CHAPTER 17 NATATARANTA si Pink. Wala na ang kapatid sa dating kwarto nito nang bumisita sila kinaumagahan. Magkakasama silang tumuloy sa katabing hotel ng hospital para makatulog nang maayos ang mga bata. Nalaman kase nilang sa bangketa natutulog ang dalawa dahil pinalayas na ang pamilya ni Miko sa inuupahang apartment. Pinuntahan niya ang sumunod na kwarto pati na rin ang sumunod pa ngunit bigo siyang makita ang hinahanap. "Dapat hindi ko na siya iniwan!" tutop niya ang kanyang sintido habang nagsasalita. Puno rin ng kaba ang kanyang dibdib. “Nasaan ang ate ko?” "Pink, baka nailipat siya sa ibang kwarto. Huminahon ka muna." Pinapakalma siya ni Patrick. "Huminanahon? Paano ako hihinahon!" napalakas nang bahagya ang boses niya. "Paano kung... nalaman ni Tita Helga na na