KINABUKASAN ay tinanghali ako ng gising. Kung hindi pa ako nakarinig ng sunod-sunod na pag busina ng sasakyan, marahil ay mahimbing pa rin ang aking tulog. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at sinilip ko muna sa bintana kung sino nga ba ang may kagagawan ng ingay na 'yon. Sisigawan ko sana ito dahil akala ko ay si Pauline na naman at balak akong asarin. Subalit, nagulat ako ng kotse ni Jazz ang nakita ko sa labas. Hinila ko kaagad ang tuwalyang nakahanger at pagkatapos ay hinubad ko rin ang suot ko sa paa. Nakakahiya kasi na makita niyang hindi pa ako nagbibihis simula kahapon. Kapagkuwa'y tinungo ko na ang pintuan at pinagbuksan ko siya. "Naku, sir...pasensiya na, tinanghali ako ng gising. Buwisit kasi 'tong si Pauline eh, hindi man lang ako ginising bago siya umalis." Nakangusong pah