ILANG beses na akong humikab simula pagdating ko sa office. Pa'no kasi ay madaling araw na kami natulog ni Pauline dahil sa kakaisip ng puwede namin'g gawin sa kasal nina Lea at Ethan. Nakadalawang tasa na rin ako ng kape pero pakiramdam ko ay hinihila talaga ako ng higaan. Napagdesisyunan kong umidlip muna saglit habang wala pa si Mr. President. Ngunit, hindi sinasadyang napasarap na ang tulog ko. Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kong may nag-alis ng salamin sa aking mga mata. Dahan-dahan akong nagmulat at gayo'n na lamang ang aking pagkagulat matapos kong mapagsino ang lalaking naririto ngayon sa aking harapan. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para lang masigurado na totoo nga ang aking nakikita. "Siya talaga eh!" bigla ay naibulalas ko. "Oh, ba't parang hindi ka yata