Emerald Ramdam kong ginawa ni halimaw ang lahat para makabawi sa akin. Halos mahimatay din ako sa kilig dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi subuan ako habang kumakain kami ng tanghalian kanina. At kahit anong gawin ko, tinutukso pa rin kami ng lahat dahil sa sweetness na ipinaparamdam niya sa akin. Wala naman akong nagawa nang hiniling nito na manatili muna kami ng resort at bukas na lang daw kami dadaanan ng mall para magkaroon ng sapat na oras ang pamilya ko na makapag-ikot doon. "Can you take care of this card for me, Darling?" Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi nang makitang nakasulat doon ang kanyang pangalan. At nahigit ko na lamang ang aking hininga nang mapansing hindi ito simpleng debit card lang dahil alam kong walang katumbas na halaga ang limit ng black card na pina