CHAPTER 16 NAG-INAT SI Patrick at pinatunog ang daliri sa kamay. Maling oras ang pinili ng mga siraulong ito para guluhin ako. Lumabas siya mula sa basag na salamin ng Jollibe at naglakad nang swabe. Hindi alintana sa kanyang mukha ang panganib na kahaharapin lalo na ngayong napipikon siya sa mga papansing sumisira ng gabi niya. Susugod na sana siya sa isa mga lalaking nakasuot ng suit at aambahan ng suntok ngunit may biglang humarang kaya hindi niya naituloy ang pagsuntok. "Judith!" gulat niyang tanong. "Ano na namang kalokohan ‘to?" nagtitimpi siya sa galit. Sobra na ang pagiging obsessive nito para pamanmanan siya. "Ganyan mo ba batiin ang girlfriend and soon to be fiancée mo?" nakataas ang kilay nitong tanong. Hindi pa nakontento ang babae at humalik sa kanyang pisngi.