Chapter 2

1917 Words
Chapter 2 NARAMDAMAN ni Violet ang matinding pag-ikot ng mundo niya. Patuloy na inaalog ng kapatid niya ang kama. Ito lang naman ang may kakayahang abalahin ang mahimbing niyang pagkakatulog. Umikot siya pakaliwa upang makalayo rito. Ngunit walang makakapigil sa kakulitan nito.   "Ate, gising na!" isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Gising na sabi!”   Alarm clock, ito na naman po tayo. Wika niya sa isipan.   Kailan pa kaya ako masasanay sa kapatid kong talak nang talak? Pagkatayo niya pa lang ay may naramdaman na siyang masakit sa katawan. Napadaing siya nang bahagya ngunit binalewala iyon.   "Dreams... idiot dream." Ngumisi siya nang maalala ang panaginip. Nag-ala ninja raw siya at gumawa na naman ng katangahang stunts.   Lumapit pa lalo si Pink sa kanya habang naka-pamaywang. "Panaginip ka riyan ate? Lelang mo ‘no! Tumakas ka na naman kagabi, hindi mo ba natatandaan? Ang kulit-kulit mo kamo—ate naman!" hindi na masabi ni Pink ang iba pang litanya dahil tinakpan ni Violet ang bibig nito.   Hindi siya makapaniwala "Really? But why I am in the bedroom and not at the warehouse, huh?" Hinahamon niya ang kapatid na magsabi ng totoo.   Tinakpan niyang muli ang bibig nito nang tangkain ni Pink na magsalita nang sobrang lakas. Nang mapansing hindi na makahinga ang kapatid ay saka niya lamang tinanggal ang kamay.   "Bumagsak ka kaya kagabi habang salita nang salita si Tita Helga. Gusto ko pa nga sanang ipadala ka sa hospital kasi nag-aalala ako sa ‘yo, kaso hindi pumayag si Tita Helga. Kaya sabi ni Ate T-Rex—ay Angela na lang pala! Ipasok ka na lang daw sa kwarto mo kasi mukhang pagod ka na raw at hinang-hina. Magpahinga ka na lang daw,” paliwanag nito sa kanya.   "May awa pa pala ang babaeng T-Rex,” patukoy niya sa anak ng madrasta nilang si Helga. Kapatid nila ito sa papel na nagpahirap pa lalo sa komplikado nilang buhay.   Tumango si Pink bilang pagsang-ayon "Oo naman, mabait naman si Ate T-Rex—ay Angela pala! Mabait kapag hindi galit."   Naniningkit ang mga mata nila habang nag-iisip. Magkapatid nga talaga. Natawa siya sa itsura nito. Lutang na naman si Pink.   "Ewan ko ba kung anong nakain niya at nagpakabait, o may sumapi lang ata sa kanya," natahimik saglit si Violet. Mabait naman pala kahit papano si Rex, I'm sure na naimpluwensiyahan lang ng magaling niyang ina na ubod ng sama! Kahit sa impyerno hindi tatanggapin si Helga... lihim niyang turan sa isipan. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.   Nag-isip siya ng ibang mapag-uusapan. Alam niyang magtatanong na naman si Pink at tatawanan siya kapag naikwento na niya kung papaano siya tumakas nang palpak pagkatapos ng matagal na pagpaplano. Ayaw niyang mawala ang kainosentehan nito sa mundo. Bilang nakakatandang kapatid, gusto niyang protektahan ito nang buong puso.   "Bakit ba ke aga-aga ang ingay-ingay mo, Pink? " Nagkunwari siyang galit. Ewan niya ba kung bakit sa dinami-rami ng p’wedeng sabihin ay iyon pa ang kanyang naitanong dito. Matagal na namang maingay ang kapatid niya at alam iyon ng buong mansyon.   "Anong oras na po kasi mahal na prinsesa pero tulog pa po kayo," sarkastiko nitong sagot.   Ginaya niya rin si Pink. "Buti sana kung pumapasok tayo sa school, Pink. Para may dahilan ako sa paggising nang maaga, hindi ba? Kaya sa susunod, 'wag mo na akong gigisingin, ha?" Ginulo niya muna ang buhok nito at saka nagtilakbong muli ng kumot. Hahabulin niya ang tumakas na tulog.   Pareho silang nag-aaral sa bahay ni Pink at hindi rin sila nakakalabas sa malaking mansyon na iyon. Ang maganda lang sa homeschooling ay advance ang pinag-aaralan nila. Habang ang iba ay aaralin pa lang, sila ay tapos na. Malaking advantage iyon para sa kanila. Si Pink lang talaga ang mahirap turuan kaya nagtatagal sila ng tutor nito.   