HINDI ko namalayan na may tumutulo na pa 'lang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Lea sa aisle. Buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko ang gan'tong eksena, ngunit heto at pakiwari ko ay may nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga lalo na ngayon'g nagsisimula na ang seremonya ng pari. "Are you okay?" anang tinig ni Jazz na hindi ko namalayan'g nakalapit na pala saakin. "Friendship, okay ka lang?" dagdag rin ni Pauline. Tinanguan ko lang sila. Pagkatapos ay wala sa sariling naglakad ako papalapit sa ikinakasal. Batid kong nakatingin na saakin ang lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan. Subalit balewala lamang 'yon saakin. Dinig kong tinatawag ako nina Pauline at Jazz ngunit, hindi ko sila pinag-aksayahan ng panah