AIRA POV
Napa sandal ako sa dingding habang umaagos ang tubig ng shower sa hubad kong katawan. Ngayon, lumilipad ang utak ko sa nangyari sa aming dalawa ni Peter. Sobrang nang hihinayang lang din ako sa ilang taon na pinag samahan naming dalawa. At hindi ko pa rin lubos na matanggap na sa isang iglap lang ay nawala ang spark ng relasyon naming dalawa.
As soon as I nod my head, kasabay nitong pumatak ang luha sa aking mga mata. Ngayon pa talaga ako nag emote nang ganito, ngayong may ibang tao pa dito sa apartment ko.
Kung pwede ko lang ibalik yung nakaraan, sana pala ay binigay ko na lang ang sarili ko kay Peter. Sana noon pa lang ay nagpa buntis na ako sa kanya so he would not disappear and leave me alone.
Punong puno ako ng panghihinayang ngayon, kaya masakit lang din siguro ang loob ko ay dahil sa puro mga masasayang araw ang gumugunita sa akin. Gusto ko na ngang mag move on sa nangyaring ito dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. This pain is not going away... not unless makalimot ako.
Speaking of which, I have not drink in quite some time. At since nandito na rin si Boss Jordan, sure akong uhaw din ang kanyang lalamunan sa alak.
Sakto ito, I think he is going to drink with me right now. And since nilinis niya ang aking kwarto, I am going to treat him. Kahit na ilang bote lang ng alak.
Pag labas ko ay nakita ko na ang linis na ng aking kwarto. Ang layo layo na nito sa hitsura nito kanina na sobrang dumi at sobrang kalat. But what really shocked me is sir Jordan. Naka hubad siya ng kanyang damit at pantalon, Naka suot lang siya ng boxer brief na puti at pawis na pawis ang kanyang katawan.
He was so hot as f**k! At halos lumuwa ang mga mata ko sa mga sandaling ito. I have never thought na feeling at home na at home siya sa bahay ko kahit na ngayon lang siya nag punta dito.
"Hoy! Sino ang nag sabi sayo na mag hubad ka dito sa bahay ko?" pag suway ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at pinunasan niya ang kanyang pawis sa kanyang noo gamit ang kanyang siko. Mas lalong lumuwa ang mga mata ko.
"Anong magagawa ko eh ang init init dito sa apartment mo? You could have bought an aircon, kahit sarili mo na lang ay tinitipid mo pa!" masungit niyang reply sa akin.
Mainit naman talaga dito sa loob ng apartment ko kaya kapag di ko ito kinakaya, talagang nag huhubad ako ng suot at binubuksan ko ang bintana.
"Wow! E sino ba kasi ang nag sabi sayo na mag linis ka dito ha? Kung ayaw mo sanang maka kita nang mga kalat, pwede ka sanang umuwi."
"Look, I know you have been so broken. Lalo na at matagal din kayong dalawa ni Peter. I know exactly how it feels to be in that situation. But here is the thing, hindi mo lang ako boss. Pwede din tayong maging mag barkada."
Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niyang ito sa akin o gusto niya lang kuhain ang loob ko. But either way, I was about to say the same thing.
"Sige, since nilinis mo itong bahay ko, fine let us drink here. Ako na ang bibiili ng alak sa baba. Kaya lang, pag tapos ng dalawang bote, you have to return to your home. I just need a company for a while, and I am not really into whatever you are thinking right now."
I want to be frank with him kasi sure akong kapag may alak ay may balak siya. I am done giving myself to someone I don't love. After what happened between me and Peter, hindi na ako papayag na ipamigay ko pa ang sarili ko sa ibang tao.
"No let me do it, baka wala ka nang allowance niyan. Mas mayaman ako sayo kaya ako na ang sasagot ng beer natin. Just wait here, maliligo lang ako."
"Maliligo? Ano ito uuwi ka pa para maligo ha?"
"Anong uuwi, bakit pa ako uuwi kung pwede naman akong maligo dito? Uulitin ko na lang ang damit ko. Hindi ko lang talaga gusto na pag pawisan ako."
Ang arte arte ng lalaking ito. Eh kahit naman siguro pag pawisan ang katawan niya, mukha pa rin siyang mabango. Bahala na siya sa buhay niya. Hinayaan ko lang siyang maligo sa cr.
Nang mahiga ako sa kama ko, ngayon ko lang napansin na pabango ko ang ginamit niyang pang spray. Ang mahal mahal pa naman ng pabangong ginagamit ko at limited edition lang ito. Hindi na makakapag hintay pa ang galit ko kaya tahasan na akong kumatok sa pintuan ng cr.
"Hoy sir Jordan! Lumabas ka, mayroon ka pang kasalanan sa akin!" galit kong saad habang kinakalabog ko ang pintuan ng cr.
"Ano ba, naliligo ako! Baka pwedeng mamaya ka na," sigaw niya galing sa loob ng cr.
"Sino ang nag sabi sayo na mag spray ka ng pabango dito sa loob ha? Alam mo bang ang mahal mahal ng pabango ko at tinitipid ko ito para di agad maubos? Grabe noh? Sobrang at home na at home ka dito sa bahay ko? Ako na may ari, ako pa ang nahihiya sayo eh!"
"Ang babaw ng problema mo! Hindi mo na naamoy yung bed sheet ng kama mo? Ang panghi panghi kaya? Kung tutuusin nga ay masangsang sa ilong yung amoy ng pabango mo kaya lang wala kang ibang pabango dito sa loob. Buti kinakaya mo yung ganitong amoy?"
Gigil na gigil ako sa kanya! Lagot talaga siya sa akin kapag lumabas siya, hindi ko talaga gusto na pinapa kealaman ang mga gamit ko eh. Nasa pintuan lang ako, naka simangot habang hinihintay ko siyang lumabas. Inihahanda ko na ang mga sasabihin ko sa kanya sakaling lumabas pa.
Daig pa niya ang mag nanakaw sa lagay niyang ito! Feeling niya kahit na boss ko siya ay gagawin na niya kung ano ang mga gusto niya!