Magsimula ng mamatay ang mama nila ay naging ganito na kahigpit ang papa nila sa kanila. Laging kinokontrol ang kilos at galaw nila sa maraming bagay. Naging komplikado ang kanilang buhay at lagi pang nanganganib. Kaya nang araw na iyon, tumatak sa isipan niyang hindi rin masaya ang maging mayaman. Totoo ngang parating may kaikibat na pait ang estado ng buhay ng isang tao. Katulad na lang ng nangyari sa mama nila, sinadya raw iyon at hanggang ngayon ay hindi pa kilala kung sino ang may sala sa malakas na pagsabog ng sinasakyan nito.   "Yung yakult ko, nasaan na ba, ate?" niyugyog na naman siya ni Pink. “Ang pagiging batugan, hindi dapat ginagawang trabaho! Tumayo ka na kase. Lagot tayo sa kampon ni Tita Helga!”   Napabalikwas ng upo si Violet "Alam mo kung hindi lang kita kapatid, baka nabigwasan na kita!" hindi na siya makatiis sa kakakulitan nito.   "Ate kong pangit, nasaan ang 'yakult ko?" Nanglait pa nga.   "Nasa mini fridge ko, pakikuha na lang mahal na prinsesa. Binigay 'yan kanina ng butler natin," walang kagana-gana niyang sagot.   "Wow! Savior talaga si Butler Jude!" kumikislap pa ang mga mata nito at tumakbo agad papunta sa fridge.   Nakita niyang may ibang gustong tahakin ang kamay ni Pink "Hep! Huwag mong gagalawin ang ibang laman diyan." Suway niya.   Kukunin kasi ni Pink ang kisses na bigay rin ni Butler Jude.   Kapag lumalabas ito ng mansiyon ay pinamimili sila ng kahit na anong gusto. Mahilig magpuslit ang kanilang butler nang bawal na pagkain para sa kanila.   Ngumuso si Pink "Ang damot mo, Ate. Ten lang naman eh. Hindi ko kukuhanin lahat, promise!"   Napairap si Violet "Edi sana kinuha mo na lang lahat!"   "Buti pa si Butler Jude. Mabait sa akin. You're my savior Butler Jude!" at nagpaikot-ikot ito sa tuwa habang hawak ang Yakult. Napakabilis talagang magbago ng emosyon ni Pink. Baliw. Ang isang salitang ide-describe niya sa kapatid.   "Kapag binilhan ng Yakult savior agad? Mabait agad, Pink?"   Napatigil si Pink sa pag-ikot "Ganon talaga, Ate!" Pasalampak na umupo si Pink sa couch at sumipsip ng yakult na paborito. Inihiga rin nito ang ulo at kinuyakoy ang paa na animo'y ngayon lang talaga nakatikim ng Yakult. "Ate, aalis na ba talaga si Butler Jude? Hindi niya na ba tayo mahal? Ayaw niya na ba sa atin? Siya na nga lang ang kakampi natin dito sa bahay tapos iiwan niya pa tayo..." puno ng lungkot ang mga mata ni Pink. Nagbabadya na ang pagtulo ng luha.   Matagal ng naninilbihan sa kanila si Butler Jude. Kaibigan ng mama nila ito at itinuring nilang tunay na ama. Mas nagpaka-tatay pa nga ito kumpara sa tunay nilang ama. Lagi kaseng nasa trabaho ang kanilang papa. Ang kasama lang nila ay ang dalawang bruha, pati na ang mga katulong, bodyguards, at si Jude na malapit sa kanila.   Ang problema ay hindi sinusunod ng kanilang butler ang mga gustong ipagawa ni Helga na ikinangitngit ng butse nito. Dahil sabi ni Jude, nasa kanilang magkapatid daw ang katapatan nito. Hanggang ianunsyo sa kanila ni Butler Jude na matatanggal ito sa trabaho at sa susunod na linggo na aalis ng bahay.   Isa iyon sa mga ipinangako ni Butler Jude sa kanilang mama nang mamatay ito sa pagsabog labin-dalawang taon na ang nakalilipas. Ngayon ay dalawampung taong gulang na si Violet ngunit sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang pagkamatay ng ina.   Hindi namalayan ni Violet na unti-unti siyang bumabalik sa nakaraan kaya hindi siya nakasagot kay Pink na patuloy sa paglilitanya. Naalala niya na naman ang dahilan ng patuloy nilang pagdurusang magkapatid.   Nasa isang fast food chain ang pamilya ni Violet maliban sa kanyang ina. Tuwang-tuwa si Violet dahil may pasalubong na naman daw ito na bagong labas na gadget, siya raw ang unang makakagamit. Nanalo kasi noon si Violet sa isang paligsahan kaya may premyo siya sa pagiging masipag sa eskwelahan.   "Talaga po?" tanong ni Violet sa kanyang mommy na may lahing koryana. Dito nila nakuha ni Pink ang magandang kutis at magandang mata. Samantalang ang kanilang ama naman ay purong Pilipino.   Nagsalita ang nasa kabilang linya "Yes Baby Girl, basta magpakabait ang Little Violet ko?" halos pumalakpak ang taynga niya dahil sa tuwa. Excited na siya.   "I will always be a good girl!"   "Ate, can I speak to mommy too?" tanong ni Pink sabay dila sa Ice Cream. Bilog na bilog ang pisngi ng kapatid niya dahil sa katabaan noong bata pa sila.   "Hmmp ako na lang kakausap!" sabi ng isang batang babae, ngunit hindi pamilyar kay Violet ang mukha nito dahil malabo sa kanyang isipan.   'Sino ba ang batang ito at anong koneksyon ko sa kanya?' Iyan ang parati niyang tanong sa kanyang sarili kapag naiisip ang batang babae. Parang malapit sila sa isa't isa. Ang nakapagtataka lang ay wala talaga siyang maaninag na mukha kapag ito na ang iniisip niya dahil bigla na lang siyang nahihilo at sinasakitan ng ulo.   "Ayaw!" sabay belat ni Violet.   Nauna lang sila ng mga kapatid niya kasama ang kanilang daddy dahil may dinaanan pa si Idina sa kompanya.   Ang papa naman nila ay nakaupo lang at hinihintay ang pagdating ng asawa. Panay naman lantak ni Pink ng ice cream at enjoy na enjoy. Si Violet naman ay nagtatakbo na palabas upang salubungin ang kanyang ina.   Siya lang naman ang excited dahil siya lang naman ang may premyo. Natatanaw na niya ito sa di kalayuan lulan ng bagong pulang awto.   "Mommy, I can see you now!" Naglulundag pa si Violet sa sobrang kasiyahan. Gusto niya ng makita ang pasalubong ng mommy niya.   "Baby, please don't run," pagbabawal ni Idina sa telepono. “I can see you too.”   Wala namang masyadong sasakyan na nagdaraan doon dahil hindi pa ito masyadong sikat ngunit masarap ang pagkain.   "Okay, mommy," tumalima na lang siya sa sinabi ni Idina at kumaway-kaway na lang nang nakangiti.   Hindi niya pa rin binababa ang telepono. Gustong-gusto ni Violet na naririnig ang tinig ng mommy niya.   “Mommy, please make it fast!"   “I will.” Tumatawang sagot ni Idina.   Panay pa rin ang talon ni Violet. "Is that—mommy!" nagulat siya sa sunod na nangyari. Sumabog ang kotse ni Idina. Hindi niya na naituloy pa ang ibang sasabihin. Agad na nilamon ng apoy ang buong sasakyan nito.   “M-mommy?” kitang-kita ni Violet ang buong pangyayari. Nanginginig siya sa takot. Nawalan ng lakas ang tuhod niya. Napasalampak siya sa lapag habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.   "Mommy!" naisigaw niya pa bago mawalan ng malay.   NARAMDAMAN niyang may umalog sa kanya. Bumalik si Violet sa kasalukuyan dahil sa pagsigaw ni Pink.   "Ate!" untag nito nang alugin siyang muli.   "Ano ba?" hindi niya maiwasang taasan ang boses dahil sa gulat dito.   Tumingin si Pink sa kanya "Nakikinig ka pa ba ate? Kanina pa po ako salita nang salita." Ngumuso ito, mukhang nagtatampo na naman sa kanya.   "Yes, I am listening, Pink," pagsisinungaling niya. May mga pagkakataon pa namang matagal mawala ang tampo ni Pink.   Ngumiti lang ito. “Alam kong hindi ka nakikinig.”   “I was...” sumusuko niyang turan.   "Ate ko... may sasabihin ako.”   Hindi maiwasan ni Violet na paikutin ang mata. Napakarami na nitong sinabi ngunit mukhang may mahaba-haba pang litanya ang magaling niyang kapatid.   “Maligo ka na po.”   “Bakit?” nakataas ang kilay niyang tanong.   Humagikhik si Pink. “Kasi, may panis na laway ka pa!" sabi nito at nagtatakbo palabas.   "Ayssh!" Hahabulin niya pa sana ito habang kinakapa ang pisngi. "Meron nga, langya."   Ganoon na lamang ang pag-iling niya habang nakatingin sa dinaan ng kapatid. Ito na lang talaga ang rason niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasisiraan ng bait. Ang kapatid na lang ang dahilan kaya patuloy siyang kumakapit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD