Chapter 15

2419 Words

CHAPTER 15   NAKAILANG BALIKWAS at tayo na si Pink sa hinihigaang kama sa hospital ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kaya napagdesisyonan niyang lumabas na lamang. Hindi niya pa pwedeng puntahan ang ate niya dahil marami pang pagsusuri na ginagawa rito. May mga naka-kabit ding aparato rito ngunit tatanggalin na bukas. Maraming nakabantay na armadong lalaki sa pintuan para masigurado ang kanilang kaligtasan.   Hinahanap niya ngayon si Patrick para makapagpasalamat. Sabi kasi ng doktor kung hindi raw dahil sa gamot na ibinigay nito ay maaaring sumuko na ang katawan ni ate niya dahil sa lason.   Masigla na ulit ang katawan ni Pink matapos makapagpahinga at makakain nang tama. Kaya maging ang mga tao sa hospital ay nginingitian niya pa at binabati.   "Hello po, Ate Nurse!" 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD