Chapter 3

3083 Words
CHAPTER 3   BINILISAN NI Violet ang pagligo sapagkat naalala niyang ngayon nga pala ang dating ng mag-inang bruha. Isang linggo itong nasa Boracay at nagpapakasasa sa buhay. Samantalang sila, punong-puno ng bantay, pati pagkain ay hindi ma-enjoy. Pakiramdam nila, kahit sa pagsubo'y may nakamasid sa kanila. "Hindi kami p’wedeng sumama sa Bora kasi iitim daw kami. Anong klaseng rason ‘yon!" Pakikipag-usap ni Violet sa sarili sabay lagay ng floral grapes na shampoo-ng paborito niya. “Kaya naman pala ang bait-bait ng Angela s***h T-rex na iyon noong mawalan ako ng malay!”   Napahinto siya sandali nang may maalala. "Ano 'yon, silang dalawa hindi tatablan ng araw? Ang kapal naman pala ng balat!" sabay kuskos muli ng kanyang ulo. Doon niya ibinubuhos ang galit.   Napahinto na naman siya "Sabagay, may pagka-balat kalabaw ang mag-inang 'yon." Tumatango-tango niyang wika "Nah, maybe Helga but not Rex the T-rex. Masama nga lang ugali." Binuksan niya ang shower at hinayaang anurin ang bula sa kanyang katawan.   “Angela...” wika niya habang umiiling. “Ang ganda pakinggan pero demonyita ka. Helga... pangalan pa lang pang-impyerno na.”   Sinampal-sampal ni Violet ang pisngi. “Aysh! Itong si Pink kung ano-ano ang pinapasok sa isipan ko.” Umiiling na naman siya habang iniisip ang kapatid.   Minsan nalilito na siya kung nagpapanggap lang si Pink na walang alam sa mundo para makatakas sa nangyayari sa paligid o hindi mabagal talaga ang development ng kapatid niya. Labing-walong taong gulang na kase ito pero kung umasta ay parang bata. Hindi rin halata sa kapatid niyang nasa ganoon ng edad dahil baby face. Matataba kase ang pisngi ni Pink at hindi pa ganoon katangkad. Katulad ng pangalan, laging kulay rosas ang damit nito.   PAGKATAPOS maligo ay tinitigan ni Violet ang sarili sa salamin. Hindi niya maiwasang hindi maisip ang namayapang ina kapag nakikita ang mukha.   “I miss you, Mom,” mahina niyang wika sa salamin. “Everything will not be the same without you. But I'm trying to be strong. I need to...” pinigilan niya ang pagtulo ng nagbabadyang luha. Kailangan niyang maging matapang para sa kapatid.   Sa edad na dalawampu, nakuha niya na ang halos kabuuan ng mommy niya. Ang matangos na ilong lang ang naiiba dahil walang duda na sa daddy niya ito nakuha. Nasa five feet six inches din ang height niya. May balingkinitang pangangatawan. Ang mata ay kulay kape na pinarisan ng malalantik na pilik-mata. Ang buhok naman ay tuwid na tuwid at kulay itim. Nilagyan niya ng pulang lipstick ang manipis na labi. Kailangan iyon. Isa sa mga maskara niya upang magmukhang matapang.   Lumabas din siya kaagad ng kanyang silid. Kailangan niyang puntahan si Butler Jude. Nakailang liko rin siya sa mga pasilyo bago natagpuan ito.   "Butler Jude, sigurado ka na bang aalis ka na? Hindi ka na ba mapipigilan pa?" tanong ni Violet sa kanilang butler.   Dala-dala nito ang mga gamit. Desidido na talaga. Lalo tuloy siyang nalungkot.   Ngumiti ang kanilang butler "Oho, Miss Violet. Kahit labag man sa kalooban ko itong pag-alis ko at hindi ko na kayo masasamahan pa tulad ng ipinangako ko sa inyong mama ay gagawin ko pa rin.” Yumuko si Butler Jude habang pinagpapapatuloy ang sinasabi sa pagbaba ng hagdan. "Ang inyong daddy na kasi mismo ang nagdesisyon sa usaping ito. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sarili ko kung isinusuka na ako," pilit itong ngumiti.   Pakiramdam ng dalaga ay pinipiga ang kanyang puso "Ano ba naman 'yan, Butler Jude! Hanggang ngayon ba naman sa pag-aalis mo ay hinoho mo pa rin ako? Halos ama na nga ang turing namin sa iyo ni Pink. Bakit ba kasi ang laki ng pagbabago na ipinapakita ni daddy? Hindi ko na nga siya kilala. Wala na akong maintindihan sa mga desisyon niya."   "Kahit ako man, Miss Violet ay nagtataka sa inaasta ng papa ninyo. Makalipas ng pagsabog— malaki na ang pagbabagong nakita ko sa kanya. Dati-rati lang ay kaututang-dila ko pa siya ngunit kalaunan ay bigla na lang nagbago," panghihinayang ng kanilang Butler.   Natawa nang bahagya si Violet sa salitang ‘kaututang-dila’. Pinipinipigilan niya lang ang sarili dahil seryoso ang usapan. Anong klaseng salita 'yon? Kailan pa umutot ang dila? Kasalanan talaga ‘to ni Pink! Lihim niyang paninisi sa nanahimik na kapatid.   Puno ng sinseridad na lumingon ulit si Violet "Thank you for the love and care that you gave to us, butler," pinipigilan niyang umiyak ngunit pahamak ang luhang lumalandas sa kanyang pisngi. Isang ngiting puno ng kalungkutan ang tangi niyang naipakita.   "Miss Violet, 'wag naman ho kayong umiyak, malulungkot ako niyan eh,” napakamot sa ulo nang wala sa oras ang kanilang butler.   "Sige na po, baka pigilan pa kayo ni Pink, Butler Jude," lihim siyang nalungkot sa kanyang sinabi. Ginawa ko na namang excuse ang kapatid ko.   Tumatawa ang kanilang butler nang tuluyang makababa ng hagdan. "Yes. Be safe, Miss Violet," ginulo nang bahagya ni Jude ang buhok ni Violet bago tuluyang tumalikod.   Hinabol niya pa ito ng tingin. Nang tuluyang mawala sa paningin ang kanilang butler ay saka siya sumagot sa tanong nito. "I will... I will, butler!" buong tatag niyang wika.   Tinungo niya ang kusina matapos makipag-usap kay Butler Jude. Nawala na sa isipan niya ang kapatid at pagdating nila Helga. Hindi p’wedeng magpang-abot ang mga ito. Siguradong malaking gulo iyon.   "Manang, where's Pink?" tanong niya sa isa sa mga katulong na naroon.   "Pinuntahan po si Miss Angela,” patukoy ng katulong sa unang pangalan ni Rex. Angela Rex Dela Vega kase ang buong pangalan nito.   "We're, seriously dead!" naalala niyang dala-dala pa nito ang Yakult kanina.   "Ano ho 'yun, Miss Violet?"   Peke siyang ngumiti. "Nothing, just do your job," saka siya tumalikod.   Kailan kaya magbabago ang matandang iyon? Hanggang ngayon chismosa pa rin. Lihim siyang umiling habang naglalakad. Nang makarinig si Violet ng sigawan habang papalapit sa sala. Agad siyang binalot ng matinding kaba.  Mas binilisan niya pa ang paglalakad patungo roon.   “Bwisit! Alam mo ba kung magkano ang damit na ito? Oh, you don't know, because you are an idiot. Boba!”   Bahagya niyang binilisan ang paglalakad. Kahit malayo pa ay rinig na rinig niya na ang boses ni Rex na galit na galit. Lalo siyang kinabahan. Walang hindi kayang gawin ang babaeng iyon. Nang tuluyang makarating sa dapat na puntahan ay nahinto siya sa kinatatayuan.   Nakaluhod na si Pink para lang makuha ang kapatawaran kay Rex ngunit tila isang bato ang kaharap nito. Rex forgiveness is like a bunch of gold. It is hard to give. Lihim niyang turan sa isipan. Ang katwiran nito, malaki man o maliit ang nagawa mong kasalanan, parehas pa ring kasalanan.   Hindi niya inaasahan ang susunod pang mangyayari. Sinasabunutan na ni Rex si Pink. Muli siyang natulos sa kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang mga paa dala ng matinding galit.   "Sorry po, Ate Rex..." hinging patawad ni Pink. "Sorry-sorry po, hindi ko sinasadya."   Itinaas ni Rex ang ulo ni Pink, sapat para makita ang mukha nito. "Sorry... iyon lang masasabi mo?   “A-ate...” tigmak ang luhang turan ni Pink. Ikinikiskis nito ang mga palad habang paulit-ulit sa paghingi ng tawad.   “Die, b***h, die!" hindi pa nakontento si Rex, inalog-alog nito ang ulo ni Pink.   Nataranta na lang bigla si Violet sa kanyang nakita. Sinasampal-sampal naman nito ngayon ang kapatid niya. Nag-init ang ulo niya. Nandidilim ang paningin niya sa galit. Nang mga sandaling iyon, isa lang ang nasa isipan niya—gusto niya itong patayin!   Malawak ang bahagi ng sala sa kanilang mansyon. Dito minsan inilulunsad ang mga pagtitipon ukol sa negosyo, selebrasyon ng ibat-ibang kilalang angkan at iba pang mahahalagang okasyon. Ngunit kahit isa sa mga iyon ay wala silang nadaluhang magkapatid. Nakakulong lamang sila sa basement sa tuwing may nagaganap sa pinakamamahal nilang tahanan.   Muling naging matino ang kanyang isipan ngunit ang galit ay naroon pa rin. Patakbo ang paglapit niya sa dalawa "Rex, stop it!" awat ni Violet.   Imbes na tumigil si Rex ay pakaladkad pa nitong sinabunutan si Pink. Kaya naman natumba ito. "s**t!" napamura siya. "Rex, I swear to God that I will punch your face if you won’t stop now!"   Wala siyang karapatan! Ang sabi niya sa kanyang isipan. Hindi ko nga pinapadapuan sa lamok ‘yan! Tinanggal niya ang pagkakasabunot ni Rex kay Pink at itinulak ito nang napakalakas, sapat na upang matumba ang anak ng madrasta nila.   Lumuhod si Violet. Pinagmasdan niya ang kapatid at tinanggal ang mga nakaharang na buhok sa inosenteng mukha nito. Naroon ang pag-aalala, galit, at awa habang ginagawa niya iyon.   Wala ng mapagsidlan ng takot sa mga mata ng kapatid niya. Tila nagpapasaklolo ito. Ramdam niya ang panginginig ni Pink nang yakapin niya ito.   Ngumiti si Rex nang malademonyita nang titigan niya. Ginagalit talaga siya ng bruha.   "Pink, nandito na si ate. Tahan na bunso...” hinimas niya ang buhok ng kapatid upang kumalma ito.   Tumingin si Pink sa kanya habang humihikbi. "Sorry, ate... hindi ko po sinasadya! Natapunan ko kasi siya ng Yakult." Pinipigilan ni Pink ang pag-iyak, ngunit traydor ang mga luha nito. Tila gripo iyon na patuloy sa pag-agos.   Hinihimas niya pa ang likod nito "Wala kang kasalan, Pink! Don't be like that!" Suway niya rito. “Di ba big girl ka na? Dapat ang big girl, hindi na madaling paiyakin.”   Wala namang kagatol-gatol na pinapanood sila ni Rex at umiirap-irap pa. Nakikita niya pa rin ito sa gilid ng paningin niya.   Napakasama talaga ng ugali nito. Hindi man lang humingi ng tawad. Hindi talaga bagay ang Angela na pangalan nito dahil mala-kampon ni Satanas ang ugali. Inaayos pa ni Rex ang kuko habang tila naiinip na pinagmamasdan sila.   Kasing-tangkad niya si Angela Rex. Kung hindi siya nagkakamali ay kaedad niya rin ito. Makikita ang pagiging mataray nito kahit saan tingnan. Sopistikada kung manamit. Kahit nasa bahay lang sila ay mamahalin pa rin ang suot. Karamihan doon ay kulay itim. Balot din parati ng make up ang maganda nitog mukha.   "Kumusta ang drama? Bravo!" pumalakpak pa ang demonyita. “Hindi niyo naman sinabi na makakapanood ako ng drama ngayon.”   Isang nakamamatay na tingin ang binigay niya rito. Tumayo Violet at hinarap si Rex.   “What?” nagtataka nitong tanong habang nakataas pa ang kilay.   Umiling siya nang isang beses bago dumapo ang kamao niya sa pisngi ni Rex! Ibinuhos niya ang lahat ng galit doon na kinimkim sa mga nakalipas na taon.   Kitang-kita niya kung papaano ito tumembwang at sumalampak sa lapag. Pumutok rin ang labi nito habang makikita ang matinding pagkagulat.   Ngumisi siya. “Sabi ko sa ‘yo susuntukin kita. Pero talagang naghintay ka pa. Kasalanan mo iyan.”   Ganoon na lamang ang pag-awang ng labi ni Rex habang sapo ang pisnging nasuntok. Takot na takot ito.   “The hell?” hindi ito makapaniwala sa ginawa niya. Ngunit mayamaya ay napalitan iyon ng galit. Tumayo kaagad si Rex at susugurin siya.   Umilag siya patagilid at inabot ang buhok nito. Sinabunutan niya nang napakatindi si Rex. Makakalbo niya ito kapag walang umawat sa kanila! Kahit magkasing-katawan lang sila, nadadala niya ito na parang isang papel lang.   