MALAMIG pa sa yelo siyang pinagmasdan ni Mr. Saavedra habang nakaupo ito sa isang mamahaling itim na swivel chair habang tahimik naman siyang nakatayo sa harapan nito. Simple lang ang ibinigay na instruction ng lalaki sa kaniya ngunit muntik na siyang mahimatay nang pumasok sila sa silid na kinaroroonan.
Ipapaliwanag daw nito ang rules at iba pang nakasaad sa kontratang pipirmahan niya, kasama na doon ang gagawin ni Emerald sa loob ng anim na buwan at ang benepisyong matatanggap niya pagkatapos makuha ng binata ang mamanahin nito mula sa kaniyang lolo at lola.
Pero bakit kailangan pa siya nitong dalhin sa isang kwarto na talaga namang gumulat sa kaniya at umagaw sa natitirang lakas ng katawan nito?
Mula sa kinatatayuan ni Emerald kitang-kita niya ang mga gamit na naka-arranged nang mabuti sa paligid. Hindi naman siya naging ignorante sa mga bagay na ito dahil minsan niya rin itong nakita noon sa search history ng dating nobyo. Hindi siya maaring magkamali na handcuffs, blindfolds, collars and chokers, electric wands and pleasure-seeking instruments ang laman ng silid.
"Hindi ba't pipirma lang po ako ng kontrata, Sir? Bakit niyo po ako dinala dito?" inosente niyang tanong para mailihis ang atensiyon mula sa mga gamit na sumusunog sa kaniya mga mata.
Para naman itong timang na tumawa sa kanyang harapan. "I just want to show you my collection."
"Talaga?" diskumpyado niyang tanong.
Kung akala nito madadala siya sa simpleng pambobola, pwes hindi. Hindi niya maaring balewalain ang nakita sa labas kanina. Siya pa naman iyong tipo ng tao na hindi madaling paikutin lalo na't natuto na siyang lumaban at mag-isip nang mabuti magmula noong maging modelo siya.
Humugot si Emerald ng malalim na hininga saka lihim na napalunok.
"Dinadala niyo po ba sa kwartong ito ang mga katulong niyo?"
Sa mga mata niya, maliban sa mga BD$M equipments nagmukha ding koleksiyon ng lalaki ang mga kasambahay nito. Sino ba namang matinong lalaki ang kukuha ng magaganda at matatangkad na mga babae para hayaan lang na gumawa ng mga gawaing bahay? Hindi naman siya bulag para hindi malaman ang totoong motibo sa selection nito.
"What are you talking about? Ako? Magdadala ng mga katulong sa kwarto ko? You are giving me goosebumps, Turtle!" hindi makapaniwalang sambit nito.
Dumilim ang mukha ni Mr. Saavedra na talaga namang nagpabilis sa t***k ng puso ni Emerald at dumagdag pa tuloy ito sa kabang nararamdaman niya. Kung hindi nito dinadala ang mga katulong sa silid, possibleng nakakasiping nito ang mga babaeng nahihibang sa kagwapuhang taglay niya.
"This is my comfort zone. I love spending time with my collections and staring at them is my hobby."
Staring? Ibig sabihin ba hindi nito ginagamit ang koleksyon sa mga babaeng pinagpapantasiyahan? Dapat niya bang ikonsiderang good news ang narinig o mas lalong kabahan dahil sa kakaibang hobby ng lalaki?
"Let's keep the ball rolling," wika nito saka may kinuhang folder sa gilid ng mesa.
Kulang na lang malunok ni Emerald ang mga ngipin niya dahil sa kabang nararamdaman. Bumabalik sa alaala niya nang minsan itong nakapanood ng isang erotic dark romance movie kung saan may kontrata ding pinirmahan ang babaeng bida. Pakiramdam tuloy nito hindi nalalayo ang magiging kapalaran niya sa female lead noon.
"Have a seat," sambit ni Mr. Saavedra.
Kanina pa siya nakatayo, ngayon lang nito naisipang paupuin siya kung kailan nanlalambot na ang mga tuhod nito sa nababasa. Nakonsensya siguro.
Wala pa namang masamang nakasulat sa kontrata pero parang dudugo na ang ilong niya sa halaga at mga benepisyong nakalagay doon.
"Totoo bang one hundred thousand ang magiging sahod ko monthly?" tanong pa nito.
"Dalawa ang magiging trabaho mo kaya minabuti kong gawing isahan ang rate. Isn't it enough?"
Nagtama ang mga mata nilang dalawa habang nakaawang pa ang labi niya dahil sa tumataginting na sahod. Sinong makukulangan sa offer nito? Higit pa nga ito sa inaakala niya. Pakiramdam nga ni Emerald sasabog na ang ulo niya dahil sa sobrang taas ng magiging sahod nito.
Humugot siya nang malalim na hininga saka unti-unting sumibol ang tipid na ngiti sa maninipis nitong labi. Malaking tulong na ang magiging sahod sa kaniyang pamilya at hindi malayong umasenso ang buhay nila bago pa man matapos ang anim na buwan niyang kontrata. Kung tutuusin hindi naman magiging mabigat ang trabaho niya, challenging lang ito dahil sa ugali ng lalaki at syempre, madudungisan ang record niya dahil sa annulment na mangyayari sa pagitan nilang dalawa pagkatapos.
"Sapat na po ito," aniya.
"Fine. You are going to be my fake wife and my new model. Are you ready to have seductive and daring photoshoots? I'm going to line you up on those projects for more exposure."
Parang gusto na lang nitong mawala na parang bula nang marinig ang sinabi ni Mr. Saavedra. Simula nang maging modelo siya, hindi niya na mabilang kung ilang beses siyang naging modelo ng alak at lingerie brands pero hindi pa rin nawawala ang hiyang nararamdaman niya, naglalaho lamang iyon sa tuwing nasa harapan na siya ng camera.
Kaya naman sa tuwing nasisilayan nito ang resulta ng pinaghirapan, palagi niyang kinikilala ang sarili sa harap ng salamin.
"Don't worry, I won't allow you to do naked shots for a men's magazine. You’ll be my wife, protecting your image is a top priority for me."
Seryoso ang pagkakasabi ng lalaki na para bang biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Pakiramdam tuloy ni Emerald magkakasundo naman silang dalawa sa ibang aspeto.
He's a businessman, Emerald. Natural lang na seryoso ito pagdating sa negosyo. It has nothing to do with you, aniya sa isip.
"But as my wife, I won't tolerate any mistake. Trabaho mong maging mabuting asawa sa harapan ng mga magulang ko. I want you to convince everyone that you married me because of my positive aspects," madiin nitong sambit.
Napabuga nang marahas na hininga si Emerald saka ilang segundong nag-isip, may positive aspect ba siyang nakikita dito? Hinawakan niya ang sintido at bahagyang hinilot sa harapan ng lalaki.
"Pwede niyo po bang sabihin sa akin kung ano ang mga positive aspects niyo, Sir?"
Kumunot ang noo nito. "You should tell them yourself! Why are you asking me?"
Saglit nitong ipinikit ang mga mata para pag-isipang mabuti kung ano nga ba ang maari niyang magustuhan sa lalaki. Maliban sa guwapo nitong mukha, ang natitira pang asset nito ay ang malaki at mahabang bagay sa loob ng pantalon. Wala na siyang maisip na iba.
Problemado niya itong tinitigan saka napabuga ng marahas na hininga.
"W-Wala po akong makita."
Hindi man lang kumurap ang mga mata ni Mr. Saavedra.
"Are you sure?" inis nitong tanong sa kaniya.
Senigundahan niya ng mabilis na pagtango ang sinabi.
"What the fvck! Are you blind? Sinasabi mo bang wala kang makitang mabuti sa katauhan ko? You're unbelievable, Ms. Emerald Constantine!" singhal nito. Muntik pa itong mapasabunot sa sariling buhok pero mabuti at sa mesa lang nito nailabas ang matinding frustration na nararamdaman.
Muli nitong ibinaling ang tingin sa kaniya na nagpamulat sa mga mata ni Emerald.
"I'm extraordinarily handsome and hot. I'm rich and powerful. I'm living every poor man's dream. Hindi pa ba sapat ang mga bagay na iyon para maging positive aspect ko?" hindi makapaniwalang tanong nito habang nakalatag pa rin ang mga kamay sa kaniyang harapan.
Malungkot niyang tinitigan ang mga mata ng lalaki saka napabuntong-hininga.
"Can you consider those things as your positive aspect, Mr. Saavedra?"
Bigla na naman itong natameme sa harapan niya. Parang umurong agad ang dila nito.
"Of course! That's given!" anito nang tuluyang makawala sa pagkagulantang sa sinabi ng dalaga. Bumalik sa pagiging mayabang ang tono ng pananalita nito.
Mas lalong sumibol ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Emerald, pakiramdam nito wala na talagang pag-asang magbago ang halimaw na nasa harapan niya.
"Hindi ba pwedeng mag-isip ako ng mas mabuting rason kung paano makukumbinsi ang mga magulang mo? If I'll tell them that I fall in love with you because you're handsome and rich, ano pang pinagkaiba ko sa isang gold digger?"
Humugot siya nang malalim na hininga saka ngumiti.
Kahit sabihing pera naman talaga ang habol niya nang tinanggap ang alok ng lalaki at walang pinagkaiba ang ginawa niya sa isang typical na gold digger, hindi naman siguro masama kung gagawin niyang makatotohanan ang pagpapanggap sa harapan ng pamilya nito, 'di ba?
"Ni minsan hindi ako pumalpak sa trabahong ibinigay sa akin, Mr. Saavedra. At iyon ang dahilan kung bakit tumagal ako sa industriyang ito bilang isang modelo kahit hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo," madiin ang pagkakasabi niya ng mga salita na para bang may kasamang sermon sa lalaki.
Bumagsak ang balikat ni Mr. Saavedra. "Fine, I'll let you decide on that matter but you need to follow my command on the other hand."
Makahulugan nitong pinagmasdan ang kaniyang katawan na para bang sinisipat nito ang kaniyang kabuuhan.
"Anong gusto mong ipagawa sa akin, Sir?" tanong niya nang mapansing tumayo ang lalaki sa kinauupuan at mabagal na naglakad papalapit sa kaniya.
He grinned at her. "Stand up and follow my command."
Kahit kinakabahan, pinilit nito ang sariling tumayo at sundin ang pinapagawa ni Mr. Saavedra.
"You're beautiful, Emerald."
Nagsitayuan lahat ng mga balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang malamig na palad nitong dumapo sa kaniyang balikat. Hindi agad na naka-imik si Emerald dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kaniyang sistema, bumalik tuloy sa alaala nito ang nangyari sa biyahe nila kung saan nakita ng lalaki ang magkabila niyang dibdib. Ano kayang binabalak nito?
"Call me, Knight."