Emerald "Emy!" Mabilis akong bumaling nang tingin sa halimaw kong asawa saka kinuha ang hinubad kong shawl mula sa kamay nito nang marinig ko ang boses ng taong papalapit sa aming kinatatayuan. Naglaho na parang bula ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang suot na floral beach shorts at white sando ng duwendeng si David. Ayoko siyang tawagin na Vice Mayor at baka mamaya mawalan pa ako ng respeto dito kapag nag-umpisa na naman siyang magyabang sa harapan namin. Nakita kong bumaba naman ang mga mata ni halimaw sa akin saka pinagmasdan akong mabuti habang nakakunot ang kanyang noo. "Why is that damn flower pot walking towards us?" kunot ang noong tanong ni halimaw saka sumama ang tingin dito. "That fvcking a$shole is a living eyesore. At sino ang tinawag niyang Emy? Ikaw ba 'yo