Ngunit hindi niya inasahang may itinatago itong lakas para matangay rin siya. Pinilipit ni Rex ang kanyang braso at dinala sa likuran ang kamay niya.   Ang sakit ah! Lihim niyang daing. Gamit ang isang kamay ay sinabunutan niyang muli si Rex at nagpapagulong-gulong sila sa sahig nang mawalan ng balanse ang kinakapatid.   Hindi na inalintana ang magagarang kasuotan. Mas mahalagang mailabas nila ang galit sa isa’t itsa.   "Tumigil na po kayo!" awat ni Pink sa dalawang amasonang nagsasalpukan.   Nagalit si Rex kay Pink dahil natapon nito ang Yakult na inilagay niya pa sa baso kanina. Yayakapin sana ni Pink si Rex pagdating dahil sa sobrang pagkagalak, kaso natisod si Pink at naging dahilan iyon upang uminit ang agad ulo ni Rex. Nanggaling pa yata sa boyfriend nito ang bagong damit na suot.   "Please! Tigil na po!" natatarantang sigaw ni Pink. "Mga ate 'yung vase!"   Agad namang nasambot ng dalawa ang vase na galing pa sa kanilang ninuno. Tila natauhan silang dalawa matapos ang nangyari. Parehas na gulo-gulo ang kanilang buhok at hindi maintindihan ang itsura pagkatayo.   "Parehas talaga kayo ng nanay mong walang kwenta!" hindi pa rin nagpaawat si Rex.   Nagpanting ang taynga ni Violet dahil narinig. Ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili. Alam niyang dahil sa sinabi nito ay mas magagalit si Pink.   "Sinong walang kwenta, Ate Rex? How dare you!" si Pink naman ang sumabunot ngayon kay Rex. Iyon ang isa sa ayaw ng kapatid niya—ang alipustahin ang kanilang ina na aabot sa pandinig nito.   "Tanga ka na nga, bingi ka pa!" nakikipagsambunutan muli si Rex.   Galit na galit pa rin si Pink "Wala kang karapatan! Patay na nga si momy gaganunin mo pa, Ate Rex!"   Hinila ni Violet si Rex papalayo kay Pink. Ngunit hindi niya inaasahang maabutan ng mahahabang kuko nito ang pisngi ng kapatid. Ganoon na lamang ang pandidilim ng paningin niya. Hindi niya na alam kung anong ginagawa ng mga sandaling iyon. Gustong-gusto niyang basagin ang mukha ni Rex...   BUMALIK lamang si Violet sa kasalukuyan nang makarinig nang paulit-ulit na sigawan. Natagpuan niya ang sarili na nasa ibabaw ni Rex at bugbog-sarado na ito. Mukhang nawala na naman siya sa sarili at nagpatangay sa galit.   "Tigil!" nagsidatingan ang bodyguards para awatin sila.   Tatlong ang humila sa kanya para mailayo kay Rex.   Inayos ni Violet ang nagulong buhok matapos magpumiglas sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Helga. "Subukan mo lang na saktan ulit ang kapatid ko, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" wala siyang banta na hindi ginagawa. Kung hindi pa rin ito makikinig, kasalanan na nito. Handa siyang makipagpatayan kapag kapatid niya na ang pinag-uusapan.   "M-mommy..." umiiyak na tawag ni Rex kay Helga. Nagsimula ng magpaawa ang magaling na babae nang makita ang kakampi.   Napairap si Pink at tumingin sa kisame. "Tss... hindi bagay," bulong ng kapatid niya ngunit hindi nakaligtas iyon sa pandinig ni Violet.   Tiningnan ni Helga ang anak na may sugat sa parte ng katawan at mukha "My baby... saan ang masakit?" Yumakap ito sa anak.   "Oh come on people," bulong ni Violet. Napipikon siya sa kanyang nakikita.   "I'm okay, mom," sagot ni Rex sabay irap sa kanya.   Susugod sanang muli si Violet ngunit naging maagap ang mga tauhan sa paligid nila. Kaagad siyang nahawakan ng mga ito. Tila isa siyang tigre na handang lumapa kapag nakawala.   "Don't you dare to do that again, Rex,” kalmadong pagbabanta ni Violet. “You know me, I am territorial. I will protect what’s important to me no matter it takes,” muling nagpumiglas si Violet at kaagad namang bumitaw ang mga humahawak dito.   