad muna sa kalye pagkatapos nang nakakapagod na araw mula sa dami ng kinailangan nitong gawin para mapaghandaan ang nalalapit na engagement party. Gusto nitong magpahangin at sulitin ang huling gabi ng kalayaan bago hayaang matali ang sarili sa mala-halimaw niyang boss s***h fake husband. Pumayag siyang magpanggap bilang asawa ni Mr. Saavedra sa loob ng anim na buwan hindi lamang dahil walang balak ang lalaking pakawalan siya kung hindi sinamantala din nito ang pagkakataong magkaroon ng trabahong maaring makatulong sa kaniyang pamilya. Hindi niya na kailangang magpanggap na maayos ang kalagayan sa Maynila kahit ramdam na ramdam na nito ang hirap at kawalan ng pag-asa pagkatapos mawala ang pinakamamahal niyang trabaho. Ang kailangan lang gawin ni Emerald ay magtiis ng ilang buwan hanggang sa maari na siyang bumalik ng probinsya at magsimula ng isang tahimik at masayang buhay doon. Ngayon tuloy nito napatunayan na asset nga ang angkin niyang kagandahan. Pagmomodelo lang kasi ang pinunta nito sa Goddess Realm pero nakakuha siya ng isang mayaman at ubod ng guwapong asawa. Pabor na sana sa kanya ang lahat kung hindi na isasama sa usapan ang ugali nito. Napayakap na lamang siya sa sarili nang maramdaman ang malamig na hanging humahampas sa kaniyang balat. Imbes na ma-relax mukhang pinasok pa yata siya ng lamig dahil sa dami ng procedure na ginawa ng babae. Kulang na lang tunawin nito lahat ng natitirang baby fats niya sa katawan kanina. Nasa kalagitnaan na nang malalim na pag-iisip si Emerald nang marinig nito ang malakas na busina ng sasakyan sa kaniyang tabi. Sa isang iglap, mabilis siyang bumalik sa reyalidad saka ibinaling ang tingin sa taxing nakahinto sa tapat niya. “Manong, hindi po ako sasakay! Wala po akong pera!” malakas nitong sigaw. Mukha lang mamahalin ang bag na hawak niya at nakakayaman ang arua nito ngayon pero wala talaga siyang pera. Ibinigay niya lahat kay Mr. Saavedra kung kaya naman kailangan niyang tipirin ang limang daang piso para sa pamasahe at pang-araw-araw na pangangailangan. Kahit papaano nagbabakasali na lamang siyang may matatanggap na sahod mula sa lalaki para sa susunod na buwan. Hindi pa rin umaalis ang taxing nakabuntot sa kaniya kung kaya naman mas binilisan nito ang paglalakad. Kung bakit ba naman kasi sunod-sunod ang kamalasang natatanggap niya ngayong araw. Pansin nitong bumukas ang bintana ng taxi saka bumulaga ang mukha ng driver sa kaniyang harapan. Nakangisi pa ito habang nakatingin sa kaniya. “Sumakay ka na, Miss. Hindi bagay sa ganda mo ang maglakad nang maglakad sa kalsada. Baka mamaya bumigay ang mga paa mo sa taas ng heels na suot mo.” Humugot nang malalim na hininga si Emerald saka binalewala ang sinabi nito. Mukhang kailangan niya nang mag-abang ng jeep para makatakas mula lalaking sunod nang sunod sa kaniya. Mas binilisan pa nito ang paglalakad nang mapansing wala pa ring balak sumuko ang taxi driver sa pangungulit sa kaniya. Panay na ang para nito sa mga jeep na dumadaan pero puno na ang sakay ng mga ito. Kung bakit ba naman kasi natapat sa rush hour ang pag-uwi niya. Kung minamalas ka nga naman! Asar na napabuntong-hininga si Emerald saka pinagmasdan ang mga sasakyang dumadaan sa harapan niya. Maliban sa manyak ang isang sunod nang sunod sa kaniya, kailangan din nitong umiwas sa pagsakay ng ibang taxi dahil kailangan niyang magtipid. Hanggang maari kailangan nitong gawin ang lahat para makaiwas sa temptasyon. Pero natigilan na lamang siya nang makarinig ng mas malakas na busina mula sa kaniyang tabi. Binalingan niya ito nang matalim na tingin sa pag-aakalang panibagong taxi na naman itong nangangahas na pasakayin siya. Umawang ang labi ni Emerald nang makita nitong biglang lumipat sa kabilang linya ang mga taxing nakapalibot sa kaniya kanina. Tanging ang mamahaling pulang kotse na lamang ang natitirang nakaparada malapit sa kinatatayuan niya at ang nakasunod ditong dalawang itim na armored car. “Stop staring at my car and hop in!” inis na sambit ni Mr. Saavedra. Nanatiling nakatayo si Emerald habang nakatingin dito. Hindi niya malaman kung anong nararamdaman, kinabahan siya habang nakatingin sa nakabukas na pinto ng mamahaling sasakyang nakahinto sa kaniyang harapan. Bakit kailangan pang magkrus ang landas nila ngayong gabi? “Why are you walking around at this time?” Hindi siya nakapalag nang bumaba si Mr. Saavedra saka hinigit siya papasok ng kotse habang masama ng tingin nito sa paligid. Mabilis na umiling si Emerald sa naisip, imposible namang nakita nito ang taxi driver na gumugulo sa kaniya kanina. Kunsabagay, natural na sa mukha nito ang pagiging galit. "Sinusulit ko lang ang oras bago ako matali sa 'yo," nakangiti niyang wika sa mahinang boses. Kumunot ang noo ng lalaki saka napahigpit ang pagkakahawak sa manibela. "May sinabi ka ba?" Humugot ito nang malalim na hininga bago ngumiti. Pinagmasdan niyang mabuti ang suot ni Mr. Saavedra. Kung hindi niya lang alam na CEO ito ng isang modeling agency mapagkakamalan niya talagang modelo o sikat na artista ang lalaki sa suot nitong casual attire. "Nagpahangin lang po ako, Sir." Tumutok ang tingin nito sa kaniya saka bumuga ng marahas na hangin. Para bang kinikilatis nitong mabuti kung nagsasabi siya ng totoo. "Are you planning to ruin our engagement by running away?" Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa. Isang maliit na handbag lang ang hawak niya at five hundred pesos tapos pagdududahan pa nitong tatakas siya? Hanggang saan aabot sa pera niya...sa pier? Gwapo pa naman sana ang halimaw na katabi niya pero medyo mahina pala ang kokote nito. "Wala akong pera para umuwi ng probinsya at takasan ka, Mr. Saavedra. Pumunta ako ng Goddess Realm para maghanap ng trabaho dahil walang-wala ako," ani Emerald saka tumingin dito. Hiling lamang niya na sana lumambot ang puso ng lalaki at ibigay nito ang advance p*****t para sa unang buwan ng kanyang pagpapanggap. Para naman magkaroon ng laman ang sikmura niya at sipagin sa pagtatrabaho. "Give me your wallet," anito. Inilahad ni Mr. Saavedra ang kamay habang masama ang tingin. Mukhang wala talaga itong balak magtiwala sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Kailangan pa talaga nito ng pruweba bago maniwala na wala talaga siyang kakayanang takasan ito. Mapait siyang ngumiti saka nagdadalawang-isip pang kunin ang kawawa niyang wallet sa loob ng bag. "You move like a turtle!" singhal nito saka inagaw ang hawak niya. Mukha ka namang halimaw! Muntik niya na itong panlakihan ng mata, mabuti na lang at napigilan ni Emerald ang sarili. Hindi na lang ito umimik saka ibinalik ang atensiyon sa kamay ng lalaki. Nanatili siyang tahimik habang abala si Mr. Saavedra sa ginagawa na para bang hinahalungkat nitong mabuti ang bawat sulok ng wallet niya. Walang imik ang lalaki pero masyadong busy ang kamay nito habang nakakunot pa ang noo. "Fvck!" "B-Bakit, Sir? May problema po ba?" Kinuha nito ang nag-iisang five hundred paper bill sa wallet niya saka pinakatitigan. Ibinalik pa nito ang tingin sa kanya na para bang hindi ito makapaniwala. "How can you survive a day with this sh*t?" tanong nito. Biglang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Ibinalik ko po sa inyo lahat kasama ang kinita ko sa pagmomodelo last time. Allowance ko na po sa isang buwan ang sh*t na iyan." Hindi agad na nakasagot si Mr. Saavedra, para bang natameme pa ito ng konti sa sagot niya. "You are walking because you don't have money? Why didn't you tell me?" At bakit niya naman sasabihin dito? Tinanggap nga nito ang ibinalik niyang pera nang walang tanong kanina. "Paano kung ma-kidnap ka? Are you that numb?" Huminga siya nang malalim saka matiim itong tinitigan. He's unbelievable! "Wala po akong pera, Mr. Saavedra. Sa tingin mo may magtatangka pa sa akin?" aniya saka napailing. Kanina nagdududa itong baka tatakas siya, ngayon naman iniisip nitong may taong magtatangkang kumidnap sa kaniya. Baka nga umiyak pa ang mga kidnapper kapag nakita nitong hindi man lang umabot ng isang libo ang pera sa wallet niya. Masyado talaga itong advance kung mag-isip. "I made an announcement about the engagement party and I'm going to tell you my rules tonight. You're marrying me, natural lang din na kailangan mong mag-ingat mula sa mga kidnappers." Humugot nang malalim na hininga si Emerald. "Alam kong mayaman ka pero—" natigilan ito nang makitang binuksan ng lalaki ang bintana ng kotse saka ihinagis ang five hundred pesos na pinaghirapan niya. "Anong ginawa mo?!" Kulang na lang bumaba siya ng sasakyan para sundan ang perang tinapon nito. Sumibol naman ang mayabang na ngiti sa labi ng lalaki saka mahinang natawa. "From this day onwards, you are staying in my mansion. Sa tingin mo ba hahayaan kitang humawak ng small bills?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD