Emerald "Puro talaga kalokohan ang mga pinagsasabi mo, Calix. Lasing ka na't lahat-lahat, pasmado at makasalanan pa rin ang bunganga at mga mata mo." Huminga ako ng malalim saka nilingon ang halimaw kong asawa. Kita ko naman na nagpipigil siya ng tawa dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Kunsabagay, sino ba naman kasing hindi matatawa sa mga linyahan ni Calix? "Damn it! Totoo nga ang nakita ko! Paniwalaan niyo naman ako kahit ngayon lang," may pagda-drama nitong sambit. Lihim akong natawa dahil sa sinabi ni Calix. Buong akala ko pa naman, mahimbing na ang tulog ng mga ito sa kanilang kwarto dahil mas nauna pa silang nalasing kesa kay halimaw kanina. Hindi ko alam na ugali pala ng mga ito ang maligo sa dagat at gawing gamot sa kalasingan ang malamig na tubig-dagat. At parang mas lu