Humalakhak si Helga. “Marunong ka ng magbanta?” hindi ito makapaniwala. Tiwala iyon ang pinaka-nakakatawang sinabi niya.   Ngumisi siyang muli. “I’m not bragging this, but I can kill you if I want to. But you’re not worth it.”   "Mommy," pagpapaawang muli ni Rex at yumakap sa magaling na ina.   Ganoon na lamang ang paghalakhak niya sa eksenang nakikita. “Oh, come on people!” Pumalakpak pa siya. “Kawawang-kawawa?”   "Violet!" suway ni Helga habang puno ng pagbabanta ang mga mata.   "Yes, Tita? Oh, let me rephrase it again... yes, Helga?" emphasize pa ang pagkakasabi niya sa maganda nitong pangalan. Punong-puno na siya. Wala na siyang pakialam sa susunod na gagawin ng madrasta niya.   "Wala ka talagang respeto. Walang utang na loob!" nagpupuyos ito sa galit.   "Ang tanong, karespe-respeto po ba kayo?” tanong niya rito habang sinasalubong ang galit na galit na mata ni Helga. “Nagpapatawa ka yata. Utang na loob. Big word, kailan ako nagkaroon ng utang loob sa inyo? Nagkakalimutan na yata tayo rito. Gusto niyo bang ipaalala ko?”   “Ate, awat na.” Hinihila siya ni Pink. Mukhang natatakot na ang kapatid niya sa tensyong nangyayari sa paligid.   Humawak si Helga sa sentido. Mukhang nahilo ito. “Ikulong 'yan sa bodega at huwag pakakainin! Isama niyo na rin ang isang ito nang matuto!” pagpapatuloy ni Helga.   “Mom.” Inalalayan ni Rex si Helga nang mawalan ito ng balanse.   Tumingin ang mga katulong kay Helga. Nagulat sa desisyon nito. Kahit kailan ay hindi nakaranas ng bartolina si Pink. Siya parati ang sumasalo ng lahat ng pagkakamali nito.   "Madam..." tutol ng mga katulong. "Gawin niyo na, pero hindi kasama si Pink!" sanay na naman kasi siya na makulong roon parati ngunit hindi si Pink. Matatakutin kase ang kapatid niya at madaling umiyak. Binitawan naman ng mga katulong ang kapatid niya at kukunin na siya.   Para siyang timang na napangiti sa tagpong iyon. Iniisip niya kaseng nasa isa siyang teleserye ngunit hindi niya malaman kung sino ba ang bida.   "Tanggal kayong lahat sa trabaho!" hirit ng magaling na si Rex.   Napatingin ang mga katulong sa dako niya. Nagpapasaklolo ang mga ito. Lihim na nakikiusap na pumayag na siya.    "Sasama na ako!" sigaw ni Pink.   "Pink?" nagulat siya. Ngunit hindi na tumutol pa. Naiintindihan niya ang kapatid.   "Sasama naman pala. Dalhin!" puno ng awtoridad ang boses ni Helga.   Yumukod ang pobreng katulong "Pasensya po miss, sumusunod lang."   "Okay lang po iyon." Ngumiti si Pink sa mga tagasunod ng mag-ina.   "Sandali lang," pigil ni Helga. Mukhang may nakalimutan itong gawin.   Lihim na napangisi si Violet nang sampalin siya nang pagkalakas-lakas. Alam niya ng mangyayari iyon kaya inihanda niya na ang pisngi. Sobra yata ang pagmamahal ng madrasta niya sa kanyang pisngi para pag-initan parati. "Okay dalhin na ang mga iyan," tila walang ganang turan nito. Tinapik-tapik pa ni Helga ang pisngi niya habang nagsasalita.   Noong nakaraan sa kaliwang pisngi. Ngayon naman ay sa kanan.   "Pantay na ‘di ba?" hirit pang muli ni Helga.   Ngumiti si Violet. “Salamat, ha?” sarkastiko niyang wika. Katulad ng dati, bakat na naman ang sampal ni Helga sa kanyang pisngi.   "Pink, pantay na raw?" nagawa niya pang magbiro sa kundisyon nila habang naglalakad patungong bartolina.   Tumawa ang kapatid niya. “Pantay na nga.” "May libreng pa-blush on si tita." Tumatawa niyang turan.   Kahit papaano alam niya pa rin ang salitang respeto, ngunit hindi na makatao ang ginagawa ni Helga sa kanila. Hindi dapat ganito ang trato nito. Parte pa rin sila ng bahay na iyon. Hindi sila p’wedeng alipustahin ng kahit sino. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano mababawi ang buhay na para sa kanila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD