CHAPTER 20

1014 Words
AIRA POV "Ah, ganun po ba sir? Sige po, pwede na kayong makauwi," pag papaalam ko pa. "No! Anong papauwiin? Bakit naman papauwiin mo pa ako eh kakarating ko lang dito? Are you not going to offer me some coffee or food?" Aba akala niya ay kung sino siya maka demand sa akin? Eh for all I know, hindi niya ako na inform na pupunta siya ngayon dito sa bahay ko. Let alone, mag kakape pa so I just feel so disgusted. All of a sudden ay bigla na lang siyang pumasok sa loob ng apartment ko na parang hindi niya ako nakikita. Umupo siya at tumingin sa paligid na parang nag oobserve ito. "I don't like your house. Kung wala ka dito, hindi ko iisipin na isang babae ang naka tira dito. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang yung hindi malinis." "Aba, malay ko ba na pupunta ka dito-" "So ibig sabihin ay madumi ka talagang tao at kung di pa ako pupunta ay di ka mag lilinis? Yan ba ang gusto mong sabihin sa akin ha?" pambabara niyang muli. Nauurat talaga ako sa kanya. Kung di ko lang talaga siya boss, sisiguraduhin ko sa kanya na kinaladkad ko na siya palabas sa lugar na ito. Pero hindi, kailangan ko pa rin siyang irespeto. "Black coffee ba?" "Oo, no sugar na kape," sagot niya sa akin. While preparing his coffee, he suddenly blurted out a question. "Teka lang? Kamusta na pala kayong dalawa ni Peter? Yung ex mong iniwan ka sa ere!" Nainis ako sa sinabi niya kasi ang sakit sakit pa rin nang nangyari sa akin. "Hindi na ako papasok sa school so wala na kaming communication. Nasa sa kanya na lang ito kung ipapasa niya ako sa pag aaral ko o ibabagsak," ani ko. "Ano? Bakit mo naman ihihinto ang pag aaral mo ha? Alam mo bang sobrang importante sa trabaho mo na makapag tapos ka? And what? Just because mayroon kayong pag aaway, balak mo pang ihinto ang pag study mo? Ang babaw ng dahilan mo, Aira!" "Sinasabi mo yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Look, wala na kaming dalawa ni Peter. Nag punta siya nang nakaraan dito sa apartment ko pero as a result, hindi maganda ang naging pag uusap naming dalawa." "Is that even enough reason para huminto ka ng pag aaral? Sabagay, ganyan din ang ginawa mo ngayon sa akin kaya di na ako nag tataka pa." Hindi ko hinalo ang kape niya, dinala ko ito at tiningnan ko siya ng masama. "Sir, just mind your own business! Yes, I am your employee pero it does not mean po na mangingialam kayo sa buhay ng ibang tao," I said with a brave face. In spite of what I have said, naka ngiti pa rin siya sa akin. He grabbed his coffee and spoke, "Pasensya ka, mahilig talaga akong mangialam sa buhay ng mga taong mahalaga sa akin. So, as your boss, I cannot allow you to stop your studying!" "What! Ano to ha? Name mersonal ka na ngayon sa akin Boss Jordan?" "I do not want to repeat myself. Basta, believe it or not, para sayo din ang ginagawa kong ito. Mag aral ka and make yourself proud. If you want, I can talk to Peter and tell him to stop harrassing you. Or much better kung magta transfer ka sa ibang school," ani niya. Aba! Tingnan ko nga kung magiging seryoso siya dito. Baka mamaya ay nagpapa impress lang siya sa akin but in reality ay hindi niya talaga ito gagawin. "Sige nga, kausapin mo siya, if totoo ang sinasabi mo sa akin, then you will not hesitate to do this. Medyo mainitin ang ulo ni Peter at ayaw ko nang makipag usap sa kanya. Oo, andoon pa rin yung pag mamahal ko sa kanya at matagal pa ito bago mawala. But if you can help me with this problem, then I will be happy." Ininom niya yung kape at natawa ako kasi hindi ko ito hinalo. But him, para bang wala lang sa kanya na mapait ang lasa nito. Nilapag niya ang kape matapos humigop ng ilang beses. "I don't do it for free, you also need to return the favor, I am not really into negotiating with the people I don't know. But I will make an exemption this time since gusto kong pakialaman ang buhay mo." "Kondisyon? At anong kondisyon naman ang gusto mo ha? Imposible namang pera kasi mayaman ka na, sir!" Bigla na lang nag iba ang tingin niya sa akin. Gutay gutay pa ang buhok ko at hindi pa ako naliligo. Napabayaan ko na ang sarili ko dahil lang sa kinabaliwan ko ang isang lalaki na kagaya ni Peter. "Let's have s*x-" "Pass!" I snapped, akala niya siguro ay kaya niya akong daanin sa mga pa simpleng mga banat na ganito. "Alam mo boss, ang mabuti pa ay umalis ka na rito kasi hindi mo ako ulit mai iskoran. Wala ako sa mood ngayon, di pa nga ako naliligo eh." Binuksan ko pa ang pintuan at tinarayan ko siya ng tingin. "Ano ha? Aalis ka dito o ipapatawag ko ang guard para palabasin ka?" "I am not going to leave." he answered, naiinis ako sa ngiti niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya kung ano ang gusto niyang gawing trip sa buhay. Kumuha ako ng panty, bra, damit at shorts upang maligo na lang. Mag gagala na lang ako sa baba, sure akong aalis din siya dito kapag umalis ako. Habang naliligo ako, napapa isip ako kung ano ang pwedeng ginagawa ngayon ni Sir Jordan sa labas. Pwedeng nagse selpon siya o baka naman ay may iba siyang ginagawang kababalaghan. Nang sisilip pa lang sana ako sa pinto ay nakita ko siyang nag liligpit ng aking kwarto. Aba! Nagugulat ako sa nakita ko, parang ang tiyaga tiyaga niyang linisin itong bahay ko kahit na di ko sina inoobliga. Bahala siya sa buhay niya, basta ako, tatagalan ko lang ang pag ligo ko at lalabas lang ako kapag natapos siyang mag linis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD