HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni Ethan, simula no'ng huling beses namin'g magkasagutan sa restaurant. Tatlong araw na rin ang lumipas at hindi niya rin sinubukan'g makipagbati saakin. Hindi ko rin kasi maintindihan ang aking sarili kung bakit nasasaktan ako sa mga sinabi niya kay Jazz. Marahil ay hindi pa nga talaga ako nakaka-move on. Lalo pa ngayon na dinadala ko ang anak namin ni Jazz, paniguradong mas lalo ko lang siyang maa-alala. "Are you done with the designs friendship?" Ani Pauline. Kailangan ko na kasi itong maipasa lahat para sa gaganapin'g fashion show next week. "Yeah. Naipasa ko na rin at nakausap ko na ang boss natin." "Good. Makakapagrelax ka na." "How about you?" balik tanong ko sa kanya. "Naipasa ko na rin. At sana, mapili ang mga des